Jhake Vargas does not mind being the breadwinner in his family

"Okay lang naman po na ako yung breadwinner sa pamilya ko. Pamilya ko naman po yun, e. Masaya naman po ako na natutulungan ko ang mga magulang ko at mga kapatid ko. Okay lang po," says Jhake Vargas.


Very proud ang teen actor na si Jhake Vargas dahil sa big break na ibinigay sa kanya ng GMA-7 para maging isa sa mga bida, along with Joshua Dionisio and Barbie Forteza, ng bagong youth-oriented teleserye na First Time, na mapapanood na simula sa February 8 bago ang 24 Oras sa GMA Telebabad.

Bago pa ang First Time ay nakasama na rin sa iba pang Kapuso telenovela si Jhake gaya ng Joaquin Bordado, Gagambino, at Tasya Fantasya. Pero higit siyang napansin nang gampanan niya ang batang Tristan (TJ Trinidad) sa Stairway To Heaven kung saan nakasama niya rin sina Joshua at Barbie, na gumanap naman bilang batang Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos). Nasundan pa ang pagsasama nilang tatlo sa isang episode ng Dear Friend at ngayon nga ay dito sa First Time.

"Ito na po yung biggest break ko," sabi ni Jhake. "Ito na po yung hinihintay naming tatlo nina Barbie at Joshua. Kami na pong tatlo ang bida rito sa First Time. Kaya nagpapasalamat po ako sa Diyos, kay Tatay German [Moreno, manager ni Jhake], at syempre sa GMA."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jhake sa grand presscon ng First Time na ginanap noong February 1 sa Studio 6 ng GMA Network.


LOVE TRIANGLE. Sa First Time, ginagampanan ni Jhake ang role bilang si Baste Luna, na kaibigan nina Cyndi (Barbie) at Lukas (Joshua). May lihim siyang pagmamahal kay Cyndi habang nagkakagustuhan naman sina Cyndi at Lukas, kaya isang love triangle ang uusbong sa kanilang tatlo.

Paano sila nagkakapareho ni Baste?

"Hindi naman po kami pareho, kasi si Baste po parang martir, medyo may pagkatorpe. Ako po, hindi naman po ako ganun," sagot ng binata.

Hindi ba siya naiilang o nagsasawa na siya ang laging third party o panggulo sa loveteam nina Barbie at Joshua?

"Medyo rin," pag-amin niya. "Pero trabaho po ito kaya okay lang po. Wala naman pong problema, trabaho lang po. Kahit anong ibigay po sa aking role, okay lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang pagtatrabaho ulit nilang tatlo?

"Masaya po. Lagi nga po kaming nagkukulitan sa set. Hindi na po kami nahirapan kasi pangatlong beses na po naming magsama from Stairway To Heaven, Dear Friend, tapos ito[(First Time]. Sina Barbie at Joshua naman, para ko na pong mga kapatid 'yang dalawang 'yan."

ENJOYING FAME. Ini-enjoy niya ba ngayon ang unti-unting niyang pagsikat?

"Opo, ini-enjoy ko po. Kasi po gumaganda yung career ko. At the same time po, natutulungan ko ang family ko," sagot niya.

Marami na bang nagpapa-autograph at nagpapa-picture sa kanya?

"Marami-rami na rin po. Kapag nagpupunta po ako sa mall, marami na rin pong nakakakilala sa akin. Tinatawag po nila akong Tristan, yung character ko po sa Stairway To Heaven. Siguro po ngayon mababago na, magiging Baste na dahil sa First Time. Pero siyempre po, mas gusto ko na sana makilala nila ako sa pangalan ko talaga."

Ano na bang nabili niya para sa sarili niya mula sa kinikita niya?

"Wala pa ho. Puro sa bahay po muna like yung mga gamit po. At saka pinapagawa po namin yung bahay sa Olongapo," sabi ni Jhake.

Natutuwa ba ang manager niyang si Kuya Germs sa pagganda ng career niya?

"Tuwang-tuwa po. Proud na proud po siya sa akin."

Ano ang mga tips at advise na ibinibigay sa kanya ni Kuya Germs?

"Yung disiplina sa sarili po. Huwag male-late sa trabaho. Laging maging handa at pag-aralan ang script. Laging makikinig sa direktor."

Sa kabila ng busy schedule ay hindi pa rin naman pinababayaan ng 17-year-old actor ang kanyang pag-aaral. Fourth year high school na siya sa home study program ng Department of Education.


BREADWINNER. Todo ang pagsisikap ni Jhake sa kanyang career dahil siya ang breadwinner sa kanilang pamilya ngayon. Siyam daw silang magkakapatid. May mga asawa na raw ang ibang mga kapatid niya. Dahil nasa showbiz nga siya at siya ang kumikita ngayon kaya okay lang daw kung maging breadwinner siya. Siya rin ang nagpapagamot sa kanyang inang may Stage 4 colon cancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nahihirapan sa pagiging breadwinner niya?

"Hindi naman po," tugon ni Jhake. "Okay lang naman po na ako yung breadwinner sa pamilya ko. Pamilya ko naman po yun, e. Masaya naman po ako na natutulungan ko ang mga magulang ko at mga kapatid ko. Okay lang po."

Ano ang reaksiyon ng nanay niya at sumisikat na siya ngayon?

"Siyempre masaya po si Mama. Nakikita niya na umaangat na yung career ko. Masaya rin po ako kasi mas malaki na ang maitutulong ko sa pamilya ko at sa pagki-chemo [therapy] ng nanay ko."

Kumusta naman ang nanay niya?

"Okay naman po siya. Kaso nga lang po, nitong 2009 , may tumubo po ulit na maliliit [na cancer cells]. Pero po naagapan naman po."

Tinutulungan din daw siya ni Kuya Germs sa pagpapagamot ng nanay niya.

"Malaki po ang naitulong niya sa akin lalo na po nung nagsisimula pa lang ako. Ngayon po kasi, at least, mas malaki na yung kinikita ko kaya hindi na po naoobliga si Tatay German na magbigay ng pera. Pero hanggang ngayon po tinutulungan pa rin niya kami," banggit ng young actor.

FIRST LOVE. Dahil tungkol sa first love ang tema ng First Time, kaya inusisa rin namin ang bagay na ito kay Jhake. First time niya raw ma-in love at magka-girlfriend sa edad na 14. Thirteen years old daw noon ang girl at schoolmate niya.

Hindi pa man daw siya artista ay heartthrob na ang dating ni Jhake dahil may mga times daw na babae na ang nanliligaw sa kanya at meron din daw gays. Ano ang ginagawa niya kapag siya na ang nililigawan?

"Hindi ko na lang din po pinapansin. Syempre po mas maganda pa rin yung ako ang manliligaw, di ba?" sabi niya.

Hindi naman daw siya against sa mga gays dahil may mga kaibigan din siya sa third sex, pero kung siya raw ang pipili mas gusto niyang girl ang makarelasyon niya. Open naman daw siyang makipagkaibigan sa mga gays.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw ay walang girlfriend si Jhake. Nilinaw niya rin na hindi nakikialam si Kuya Germs pagdating sa kanyang lovelife. Choice niya raw talaga na mag-focus muna sa kanyang career.

Bukod sa First Time, mapapanood din si Jhake sa SOP every Sunday at sa Master Showman Walang Tulugan every Saturday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN