Joross Gamboa still adjusting as a new Kapuso star

"Noong una talaga, sa isang tabi lang ako kasi nahihiya ako. So, bati-bati lang. Pero okey lahat. Masaya ako sa naging pagtanggap nila sa akin," says Joross Gamboa.


Natatawang ikinuwento ni Joross Gamboa sa press conference ng First Time last February 1 na dahil bago pa nga lang siyang Kapuso, hindi raw niya siguro makakalimutan na kung ilang beses na siyang naligaw sa compound ng GMA-7.

"Palagi akong nawawala dito!" natatawa niyang sabi. "Minsan nga kami ni Kuya Yani [Bayani Agbayani], nawawala kami sa basement. Pero ang maganda naman dito, meron naman na akong mga friends dito na nagiging kumportable din ako agad."

WARM WELCOME. Nagpapasalamat si Joross sa napakagandang pag-welcome sa kanya ng Kapuso network. Bukod sa First Time, halos regular na rin siya sa SOP. Kasama rin siya sa bagong season ng SRO Cinemaserye na "Meet The Fathers," na pinagbibidahan nina Christopher de Leon at Bayani Agbayani.

Pero nilinaw ni Joross na freelancer siya at maaari siyang magtrabaho sa ibang networks. So, posibleng babalik pa rin siya bilang isang Kapamilya?

"Sa akin naman, napag-usapan namin ng manager ko ngayon, si Kuya Noel Ferrer, na kung saan may project na tutulong sa akin to be an actor, so go. Ako naman, I'm not closing any door. Open naman ako kahit saan. At saka with ABS-CBN naman, maayos naman ang naging paalam ko.

"At saka ako, kahit saan basta magandang project, makakatulong sa akin at maggo-grow ako, go ako. Hopefully, mabigyan din ako ng chance ng GMA na ma-explore yung talents ko," saad ng bagong Kapuso.


KAPUSO STARS. Since bago pa lang siya sa GMA-7, marami raw siyang mga nakikilalang bago, at given the chance, gusto rin niyang makatrabaho. Sino naman sa mga Kapuso stars ang gusto niyang makapareha pa?

"Marami... marami... sina Iza Calzado, Heart Evangelista. Pero marami rin maganda, like si Jennica Garcia... Pero siguro kung meron, maganda si Rhian [Ramos]."

Na-meet na ba niya si Rhian?

"Sa SOP," nakangiti niyang sabi.

Ano ang nagustuhan niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ano lang... maganda kasi siya. Maganda yung face, lahat."

Pero aminado si Joross na noong una ay naiilang at nahihiya pa siyang makahalubilo sa mga Kapuso stars.

"Noong una talaga, sa isang tabi lang ako kasi nahihiya ako. So, bati-bati lang. Pero okey lahat. Masaya ako sa naging pagtanggap nila sa akin," sabi niya.


MICHELLE MADRIGAL. Love interest ni Joross sa First Time si Michelle Madrigal. Magka-batch ang dalawa sa artista search ng ABS-CBN noon na Star Circle Quest, at ngayon ay pareho na silang nasa Kapuso network.

Pero matagal nang Kapuso si Michelle samantalang si Joross ay noong December lang nagdesisyon na lumipat ng network. Hindi sila naging mag-partner sa alinmang show noong nasa ABS-CBN pa sila, pero ngayon ay may love angle sila sa First Time, na pinagbibidahan ng young stars na sina Joshua Dionisio, Barbie Forteza, at Jhake Vargas.

"Parang magkakaroon nga ng twist na mangyayari, na magkakaroon ng love angle sa amin ni Michelle dito, so siguro abangan na lang," sabi ni Joross.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN