Michelle Madrigal keeps the identity of her new boyfriend secret...for now

After playing a heavy dramatic role in Tinik sa Dibdib, Michelle Madrigal plays a "bohemian" aunt in the teen-oriented primetime series First Time.


From doing a heavy drama role in Tinik sa Dibdib, very much welcome kay Michelle Madrigal ang role niya sa bagong teen-oriented primetime series ng GMA-7, ang First Time, kung saan ginagampanan niya ang auntie at best friend ng bidang si Barbie Forteza.

"From heavy drama, 'eto naman...medyo drama pa rin siyempre. Pero kahit paano, light lang siya na ang bilis i-attack. Fun lang. Yung looks ko rito, bohemian. Kalog lang siya, maingay na tita. Iisipin mo na sana yung tita ko ganyan din. Yung character ko, yun ang sasabihin ng mga bagets na, 'Ay, sana tita ko rin siya or friend ko siya.' Enjoy lang kasi, hindi yung iiyak na naman ako sa taping. Dito, meron din iyakan, pero mas magaan," paglalarawan ni Michelle sa kanyang role.


JOROSS GAMBOA. May love interest din si Michelle dito sa First Time. Ito ay walang iba kundi ang ka-batch niya sa Star Circle Quest at bagong Kapuso na si Joross Gamboa.

Bagamat magka-batch sila noon sa unang season ng Star Circle Quest, ang artista search ng ABS-CBN kung saan nanalo si Hero Angeles, ay ngayon lang magkakaparaha sa isang project sina Michelle at Joross.

"First time naming magkakatrabaho, as in partner. Kasi before, I worked with him naman sa kabila [ABS-CBN], pero si Roxanne [Guinoo] talaga ang partner niya. So, yun ang bago. First time naming magkaka-partner na dalawa," sabi ng young sexy actress.

Ayon pa kay Michelle, sa story conference ng First Time lang niya nalaman na Kapuso na rin pala si Joross.

"Lahat naman kasi kami noon sa SCQ naging close kami kasi kami lang ang magkakasama sa taping. Nagulat ako, pero masaya ako kasi, siyempre, kung saan may work, dun ka. At sa tingin ko, okey naman siya dito kasi, at least, okay yung bago niyang manager [Noel Ferrer], okay yung work niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binigyan ba niya ng advice si Joross since matagal na rin siya sa GMA-7?

"Yes, niloko ko nga siya... Sabi ko, 'Uy, nandito ka na rin. Masaya rito, mag-e-enjoy ka.' E, kasi ako, nag-e-enjoy ako, masaya naman. Hindi ako nawawalan ng work, so okey talaga."

Halos hindi talaga nawawalan ng project sa GMA-7 si Michelle. Magmula nang lumipat ang 22-year-old actress sa Kapuso network ay gumanap na siya sa limang telenovela: Kamandag, Dyesebel, Luna Mystika, Zorro, at Tinik Sa Dibdib. Pang-anim nga itong First Time.

"Sa akin naman, yun ang importante. Yung hindi ka nawawalan ng work. Masaya ka sa ginagawa mo. Kesa naman yung nakatunganga ka, wala kang naiipon," sabi ni Michelle.

"I'M HAPPY." Walang masyadong napag-uusapan ngayon sa lovelife ni Michelle. Bagamat hindi niya ini-reveal ang identity ng bago niyang boyfriend, umamin naman siyang masaya siya ngayon.

"I'm happy!" natatawa niyang sabi.

Aniya, last year pa raw siyang "masaya," pero ayaw nitong sabihin kung kailan sila eksakto naging sila ng kanyang boyfriend na "partly showbiz" daw.

Sa tingin ba ni Michelle ay mas nagki-click o nagwu-work kapag hindi talaga showbiz ang karelasyon niya?

"Hindi naman sa nagki-click or whatever. Siguro, hindi ko lang din kasi ina-announce, hindi ko lang inilalantad. Parang mas okay siya na ganun. At saka tingnan niyo nga, last year pa yun, pero walang nakakaalam. So, mas okay siya," saad niya.

Hindi kaya isipin ng boyfriend niya na hindi proud si Michelle kaya ayaw niyang ilantad ang relasyon nila?

"Naku, hindi!" natatatawa niyang sabi. "Hindi ganun yun. Alam niyang hindi ganun yun. At saka kami naman, happy kami na ganito. Kumbaga, what you see is what you get. Siguro dahil lang din sa sobrang alam ng iba, ang daming nangingialam."

Boto ba ang kapatid niyang si Ehra Madrigal sa bago niyang boyfriend?

"Oo naman, 100 percent and more!" may pagmamalaking sagot ni Michelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This Valentine's naman daw, hindi pa raw niya alam kung ano ang gagawin niya.

"Nasa beach kasi ako nun. May pupuntahan kasi akong kasal ng kaibigan ko sa Boracay," sabi ni Michelle.

Samantala, ibinuko ng isang source sa PEP ang umano'y boyfriend ni Michelle. Ayon dito, isa raw itong modelo na dati'y kaliwa't kanan ang endorsements. Kung hindi raw siya nagkakamali, naging sikat pa nga raw ang guy dahil sa isang billboard! Nakagawa na rin ang hunky model na ito ng ilang pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN