Jay-R Siaboc wishes to do indie film but hesitant about gay love scenes

"Depende po siguro. Sa ngayon, kaya pa... nakakaya pa naman. Binibigyan pa rin po ako ng projects na hindi pa ganun. Siguro kapag walang-wala na, dun na po siguro!" says Jay-R Siaboc about accepting sexy roles.


Nagkaroon ng pagkakataon ang singer-actor na Jay-R Siaboc na makauwi sa bayan nila sa Cebu during the holiday season. 'Yon na rin daw ang naging advance celebration ng kanyang 23rd birthday noong January 21. Magiging magastos naman daw kasi kung magdo-double celebration pa siya.

Pero na-touch si Jay-R sa production team ng Pepeng Agimat dahil noong last taping day daw nila ay sinorpresa siya ng mga ito, kung kaya't nagkaroon din siya ng instant celebration.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jay-R sa ipinatawag na presscon ng Star Magic para sa mga talent nilang nagdiwang ng kaarawan noong January. Isa na nga rito ang runner-up sa first season ng Pinoy Dream Academy.

Ayon kay Jay-R, bagama't tapos na ang Pepeng Agimat, wala pa raw siyang alam na follow-up project niya.

"Ngayong tapos na ang Pepeng Agimat, tina-try ko namang i-focus ang sarili ko sa paggawa ng kanta. Ngayon, gumagawa-gawa ako ng kanta. Parang ine-enjoy lang ang sarili ko at hindi mawala yung pagkanta ko," sabi niya.

Looking forward daw siya ngayon sa gagawin nilang album ng grupo nilang VOIZboys. Natutuwa rin daw siya na balik-ASAP na rin sila. Kasama ni Jay-R sa VOIZboys sina Guji Lorenzana, Nico Antonio, at ang PBB Double Up ex-housemate na si Tom Mott, na siyang pumalit kay Ronnie Liang.

SEXY ROLES. Malaki na rin ang na-improve sa katawan ni Jay-R. Naging seryoso na raw siya sa pagdyi-gym at pagpapaganda ng katawan.

"Ngayon po, medyo okey na. Pero nandito pa rin ang focus ko na mas maging maayos pa, more on toning naman po siguro."

Okay na ba sa kanyang tumanggap ng sexy roles?

"Depende po siguro. Sa ngayon, kaya pa... nakakaya pa naman. Binibigyan pa rin po ako ng projects na hindi pa ganun. Siguro kapag walang-wala na, dun na po siguro!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Jay-R, "Pero ako naman po, kung anuman ang ibigay, go naman po ako. Kung anuman ang ibibigay sa akin na projects. Minsan po kasi, may naibibigay sa aking role na hindi ko gusto, pero kapag naumpisahan mo na, nagugustuhan mo na. So, kapag may pagkakataon po siguro na mag-offer sa akin ng ganun, tatanggapin ko kung yun talaga ang ibinibigay sa akin."

Wish daw ni Jay-R na makagawa rin ng indie films. Binanggit namin sa kanya na karamihan ng indie films ay may pagka-daring at uso rin ang tema tungkol sa gay relationships. Okay lang ba sa kanyang makipaghalikan o magkaroon ng love scene sa kapwa niya lalake?

"Ayoko po siguro ng ganun," nangingiti niyang sabi. "Ano naman po siguro, sa ngayon po siguro, okey pa naman po ang career ko kaya hangga't maaari, ayoko muna pong pumunta sa mga ganun."

ALMOST THERE. Hindi rin daw nate-threaten si Jay-R kung may mga bagong batch of stars na naman ang Kapamilya Network, tulad ng mga housemate na lalabas sa Pinoy Big Brtoher Double Up.

"Medyo ano lang... nandun lang ang utak mo na... siyempre, expected na kapag may lumabas, tulad namin dati, talagang mainit. Kung saan kami nagpupunta, sinisigawan.

"Okey lang naman ang ganun kasi pinagdaanan ko rin naman yun. And now that nalampasan ko na yung ganung stage, ang sa akin, ang problema na lang dun ay kung paano mo ime-maintain ang pagiging maingay ng pangalan mo," saad niya.

Aminado naman si Jay-R na may panahong tila nawala siya at bumaba ang popularity niya.

"Ngayon naman po, maski papaano, ginagawan ko ng paraan na magkatrabaho ulit. Magustuhan nila ako ulit. Mabigyan ng mga projects. So, sana... Siyempre, may panghihinayang na nandun na sana, ginu-groom na," sabi niya.

IRISH FULLERTON. Ang sinasabing dahilan ng pagkaudlot ng papaganda na sanang career noon ni Jay-R ay ang naging relasyon niya sa kasamahan niya noon sa Pinoy Dream Academy na si Irish Fullerton. Almost two and half years din tumagal ang kanilang relasyon at noong June 2008 daw sila nag-break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati ko pa namang naririnig yung mga ganyang salita," sabi ni Jay-R. "Pero kami kasing dalawa yung nakakaalam lang sa mga nangyayari. Talagang inisip ko rin yun, pero hindi ko ginawang dahilan yun para mag-break kami.

"Sayang din naman kasi ang mga pinagsamahan. Tapos, noong nag-break kami, yun na talaga. Dapat na siguro kaming mag-break. Pero ako, hindi naman ako nagsisisi na naging kami kasi naging masaya ako."

Kay Jay-R din namin nabalitaan na may bagong boyfriend na pala si Irish. Ano ang naging reaction niya na meron na ulit boyfriend ang dating kasintahan?

"Well, unang-una, nagulat... nagulat ako. Hindi ko rin alam, e, bigla ko na lang nabalitaan na meron na. Pero siyempre, nagulat ako. Pero ganun naman talaga."

Siya ba, never pang nagka-girlfriend since their breakup?

"Wala po... wala pa po talaga. Mamamatay ako kapag lumapit ako sa babae!" biro niya.

Pero paliwanag niya, "Nahihiya po talaga akong lumapit sa babae. Si Irish naman po kasi, magkaibigan kami. Nanligaw rin ako pero magkaibigan na kami. Close na kami sa loob ng bahay [PDA] kaya mas naging madali."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN