Nostalgia marks Willie Revillame's 49th birthday celebration

Wowowee host Willie Revillame opted to have an intimate party to celebrate his birthday. Willie, whose real birthday is January 27, even invited his childhood friends from Cabanatuan province to celebrate with him. In this photo, Willie (center) is seen with actor John Estrada (left) and former PBB Double Up housemate Sam Pinto (right).


Naging masaya ang 49th birthday celebration ni Willie Revillame kagabi, January 31, sa mismong bahay niya sa Ayala Heights, Quezon City. Pero ang araw talaga ng birthday ni Willie ay noong January 27.

Pribado ang nasabing okasyon na dinaluhan lamang ng pinakamalalapit na kaibigan ng Wowowee host sa loob at labas ng showbiz. Maging ang ilang kakilala ni Willie na mula pa sa probinsiya ng Cabanatuan, Nueva Ecija ay nakisaya rin. Tubong-Cabanatuan si Willie at malaking bagay raw para sa kanya ang pagdating ng ilang taong nakasama niya noong kanyang pagkabata.

Sariling kagustuhan ni Willie na gawing "intimate" ang nasabing pagdiriwang.

"Originally nga, dapat 30 guests lang 'yon, 'tapos naging 70 hangang sa naging 100. Because he decided to have entertainment afterwards," kuwento ng kaibigan ni Willie at party co-organizer na si Apet Nuñez sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

FRIENDS AS FAMILY. Ilan sa mga showbiz friends ni Willie na dumating ay sina John Estrada, Richard Gomez, kasama ang misis nito na si Lucy Torres; Raymond Gutierrez at ang ina nitong si Annabelle Rama, ang model na si Georgina Wilson, former beauty queen Gloria Diaz, YES! editor-in-Chief Jo-Ann Maglipon, Regal Entertainment matriarch Lily Monteverde, at ang Comedy King na si Dolphy. Dumalo rin ang current Pinoy Big Brother (PBB) sweetheart na si Sam Pinto, na sa kasalukuyan ay nili-link kay Willie.

Present din sa okasyon ang big boss ng Bench na si Ben Chan at ang presidential candidate na si Manny Villar. Image model si Willie ng Bench samantalang matalik niyang kaibigan si Villar, na noon pa nga ay natsismis na hinihikayat ang comedian-host para maging kanyang running mate para sa darating na eleksiyon.

Hindi rin siyempre mawawala ang ABS-CBN big boss na si Charo Santos-Concio at Star Magic head Johnny Manahan.

Nagsilbi namang performers ang mga beteranong singers na sina Rico J. Puno, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, at Vehnee Saturno. Paborito ni Willie ang mga nasabing mang-aawit kaya personal niyang inimbitahan ang mga ito para mag-perform sa kanyang birthday celebration. Naging back-up band naman ang grupo na kinabibilangan noon ni Willie. Dating drummer si Willie bago ito tuluyang napunta sa mundo ng show business at nakilala bilang komedyante at host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas sabihin ni Willie na pamilya ang turing niya sa kanyang mga kaibigan kaya masayang-masaya raw siya na makasama lahat ang mga taong lubos na nakakakilala sa kanya kahit pa nga noong mga panahong wala pa siyang pangalan.

TURNING NOSTALGIC. Bagama't kilala si Willie bilang isang TV host ay likas raw itong mahiyain sa likod ng kamera, lalo na nga't pagdating sa mga pagtitipon. Ito raw ang dahilan kaya nagpatulong ito kay John at Richard sa paghu-host ng kanyang sariling party.

Pinili raw ni Willie na magdaos ng kanyang kaarawan sa sarili niyang tahanan dahil pakiramdam nito ay magiging "permanent residence" na niya ang Ayala Heights. Imbitado rin ang ilang kapitbahay ni Willie sa nasabing subdivision. Magandang pagkakataon daw ang gabing yun para makilala niya ang mga ito na kadalasan ay sa TV lang din siya nakikita.

In his usual element daw si Willie buong gabi, meaning ay masaya ito na nakikipagbiruan at kuwentuhan sa kanyang mga bisita. Kapansin-pansin din daw ang pagiging "nostalgic" nito lalo pa nga't napapaligiran siya ng mga taong malaki ang naging kaugnayan sa kanyang buhay mula noon hanggang ngayon.

Simple lang daw ang birthday wish ni Willie at ito ay ang makahanap ng babaeng tunay na mamahalin at makakasama.

Paliwanag ni Apet, "Malungkot daw dahil lahat ng lakad niya [Willie] kung hindi daw mga matatandang kabarkadang babae ang kasama niya, e, puro mga lalaking barkada niya. So, siguro one of his wishes is to find someone to love."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN