Piolo Pascual admits KC Concepcion is part of his birthday wish

Piolo Pascual turned 33 last January 12, but the hunky actor celebrated his birthday in bed!

"Natulog lang the whole day! Kasi ano yun, e, katatapos ko lang ng taping ng Maalaala Mo Kaya... Nag-taping kami ng January 11, natapos kami ng morning na [the following day]. So, pagdating ko ng bahay, ayun, itinulog ko lang siya. And wala... I just stayed home," he said.


Nagkaroon ng post-birthday celebration ang aktor na si Piolo Pascual para sa kanyang fans noong Wednesday, February 3, sa CCP Bay Complex Terminal sa Roxas Boulevard, Manila. Ito ay sponsored ng cable channel na Cinema One. Piolo turned 33 last January 12.

Hindi ito ang first time ni Piolo na mag-celebrate ng kanyang birthday sa piling ng kanyang mga tagahanga.

"This is my third birthday na kasama ko yung mga sumusuporta sa akin," sabi ni Piolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sila-sila yung nag-o-organize ng birthday party ko, ng anniversary. But this is the first time I'm actually doing a cruise party with Cinema One.

"When they [Cinema One] asked me what I wanted for my birthday, they gave me different options. But I said, I've never done something like this. And it's a treat also para sa mga sumusuporta sa akin to make it more memorable and really special."

Sobrang thankful si Piolo sa suportang ibinibigay sa kanya ng Cinema One.

"Grabe ang support ng Cinema One sa akin. Eto, talagang bigla na lang may magti-text sa akin, 'Napanood kita sa Lagarista [Piolo's launching movie]. In every birthday month ko, the whole month, puro movies ko ang ipinapalabas sa Cinema One. So, nakakatuwa," saad ng hunky actor.

KC CONCEPCION. Noong January 12 ang exact birhthday ni Piolo. Paano siya nag-celebrate ang mismong araw ng kaarawan niya?

"Natulog lang the whole day!" tawa niya. "Kasi ano yun, e, katatapos ko lang ng taping ng Maalaala Mo Kaya, yung life story nina Ninoy at Cory [Aquino]. Nag-taping kami ng January 11, natapos kami ng morning na [next day]. So, pagdating ko ng bahay, ayun, itinulog ko lang siya. And wala... I just stayed home. Pero dun sa taping bale sinurprise nila ako, yung buong grupo, mga kabarkada ko, ng mga kapatid ko."

May birthday gift ba sa kanya ang nali-link sa kanyang si KC Concepcion?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre. It's something special," maikling tugon ni Piolo.

Kasali ba si KC sa birthday wish niya?

"Opo!" sagot niya.

Sa paanong paraan?

"Well, secret!" natatawang sabi ni Piolo. "Basta sa akin na lang yun. Pero siyempre, kasama naman 'yan sa mga plano natin. So, sa akin po, pagpasensiyahan niyo na siguro. I just really wanna protect the kind of relationship we have because hindi naman din simpleng tao yung isa [KC]. Para hindi rin tayo mapahiya dun sa pamilya. And also, gusto ko lang talagang alagaan whatever we have."

Kumusta na nga ba ang panliligaw niya kay KC?

"Tapos na po yung...siguro...kasi naman mahirap pa rin, e," paputol-putol na sagot ni Piolo. "Magsalita ka, hindi ka magsalita, you know, people will always have their opinion and judgments. So I guess, back to...siguro being candid and reckless when I said nga on national TV that I was courting her, I think that was a bad decision for me to even open up about it.

"Because parang for me, if I wanna be in a relationship, I would really wanna preserve it and protect it. Para naman hindi rin kami magkasira dahil nagkaroon nga ng parang iba-iba yung nasasabi ng mga tao, up to the point na muntik na kaming hindi magkasundo. So in showbiz, just keep quiet siguro whatever we have. We wanna keep it to ourselves."

Maraming nagsasabi na totohanan na talaga ang panliligaw ni Piolo kay KC. Kahit tapos na kasi ang seryeng pinagsamahan nila sa ABS-CBN na Lovers In Paris, close at sweet pa rin sila sa isa't isa.

"That's what we want people to see, that it's not all for work, that it's not all because we want to promote our show. So that's why, whatever you see, kayo na ang mag-judge. Kayo na ang magsabi kung totoo man o hindi," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PIOLO AS MOVIE PRODUCER. Hindi lang isang artista si Piolo kundi isa rin siyang movie producer. Last year ay itinatag niya ang Spring Films, kung saan kasama niya rito ang talent manager na si Erickson Raymundo (manager ni Sam Milby) at ang direktor na si Joyce Bernal.


Ang unang pelikulang ginawa ng Spring Films ay ang indie film na Manila, na nag-premiere sa Cannes International Filmfest last year. Sumunod dito ang launching movie ni Eugene Domingo na Kimmy Dora, na naging malaking hit sa takilya.

Kaya naman tinanong ng PEP si Piolo, may balak pa ba silang sundan ang Kimmy Dora?

"Ginagawa na namin," banggit niya. "We've been meeting and, my co-producers and I have been through so many big changes, iba-ibang concept. Hindi lang naman Kimmy Dora, but definitely naka-ano na...may timetable na yung Kimmy Dora [sequel]. And hopefully, within the year maipalabas. And we also have another baby na gusto namin talagang ayusin. Sana maipalabas, if not this year, early next year."

Dahil pinilahan sa takilya ang Kimmy Dora, binigyan ng bonus ng Spring Films si Eugene. Magkano ang bonus na ibinigay nila kay Eugene?


"Huwag na nating alamin yun," nakangiting sagot ni Piolo. "Basta something na deserving niya. Because yun lang naman yung lambing niya. She was going to the States for the holidays and naihabol naman ng production yung bonus niya. She really deserves it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN