Nina says Nyoy Volante is just protecting himself by claiming he doesn't owe her money

"Umutang siya sa akin for his parents. Siyempre, hindi naman puwedeng umutang ang parents sa akin. Kung sino lang talaga ang may direct access sa akin, si Nyoy. So, siya ang umutang sa akin. So, siguro for his parents. Hindi ko na alam kung gagamitin nila for business," says Nina about the money that ex-boyfriend Nyoy Volante (inset) borrowed from her.


Nakatakdang magkaroon ng two-night concert ang Soul Siren na si Nina sa Music Museum on March 5 and 6, titled Nina: The Diamond Soul Siren. Feeling ni Nina, may gagawin siyang kakaiba sa kanyang concert, pero hindi pa raw niya alam kung ano ito.

"Sorang excited po ako kasi malamang may mga bago silang ipapagawa sa akin na hindi pa nakikita ng mga tao. Siguro tulad ng pagsayaw nang todo at iba pa!" natatawang sabi ni Nina nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Press) sa pocket press conference na ibinigay ng ASAP Concerts sa Centerstage Timog.

Ayon kay Nina, hindi pa raw niya alam kung sinu-sino ang magiging guests niya sa kanyang concert dahil pinagpipilian pa raw ito. Kaya tanong namin sa kanya, puwede kayang maging guest ang ex-boyfriend niyang si Nyoy Volante?

"Hindi, e, magbayad muna siya ng utang!" tawa niya ulit. "Hindi...joke lang. Depende sa ASAP yun, pero baka hindi rin...hindi po siguro."

Sa huling interview ng PEP kay Nyoy ay sinabi nito na inaasikaso rin naman niya ang estafa case na isinampa ni Nina laban sa kanya at sa kanyang mga magulang. Pero iginiit din ni Nyoy na wala naman siyang utang kay Nina dahil ang parents daw niya ang talagang kausap ng Soul Siren. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Nina tungkol dito?

"Actually, palagi naman niyang sasabihin yun to protect himself," sagot naman ni Nina. "Yung sa akin lang, hindi ko naman siya masisisi na protektahan niya ang sarili niya, di ba? Pero ang makakaalam lang niyan, kung sino talaga ang umutang sa akin.

"Ganito kasi 'yan," patuloy niya, "umutang siya sa akin for his parents. Siyempre, hindi naman puwedeng umutang ang parents sa akin. Kung sino lang talaga ang may direct access sa akin, si Nyoy. So, siya ang umutang sa akin. So, siguro for his parents. Hindi ko na alam kung gagamitin nila for business."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pakikipag-usap din ng PEP kay Nyoy, nabanggit nito na kung may nailabas man daw siguro si Nina na pera, hindi ito P1.4 million tulad ng kini-claim ng female singer. Parang may obligation din daw si Nina sa parents ni Nyoy dahil it's an investment venture of some sort.

Ano ang reaksiyon ni Nina rito?

"Yun nga ang hindi ko maintindihan, kung ano ang sinasabi niyang obligation," sabi niya. "Ang sa akin, kung meron kayong pruweba na meron akong obligation sa inyo, ipakita niyo. Idemanda niyo rin ako. Kaso wala, e. Siyempre sa korte, kapag hindi nag-appeal ang kalaban mo, mare-reschedule na naman yun, kaya tumatagal."

Estafa ang kasong isinampa niya laban kay Nyoy, pero ayaw na niyang magdetalye tungkol dito dahil daw "baka maging points against me."

OPEN FOR AMICABLE SETTLEMENT. Ayon kay Nina, okay naman daw siya for amicable settlement.

"Meron, kung meron silang balak, e, wala talaga, e. Sinasabi nila na nakikipag-usap sila sa akin, pero hindi."

Sinabi rin ni Nyoy na ilang beses na raw niyang sinubukang magkausap sila ni Nina. Totoo ba ito?

"Hello! Pera yun, 1.4 million, pinaghirapan ko yun. So, kung mag-e-effort siya, bakit hindi ko tatanggapin ang effort niya?" bulalas ni Nina.

Nabanggit din ni Nyoy sa interview na kung may pera lang daw siya—kung meron man siyang dapat i-settle kay Nina o wala—ay willing itong ibigay na lang ang 1.4 million na pinag-aawayan nila ngayon.

Ano ang masasabi niya rito?

"Sinasabi niya ngayon na wala siyang 1.4 million, so saan niya dinala [ang pera], di ba?" tanong ni Nina.

May regret ba siyang naramdaman sa tatlong taong relasyon nila ni Nyoy?

"Ay, hindi kami three years, a! Akala niyo siguro three years. Siguro nakikita niyo lang na palagi kaming magkasama. Pero yung naging kami, less than a year," pagtatama ni Nina.

Pero nanghinayang ba siya na naging sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi," sagot niya. "Actually, natuwa ako sa mga lesson na na-learn ko dun sa years na magkasama kami. Sa mga years na friends kami at less than a year na naging kami. Ang dami kong natutunan."

Ano naman ang sinasabi ng bago niyang boyfriend sa isyung ito nila ni Nyoy?

"Siyempre todo-support siya sa akin. Alam din naman niya yung mga nangyari. So, suporta lang talaga siya."

Dahil balitang mayaman naman ang bagong boyfriend ni Nina, hindi ba nito sinasabi sa kanya na siya na lang ang magbabayad ng utang ng pamilya ni Nyoy para hindi na siya ma-stress or mamroblema sa kaso?

"Alam niyo, promise talaga, talagang natuwa ako, na-bless ako ng marami na, at least, hindi na 'yan mangungutang sa akin. Blessing yun talaga!" natatawang sagot ni Nina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN