Iwa Moto loves to be hated in Ina, Kasusuklaman Ba Kita?

"Isa lang ang ibig sabihin nun, na effective ang ginagawa ko, na nagagawa ko nang maayos ang trabaho ko," says the actress, who plays Rossan Montenegro in the series.


Aminado si Iwa Moto na madalas silang nag-aaway ng non-showbiz boyfriend niyang si Mickey Ablan.

"Lagi! Normal sa relasyon yun. Hindi matatawag na relationship ang isang bagay kung hindi kayo nag-a-argue. Ang maganda dun kung paano ninyo ise-settle ang differences ninyo sa isa't isa at kung paano ninyo aayusin ang gulo," pahayag ni Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nag-break na raw sila nang ilang ulit.

"Oo! Ha! Ha! Ha! One hour-one hour lang. Yung parang, 'Bahala ka diyan!' Tapos maya-maya, 'Bati na tayo!' Ganun kaming mag-away."

Sino ang madalas nauunang makipagbati?

"Kaming pareho, sabay."

Anong madalas nilang pag-awayan, third party?

"Wala, hindi. Ang madalas recently na nangyayari sa amin, panay ang kulitan namin, tapos nagkakapikunan kami, kasi pareho kaming pikon. Yung, alam mo na, sasabihin niya sa akin, 'Ang taba-taba mo na!' Dadamdamin ko yun. Hindi ko siya kakausapin. Na, 'Ah ganun? Siguro mambababae ka dahil mataba na ako,' yung mga ganun.

"Tapos sasabihin ko sa kanya, 'Oh, ikaw pumayat ka, hindi na muscle-muscle,' dadamdamin niya rin yun. Sasabihin niya, 'Bakit, maghahanap ka na ng boys?' Hanggang sa mag-aaway na kami, tapos maya-maya sasabihin namin, 'Mukha tayong tanga. Huwag na tayong mag-away.'

DOING HER JOB RIGHT. Pinakamahabang relasyon ni Iwa si Mickey, at kung magkakataon, siya na ang gusto ni Iwa na makatuluyan.

"Oo. Kasi bago ako pumasok sa isang relasyon, gusto ko... siyempre, lahat naman tayo, gusto natin na yung ka-relationship natin siya na talaga. Kasi ampangit naman na papalit-palit, di ba? So I'm wishing, pero kung hindi man matuloy... God knows naman, e, kung anong plans Niya sa akin."

Walang ibang nanliligaw kay Iwa.

"Wala na, walang maglalakas-loob," natatawa nitong sinabi.

Marami ang nasusuklam kay Iwa bilang kontrabida sa Sinenovela Presents: Ina, Kasusuklaman Ba Kita? ng GMA-7, at natutuwa siya kapag nalalaman niyang maraming nagagalit sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa lang ang ibig sabihin nun, na effective ang ginagawa ko, na nagagawa ko nang maayos ang trabaho ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN