Heart Evangelista finds shoulder to cry on in political scion Ian Dy

"When I was seventeen, nakilala na niya ko," said Heart about Ian Dy. "So, kapag nakikita niyang nahihirapan ako sa buhay ko, parang napi-feel din niya ang pain, naaawa siya, parang ganun."


Sa panayam ng Startalk kay Heart Evangelista kahapon, February 6, sinabi ng young actress na mas kumportable ngayon ang tambalan nila ni Richard Gutierrez sa seryeng Full House kaysa noong una silang magtrabaho.

"There's more of a friendship between us unlike noong dati na nangangapa kami. Ngayon, parang sobrang we know each other. With us, maganda na yung friendship namin ngayon at ayaw naming siraan sa kung ano-ano pang magdi-date kami. Kasi, usually dun pa nagsisimulang masira ang friendship."

Off-screen, ang totoong karelasyon daw ni Heart ay si Ian Dy, na mula sa isang political clan sa Isabela.

Ayon sa Startalk, makakasama daw ni Ian si Heart sa kanyang kaarawan, which also falls on Valentine's Day.

"Well, it's nice to see something new to me. Yung mapagsama ko ang daddy ko at yung taong dine-date ko. So, ine-enjoy na lang namin kung anuman yung meron kami ngayon...

"I'm dating him and he's the only one I'm dating. So, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun," natatawang sabi ng dalaga.

SHOULDER TO CRY ON. Di pa man nila tinatawag na pormal ang kanilang relationship, mahaba-haba na rin pala ang pinagdaanan ng dalawa.

"Alam niyo, kapag minamadali mo ang sarili mo, nauusog. Even when we were not dating, I am really close to the mom. Sobrang para ko siyang nanay din. Kahit may iba na siyang dine-date, kapag wala siya sa bahay niya, nandun ako kasama yung mom.

"So, ganun yung relationship ko sa family. Ever since talaga. And ever since before na meron akong mga problems sa love, palagi 'yang nandiyan at umiiyak kasama ko. Literal umiiyak siya kasama ko. Habang umiiyak ako, umiiyak din siya, kasi napi-feel niya... naaawa siya sa akin. Nakita niya ko from the beginning noong bata pa 'ko.

"When I was seventeen, nakilala na niya ko. So, kapag nakikita niyang nahihirapan ako sa buhay ko, parang napi-feel din niya ang pain, naaawa siya, parang ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinansin ng Startalk ang suot-suot na singsing ni Heart na bigay ni Ian.

"It is to forget the past heartaches and to find your true love," ang sabi ni Heart. "Pero ako yung pumili. Tapos, nalaman ko na ganun yung meaning niya."

Sa Valentine's Day cum birthday ni Heart ay walang bonggang plano ang dalaga.

"Hindi naman kailangan na super one-on-one, di ba? With family siguro and I plan to have a party with my friends. Tapos ganun, kasama na rin siya run."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN