Director Joel Lamangan reveals his dream cast

"Dream cast? Pagsama-samahin mo si Nora [Aunor], si Vilma [Santos], si Sharon [Cuneta] at si Maricel [Soriano]. Di ba, ang ganda nun? At si Juday [Judy Ann Santos] at si Claudine! O, ganda nun!" says director Joel Lamangan.


Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA-7 primetime series na Ikaw Sana last Friday, January 29, sa Subic. Nakausap namin doon ang direktor ng programa na si Joel Lamangan.

Tinanong namin si Direk Joel kung ano nakita niyang pagkakaiba ng mga pangunahing artista ng Ikaw Sana na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, at Pauleen Luna mula nang una niyang nahawakan ang tatlo sa pelikulang Blue Moon (2006).

"Mas mature na sila ngayon," sagot ng batikang direktor. "Sina Jennylyn at Mark, hindi na sila nahihiyang maghalikan! Sa Blue Moon, pinapagalitan ko pa sila para maghalikan. Hindi ko alam magkaaway pala sila noon. Doon pala sila nag-uumpisa nang maghiwalay. Pagagalitan ko pa para maghalikan.

"Noong Blue Moon, bagets na bagets pa sila noon. Iyon pa yung selosan sila nang selosan at nag-aaway. Ngayon, hindi na ako kailangang magalit. Pag sinabing maghalikan, halikan sila nang halikan. Kina-cut ko na, tuloy pa rin, kahit sumigaw na ako ng 'Tama na!' Ibig sabihin, ano na sila sa isa't isa, at ease na sila, gamay na nila ang isa't isa."

Dagdag niya, "Jennylyn is a better actress now. Yes, Pauleen and Jennylyn and Mark—all of them—mahusay sila. Si Jennylyn has matured into a very good actress, so is Pauleen."

Mahahawakan niyang muli sina Jennylyn at Pauleen sa pelikulang Sigwa, na entry sa Cinemalaya film festival ngayong taon.

"Si Pauleen is the young Zsa Zsa [Padilla], si Jennylyn is the young Gina Alajar," banggit ni Direk Joel.

RATINGS. Nagbalik-tanaw naman si Direk Joel sa Ikaw Sana, na magtatapos na ngayong Biyernes, February 5.

Aniya, "Dito ang sarap ng samahan namin. At mami- miss nila na umuuwi sila ng maaga."

Ayaw kasi ni Direk Joel na hinahatinggabi o inuumaga ang taping nila.

Sa pakikipag-usap namin kay Direk Joel, nalaman din namin na importante pala sa kanya ang ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, dyusko, laban ako nang laban!" sambit niya.

Wala rin daw kaso sa kanya kung panghapon o primetime ang kanyang ginagawang proyekto.

"Wala sa akin yun, pareho lang naman ang suweldo," sabi niya. "Pareho din namang trabaho yun, at hindi naman mukha ko ang nakikita sa screen na nakikipaglaban sa primetime o sa hapon."

DREAM CAST. Hindi pa pala nakakatrabaho ni Direk Joel ang bagong Kapuso na si Claudine Barretto. Gusto ba niyang maranasang makatrabaho si Claudine?

"Bakit naman hindi, di ba? E, di magtikiman kami," biro niya.

May dream cast pa ba si Direk Joel?

"Dream cast? Pagsama-samahin mo si Nora [Aunor], si Vilma [Santos], si Sharon [Cuneta] at si Maricel [Soriano]. Di ba, ang ganda nun? At si Juday [Judy Ann Santos] at si Claudine! O, ganda nun!" tila na-excite na sabi ng direktor.

Hindi kaya masakit sa ulo yun na pagsama-samahin ang pinakamalalaking artista sa isang pelikula?

"A, hindi... Sasakit ang ulo nila sa akin. Sila ang sasakit ang ulo! Mga kaibigan ko naman ang mga 'yon, takot sila sa akin, nanay naman nila ako."

Speaking of Nora, balitang gagawa ng pelikula ang Superstar pag-uwi nito sa Pilipinas early this year. Ano ang masasabi ni Direk Joel dito?

"Aba, e, di very good! Baka mag-reunion kami," maikling tugon niya.

Huling idinirek ni Direk Joel si Nora sa pelikulang Sidhi noong 1998, kasama sina Albert Martinez at Glydel Mercado.

Sa mga young stars, sino ang gusto niyang makatrabaho at sino ang ayaw niya?

"Huwag na yung ayaw, 'yon na lang gusto," pakiusap niya. "Nakatrabaho ka na yata lahat... A, si Rhian [Ramos] gusto kong makatrabaho. Nakikita ko na parang mahusay siya, may husay siya. Hindi ko pa siya nakakatrabaho pero nakikita ko na may husay siya. Na may ilalabas pa siya."

Ano ang bago niyang proyekto sa GMA-7 pagkatapos ng Ikaw Sana?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pa alam. Meron na raw, pero hindi pa ina-announce. Secret daw, malalaman ko pa lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN