Dennis Trillo plays a multi-faceted character in Gumapang Ka Sa Lusak

"Of course, kasi siyempre, gusto ko naman na maiba-iba ang ginagawa ko. Like sa Darna, may konting action, may konting light romance. So, gusto ko, pagdating naman dito, gusto kong maiba. Mabuti na rin na ganito ang ibinigay sa aking role ng management," says Dennis Trillo about his role in Gumapang Ka Sa Lusak.


Hindi na raw pinanood ni Dennis Trillo ang movie version ng Gumapang Ka Sa Lusak (1990) na pinagbasehan ng bagong Sine Novela ng GMA-7 na pinagbibidahan nila ni Jennylyn Mercado.

Dennis will be reprising the role of Christopher de Leon as Levi. Ang kaibahan nga lang dito sa TV version, mas pinalawak pa ang character ni Dennis. Ito rin ang ikalawang pagkakataon na gagampanan ni Dennis ang role na dating ginampanan ni Boyet; ang una ay sa Sine Novela ring Magdusa Ka.

"Sobrang challenge kasi Christopher de Leon ang gumanap, e," sambit ni Dennis. "Pero natutuwa ako kasi multi-faceted talaga ang character niya. Kapag si Jennylyn ang kausap ko, dun makikita ang kapilyuhan at romantic side. Kapag si Mart [Escudero] naman, kapag nandun ako sa trabaho, yung kakulitan. Iba naman kasi ang turing ko sa kanya, parang kapatid. Kapag nandun ako sa pamilya ko, kapag sila ang kaeksena ko, medyo depressed kasi medyo malungkot ang back story ng pamilya ko. Maraming characters that rolled into one."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa presscon ng Gumapang Ka Sa Lusak kahapon, Ferbuary 4.

Bagamat bida ang role ni Dennis dito sa Gumapang Ka Sa Lusak ay may pagka-dark naman ang character niya bilang si Levi. Pero mas gusto raw ito ng award-winning actor.

"Of course, kasi siyempre, gusto ko naman na maiba-iba ang ginagawa ko. Like sa Darna, may konting action, may konting light romance. So, gusto ko, pagdating naman dito, gusto kong maiba. Mabuti na rin na ganito ang ibinigay sa aking role ng management.

"At least, hindi magsasawa ang viewers na with mga usual na ginawa ko. Buti nga ngayon nagho-host na rin ako. At least, makita rin nila na hindi lang isang bagay ang kaya kong gawin," saad ni Dennis.

REUNION. Masaya rin si Dennis na muli niyang nakapareha si Jennylyn. Una silang nagkatambal sa "Dangal" episode ng defunct afternoon drama anthology na Now and Forever. Pero nagkasama rin sila noon sa fantaserye na Super Twins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Suwerte kong makatrabaho ulit siya. Last time na nakatrabaho ko siya was four years ago. Ngayon, after ng lahat ng nangyari sa amin, sa buhay namin, 'eto, magkatrabaho ulit kami and sobrang honored lang na nakatrabaho ko siyang muli. At feeling ko, after niyang manganak, mas lalo siyang nag-bloom. Naging magaling siyang umarte. Mas lalo siyang naging sexy at maganda."

Dugtong pa niya, "Parang pareho kami ng pinagdaanan before, lalo na ngayong pareho kaming may baby, napagkukuwentuhan namin."

Si Dennis ay may anak na sa dati nitong girlfriend na si Carlene Aguilar, samantalang si Jennylyn naman ay may anak sa dati nitong boyfriend na si Patrick Garcia. Bagay nga raw ang dalawa kung tutuusin. Kung si Dennis ay puwedeng taguriang "Hot Papa," si Jennylyn naman daw ang sinasabing "Hot Mama."

Nangiti si Dennis dito, sabay sabing, "Hot Mama meets Hot Papa! E, di maganda yun, pareho kaming hot kahit may mga baby na kami, di ba?"

Does he really find Jen a hot mama?

"Of course, of course," mabilis niyang tugon. "Tingnan niyo naman, parang hindi siya nanganak. At kahit na nanganak na siya, mas lalo pa siyang naging hot at nag-bloom."

DENNIS SAYS HE'S SINGLE. Ayon kay Dennis, very much single daw siya ngayon. Ito ay sa kabila ng mga "sightings" pa rin na kasama niya ang "ex-girlfriend" niyang si Cristine Reyes.

"Mas okey, kasi mas nae-enjoy ko naman," sabi ng aktor. "Siguro sa tagal ko na palaging meron, ngayon, mas okey ako na single lang. At saka mas nagkakaroon ako ng time management for my son, my family, sa career ko, at iba pang aktibidades."

Yung sinasabing panliligaw niya kay Heart Evangelista noon, hindi na ba niya tinuloy? Hindi kaya isiping dahil tapos na ang movie nila noon, ang Mano Po 6, kaya wala na rin?

"Hindi, hindi...hindi naman dahil sa movie lang yun!" natatawang sabi ni Dennis. "No, hindi talaga. It's just that, busy rin naman kasi si Heart. Pero kapag SOP, nagkikita kami. At saka kahit naman dati pa, kahit hindi pa kami gumagawa ng movie, sinasabi ko na rin naman na crush ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STARSTRUCK V. Kumusta naman ang pagiging co-host niya ng StarStruck V?

"Nae-enjoy ko na talaga siya ngayon, puwera lang nung mga unang live shows namin dahil sobrang kabado talaga ako. At least ngayon, medyo hindi na ako nangangapa. Kumportable na ako sa pagho-hosting. Hindi man ako ganun kagaling sa pagho-hosting, at least, ang mga feedback, nag-i-improve. Okey na ko sa ganun," sabi niya.

When asked kung may personal bet ba siya sa natitirang anim na survivors ng StarStruck V, tumangging sumagot si Dennis.

Paliwanag niya, "Hindi siguro magandang magbigay as a host. Ayaw naming magbigay ng mga biased judgment. On my part lang, siyempre nakikita ko kung sino yung mga talented. Maraming talented sa batch na ito at magagaling sumayaw, kumanta, pag-arte. At bawat Sunday, nae-excite kaming talaga kung ano ang kakahinatnan, kung sino ang matatanggal at maiiwan. For me naman, deserving naman ang mga natira. Kanya-kanya 'yan. Bawat manonood, may kanya-kanyang bet."

Pagdating naman sa pelikula, ngayon daw ay wala pa siyang ginagawa, pero kaka-renew pa lang daw niya ng contract sa Regal Films kaya siguradong may lineup for him this year.

"Definitely, hindi naman sila magsasayang ng taon na wala akong gawin. Meron din akong option na gumawa ng movie outside ng Regal," ani Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN