Gabby Eigenmann always willing to support buddy Dingdong Dantes "through thick and thin"

"Kung anuman ang gustong gawin ni Dong sa personal, professional, or sa bayan, I'm here to support him through thick and thin. Kahit nagko-collapse na 'ko, heto, tumakbo pa rin!" says Gabby Eigenmann (in photo) about his friend, Dingdong Dantes.


Isa sa mga celebrity na tumakbo para sa book run ng Yes Pinoy Foundation last Sunday, January 31, sa Bonifacio Global City ay si Gabby Eigenmann. Isa siya sa pinakamalapit na kaibigan ni Dingdong Dantes, na siyang founder ng Yes Pinoy, at "kapatid" sa PPL Entertainment ng kanilang manager na si Perry Lansigan.

Tumakbo si Gabby sa 5K run at kahit hinihingal pa nang makarating sa finish line ay nagpaunlak siya agad ng interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Gabby is one of the most visible personalities sa ilang mahahalagang events sa buhay ni Dingdong—mapa-personal o professional man. Sa ganung paraan daw kasi niya naipapakita ang suporta niya sa itinuturing na rin niyang kapatid.

"It's just my second time to run so as you can see, I tried my best to run in 5K, but my best wasn't good enough!" natatawang biro niya. "Pero siyempre, kung anuman ang gustong gawin ni Dong sa personal, professional, or sa bayan, I'm here to support him through thick and thin. Kahit nagko-collapse na 'ko, heto, tumakbo pa rin!"

Pero dahil sa experience niya sa book run, malamang ay ituloy-tuloy na raw niya ang pagtakbo.

RYAN'S WEDDING. Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon na yun para kumustahin kay Gabby ang nalalapit na kasal ng kanyang pinsan na si Ryan Eigenmann. (Magkapatid ang ama ni Gabby na si Mark Gil at ang ama ni Ryan na si Michael de Mesa.)

"So far, yung iba nandito na, like si AJ [Eigenmann, youngest brother of Ryan], he arrived from the States. Hinihintay na lang namin si Tito Mike [Michael de Mesa] and grandparents namin [Rosemarie Gil and Eddie Mesa]. Also, yung isa pa naming cousin who is also from the States. By February 20 siguro, nandito na silang lahat—all set," masaya niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kay Gabby na rin namin nalaman na ang mga kapatid ni Ryan na sina Geoff at AJ ang tatayong best men. Si Gabby naman ay isa sa mga groomsmen, kasama ang iba pa nilang pinsan, kabilang na ang kapatid niyang si Sid Lucero. Kung sakali, makukumpleto raw ang Eigenmann family sa kasal ni Ryan.

TIME HEALS. Dahil isa ring Eigenmann si Gabby, alam din niya ang tunay na pangyayari sa likod ng paghihiwalay ng Tito Michael at ng Tita Gina Alajar niya, at ang pagkakaugnay ng pangalan ng sexy star na si Krista Ranillo. Pero tumanggi nang magbigay ng detalye si Gabby tungkol dito.

"I leave it up to prayers na lang," sabi niya. "Kung anuman ang isyu na 'yan, I'm sure in time maghi-heal din naman 'yan. Kung may mga pain, may mga sugat, maghihilom din lahat 'yan. Prayers lang."

Kasama si Gabby sa upcoming early primetime series ng GMA-7 na First Time, na pinagbibidahan nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN