Tintin Bersola-Babao gives birth to her second child

Tintin Bersola-Babao and Julius Babao became parents for the second time after she gave birth to a healthy baby boy yesterday, January 31. Tintin and husband Julius Babao named their second child Antonio Francesco (inset).


Ipinanganak na ni Christine "Tintin" Bersola-Baboa via caesarean delivery ang second baby nila ng mister niyang si Julius Babao kahapon, January 31, 8:23 a.m., sa St. Luke's Hospital sa The Fort. Antonio Francesco ang ibinigay na pangalan ng mag-asawang Tintin at Julius sa kanilang baby boy.

Naikuwento ni Tintin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ipinagdasal nila ni Julius kay Saint Pio of Pietrelcina ang pagbubuntis niya. Devotee kasi silang mag-asawa ni Padre Pio at last year nga ay pumunta pa sila sa Italy para makapagdasal sa simbahan kung saan naroon ang hindi naaagnas na bangkay ni Padre Pio.

Pag-uwi nilang mag-asawa sa Pilipinas ay nagpa-checkup si Tintin sa kanyang doctor at nalaman niyang buntis na siya. Kaya may Francesco sa pangalan ng kanilang baby boy in honor of Padre Pio whose real name is Francesco Forgione.

Ang Antonio naman ay dahil sa patron saint nilang si Saint Anthony of Padua na taga-Italy rin. Ang panganay ng mag-asawa ay si Antonia who is now four years old.

Heto ang text message na ipinadala ni Julius sa PEP kahapon, Jan. 31:

"To all our caring ang concerned friends, Tintin had a safe cesarian delivery (8:23 AM, 7.4 lbs Antonio Francesco). But Tin is not allowed to do much talking. Bawal according to the OB. She still can't eat or drink until tomorrow. She is also still lacking of complete sleep due to breastfeeding and round the clock checkup of doctors and nurses. Appealing for your understanding. Thank you so much for your prayers, text messages and show of friendship. God bless!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN