Jennylyn Mercado plays a mistress in Gumapang Ka Sa Lusak

Jennylyn Mercado (in photo) reprises the role of Dina Bonnevie as a mayor's mistress in the TV remake of Gumapang Ka Sa Lusak. "Wala pa akong nagawang ganito before. Kaya dapat abangan niyo," says Jennylyn.


Tuwang-tuwa si Jennylyn Mercado dahil hindi siya nabakante ng trabaho sa GMA-7. Pagtatapos ng early primetime soap niyang Ikaw Sana with Mark Herras ngayong araw, February 5, ay may kasunod na agad siyang afternoon soap na Gumapang Ka Sa Lusak, na magsisimula na sa Lunes, February 8, sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

"Masaya dahil tuluy-tuloy ang blessings na hindi ako nawawalan ng trabaho. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumusuporta at siyempre sa GMA na nagbibigay sa akin ng projects. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila ako pinapabayaan," pahayag ni Jennylyn nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng Gumapang Ka Sa Lusak kahapon, February 4, sa Gateway Suites.

Nape-pressure ba siya na ang original na gumanap sa movie version ng role niya ay si Dina Bonnevie, tapos first time niya rin maididirek ni Maryo J. de los Reyes?

"Sobra!" sambit niya. "Kaya kailangan kong pag-aralan yung character. Kailangan kong panoorin yung original. Tapos, first time kong makakasama si Direk Maryo. Talagang yung pressure talagang mabigat."

Ginagampanan ni Jennylyn dito sa Gumapang Ka Sa Lusak ang role ni Rachel Mantarin, isang aspiring actress na engaged na sa kanyang boyfriend na si Levi (Dennis Trillo). Magsisimulang magulo ang kanilang pagsasama dahil magiging kabit si Rachel ni Mayor Edmundo Guatlo (Al Tantay).

First time daw gampanan ni Jennylyn ang role ng isang kabit ng older guy at mayor pa.

"Wala pa akong nagawang ganito before. Kaya dapat abangan niyo."

Hindi ba siya kinakabahan sa mga magiging reaksyon ng mga tao sa pagganap niya ng isang kabit?

"Siyempre naman, hindi naman ako pababayaan ni Direk Maryo, lalo na at sa TV ito ipapalabas. So, siguro talagang may limits naman. At saka trabaho ko ito, e. Kumbaga, 'eto yung kuwento niya at gagampanan ko lang yung role na ibinigay sa akin," sabi ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DENNIS TRILLO. Dito sa Gumapang Ka Sa Lusak ay balik-tambalan sina Jennylyn at Dennis Trillo. Una silang nag-team up sa Now & Forever Presents Dangal. Bagamat nagkatrabaho rin sila sa Super Twins noon, hindi naman sila ang loveteam dito.

"Happy ako to be working with Dennis ulit. Matagal na rin kasi yung last namin, e," sabi ng young actress.

Kumusta naman katrabaho si Dennis?

"Okay naman siya. Magkaibigan naman kami niyan, e. Before itong soap, nagkakasama kami pag nag-SOP ako. Madami na rin kaming pinagsamahan niyan kaya kumportable na kami."

Ano ang bagong ipapakita nila rito sa Gumapang Ka Sa Lusak?

"Iba kasi ngayon, e, medyo mas daring. Daring dahil sa mga characters namin. Mas mature na."

Mas matitindi rin ba yung kissing scenes at love scenes nila rito?

"So far, yung kissing scene pa lang ang nagawa namin. At saka panghapon kasi yung soap kaya hindi rin naman kami puwedeng um-over sa gagawin namin. Kung may love scene, hindi ko pa alam kasi hindi pa namin alam kung ano yung takbo ng script sa mga susunod," saad ng StarStruck alumna.

Hindi maiiwasang ma-link sila sa isa't isa ni Dennis lalo na't pareho silang single ngayon—single mom and single dad. Handa ba siya rito?

"Bakit naman? Siguro hindi naman. Kasi ang iniisip namin talaga puro trabaho, e. Gusto namin talagang mapaganda itong Gumapang Ka Sa Lusak. Sa ngayon, wala muna 'yang link-link na 'yan," sabi niya.

HOT MAMA. Tinatawag si Jennylyn Mercado ngayon na "Hot Mama" dahil na rin sa pagiging sexy niya ulit after niyang manganak. Paano niya tinatanggap yung tawag na "Hot Mama?

"E , totoo naman, di ba? Hindi ko naman idine-deny na meron akong child," sagot ni Jennylyn.

Pero masaya ba siya sa tag na ito?

"Oo naman, kasi parang kinu-consider pa rin nila na kahit na mommy na, kahit na may baby na, kahit papaano naaalagaan pa rin namin yung katawan namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ngayon nga ay she's doing a soap with a "Hot Papa"—si Dennis. So, ano ang pakiramdam na "Hot Mama meets Hot Papa"?

"Ano ba? E, di okay," ngiti niya.

Pero para sa kanya, Hot Papa ba si Dennis?

"Oo, hot naman talaga, e, di ba?"

NO VALENTINO. Ayon kay Jennylyn, wala raw siyang special guy na makakasamang mag-celebrate ng nalalapit na Valentine's Day.

"Wala. Ang kasama ko lang family ko, yung anak ko, si AJ. At saka may work ako nun, e."

So, para sa kanya hindi na muna big deal ang Valentine?

"Oo, ganun na nga. Parang sa akin, 'Okay, Valentine's Day.' Happy naman ako, e. I feel complete naman. Wala naman akong hinahanap pa ngayon."

Bakit parang wala munang puwang sa puso niya ang lovelife?

"Kasi parang na-feel ko na mas masaya ako ng ganito. Parang okay na walang pinoproblema. Wala kang iniisip. Para sa akin, yung pamilya ko lang at yung trabaho ko lang ang importante sa akin ngayon. Yun lang," paliwanag ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN