Dingdong Dantes and Marian Rivera will be up in the air come Valentine's Day

Dong and Marian will be literally on Cloud 9 as they wing their way back home after meeting Marian's folks in Spain.


By this time, posibleng papuntang Spain na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera pagkatapos ng shows nila sa Qatar at Dubai na kasama sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Bago umalis papuntang Dubai, na-approve yung visa ni Dingdong Dantes para sa Spain kung kaya't masaya nitong ibinalita na puwede na niyang samahan si Marian pag binisita nito ang ama sa EspaƱa.

At kinumpirma ng dalawa ang ganitong plano nang makausap sila ng Startalksa Ninoy Aquino International Airport nang papalipad na sila patungong Dubai noong Martes, February 2.

Ayon kay Marian, reunion na rin daw ito with other members of her dad's family.

"Oo, e, hindi lang ang papa ko. Pero siyempre, pinakaimportante dun yung papa ko. Pero yung lola ko, lolo ko, kasi ako yung unang apo sa papa ko, so makikita ko sila."

VALENTINE'S DAY IN THE AIR. Pabalik sa Pilipinas, mukhang sa eroplano na aabutan ng Valentine's Day ang dalawa.

Sabi ni Dingdong, "Nakahanda na ang mesa dun!"

May Valentines gift na ba sila sa isa't isa?

"Ako? Wala, e!" natatawang sagot ni Marian. "Wala akong gift, e. Baka dun na lang ako bumili ng gift para sa kanya. Hindi naman materialistic 'to, so kahit card lang siguro puwede na sa kanya."

Nang tanungin naman si Dingdong, si Marian ang mabilis na sumagot para sa kanya: "Nabigay na niya!"

"Oo, dun makukumpleto," ang nakangiting pahayag ni Dingdong, na mukhang ang tinutukoy ay ang mga estatwang pinapagawa niya na replica ng characters sa mga soap opera na ginampanan na ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN