Father of Paolo Contis passes away at 66

Renato Soru Contis, 66, died of lymphoma yesterday, February 5. Said actor Paolo Contis, who called his father his "idol": "I'm very proud of him. Of course, lahat ng tatay merong insecurity of being not a good father, but I believe he did a great job. And he fought a good fight. Time na niyang magpahinga talaga and sana, huwag siyang mag-alala. Aalagaan ko ang buong pamilya." The wake for Mr. Contis is being held at the Arlington Funeral Homes.


Gabi ng February 5 nang pumanaw ang ama ni Paolo Contis na si Renato Soru Contis dahil sa cancer of the lymph nodes. Kasalukuyang nakaburol si Mr. Contis sa Arlington Funeral Homes.

Ayon sa report ng Startalk, nakatakdang i-cremate si Mr. Contis sa Martes, February 9. Esklusibong nakapanayam ng Startalk si Paolo sa mismong burol ng ama.

Ayon sa young actor, "Seven years ago, my dad was diagnosed with cancer. So, naoperahan yun. And then, nitong September, nag-metastasize siya sa lymph node. Tapos, okey pa naman. Okey pa siya nun. Nagkaano lang, mga bandang December.

"Nagtuloy-tuloy na ang cancer niya. We were in the hospital from second week of January. Tapos yun na, hindi na kami nakaalis sa hospital nun, kasi unti-unti, nawawala ang memory, nanghihina. Tapos, we were hoping for the best. Kaso, medyo naging mahaba ang naging laban niya, so medyo napagod siguro...

FATHER'S WISH. Pangarap sana ng ama ni Paolo na maabutan pa ang pagdating ng unang anak nina Paolo at Lian Paz na si Xonia.

"And we always tell him, kahit kami, kami nila Mama, na paglabas ni Xonia, for sure, lalakas 'yan kasi magkakaroon na naman siya ng isa pang apo. Yun nga lang, hindi na inabot.

"Pero ano siya, kapag kasama niya dati si Lian, kinakausap na niya si Xonia. Natatandaan ko noong okey-okey pa siya, pero alam na naming may sakit siya, sabi niya sa akin, 'Alam mo, maayos ko lang lahat, I always pray to the Lord na take me na, okey na 'ko.' Fixing things such as family. Pangarap ni Papa sa aming lahat yung buo, e. Buo kaming lahat.

"Alam naman ng lahat dati na 'yang si Lian... tapos ngayon, close na close na sila ni Mama. Lahat, for the first time actually, we were complete and very happy. Nakakalungkot, hindi niya na-experience yung pinangarap niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"HE DID A GREAT JOB." Malapit daw talaga si Paolo sa kanyang ama.

"Close kami... close... Idol mo yung nawala, e."

Dugtong pa ni Paolo, "Hindi ko kaya kapag nawala si Papa. Si Xonia, darating sa amin, sa buong pamilya. At least, to bring joy. At sabi nga namin, sana si Xonia maging ka-birthday ni Papa. Hindi ko naman pipilitin, sana lang.

"And this is the very first time na mangyayari, if ever, na magbe-birthday si Papa, magbe-birthday si Mama, magbe-birthday ako, all the firsts na wala siya...

"I'm very proud of him. Of course, lahat ng tatay merong insecurity of being not a good father, but I believe he did a great job. And he fought a good fight. Time na niyang magpahinga talaga and sana, huwag siyang mag-alala. Ano naman, aalagaan ko ang buong pamilya."

Nakikiramay ang PEP sa pamilyang Contis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN