Ana Capri welcomes playing mother to Barbie Forteza in First Time

"Before kasi ang role ko parating hostess, kabit o kontrabida. Ngayon madir na madir ako sa isang bagets. Nakakapanibago nga, e. Pero natutuwa ako kaeksena ang mga bagets. Nahahawa ka sa energy nila sa set. Kung kami inaantok na sa set, sila buhay na buhay pa. Nakakatuwa silang turuan kasi nakikinig sila," says Ana.


Hindi naman daw mapili sa roles ang award-winning sexy actress na si Ana Capri at natuwa nga siya nang alukin siyang maging ina ng young actress na si Barbie Forteza sa bagong GMA-7 series na First Time.

Tutal ilang beses na rin naman siyang gumanap bilang ina. Malaki ang pasasalamat niya na isinama siya sa malaking cast ng teleserye.

"Never naman ako naging choosy. Basta trabaho, sige tanggapin natin kasi baka hindi na ito dumating ulit. Hindi ako tumatanggi sa grasya," ngiti pa ni Ana.

"Okey lang na maging anak ko si Barbie. Ang ganda kaya niya, tapos ang guwapo pa ng mister ko dito na si Ian Veneracion. Hindi issue sa akin ang maging mother sa TV or movie kasi ilang beses ko na rin 'yang ginawa.

"With Barbie, tama lang na maging anak ko siya kasi 12 years old pa lang siya. I'm already in my late 20s kaya puwede. Kung nabuntis siguro ako noong 15 or 16 years old, malamang na kaedad ni Barbie ang magiging anak ko.

"Sa movie nga na Narito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo, naging mother ako ni Aljur Abrenica, e, mas older siya kay Barbie, di ba? Pero tinanggap ko pa rin. Wala naman sa role iyon, e. Nasa performance naman parati 'yan."

CHANGES. Ayaw ngang palampasin ni Ana ang pagkakataong mapasama sa isang TV series na tungkol sa mga teenagers ngayon. Ngayon lang daw kasi siya nilagay sa isang wholesome na papel. Unlike nga sa mga huling roles niya sa TV shows na Magdusa Ka, La Lola at Rosalinda.

"Before kasi ang role ko parating hostess, kabit o kontrabida. Ngayon madir na madir ako sa isang bagets. Nakakapanibago nga, e. Pero natutuwa ako kaeksena ang mga bagets. Nahahawa ka sa energy nila sa set. Kung kami inaantok na sa set, sila buhay na buhay pa. Nakakatuwa silang turuan kasi nakikinig sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti na nga lang daw at may bagong trabaho siya dahil isang paraan ito para malibang ang sarili. Late last year ay naghiwalay na sina Ana at ang kanyang businessman boyfriend. Umabot din ng higit sa eight years ang relasyon nila.

Inamin ni Ana na heartbroken siya sa pakikipaghiwalay niya. Pero pareho naman daw nilang pinagdesisyunan ang nangyari. Hindi na lang ikinuwento ni Ana ang buong detalye kung bakit sila naghiwalay pagkatapos ng maraming taon.

"Nakakapanghinayang man pero darating ang time na may gagawin kayong masakit na desisyon. Bata pa kasi ako noong makilala ko siya. I learned a lot from him since older talaga siya sa akin ng ilang taon.

"Bine-baby nga niya ako parati noon at talagang pinagtiyagaan niya akong pakisamahan kahit na magkaiba ang ugali namin. Kaya siguro nagtagal kami sa relasyon namin kasi pareho kaming na-challenge sa isa't isa. May times na nag-aaway kami, pero mas marami ang time na masaya kami."

NEWLY SINGLE. Hindi nga inaasahan ni Ana na bigla na lang magwawakas ang pinagkaingatan niyang relasyon. Pero kung iyon daw ang mangyayari talaga, wala raw siyang magagawa.

"Matapos man ang relasyon namin, hindi naman siya basta mawawala sa buhay ko. Nandito pa rin siya sa puso ko. Pero siyempre, we all have to move on, di ba? Kailangan may mangyari na sa buhay naming dalawa. Noong magpaalam naman kami sa isa't isa, we promise to be good friends. Siguro nga after eight years, we are just meant to be friends lang."

Handa na ba siyang magpaligaw ulit this year?

"Huwag muna naman. After eight years nga sa isang relationshiop, gusto ko munang i-enjoy ang pagiging single ko ulit. Pero kung liligawan ulit ako ng ex ko, bakit ko naman hindi iko-consider, di ba?

"Pero kung ibang guys, siguro okey lang ang date lang. Wala munang ligaw-ligaw. Magtrabaho muna ako para malibang ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya nga this Valentine's Day, kasama ni Ana ang kanyang pamilya at mga kaibigan at promise niya na hindi siya malulungkot sa Araw ng mga Puso.

"Dapat lang maging masaya ako, di ba?" ngiti pa niya. "I have my family, my friends and my job. Wala na sigurong mas sasaya pa roon, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN