Ryza Cenon changes her image in Gumapang Ka Sa Lusak

Ryza Cenon plays a mean girl for the first time in Gumapang Ka Sa Lusak. But co-stars tease that she'll need to be more convincing: "Kapag sila raw ang inaway ko, tatawa lang sila," says Ryza.


For the first time, gaganap si Ryza Cenon na isang kontrabida. Ito'y para sa Gumapang Ka Sa Lusak ng GMA-7 na magsisimula nang mapanood sa Lunes, February 8.

"Ako rito si Apples. Kontrabida 'ko dahil nagagalit ako kay Vanness [del Moral], kapatid ni Jennylyn Mercado. E, magkakagusto sa kanya si Mart Escudero at yung role ko, sobrang obsessed kay Mart."

Naninibago pa sa ganitong role si Ryza, na huling nakita sa Rosalinda.

"Hindi ko pa alam kung paano siya atakihin. Minsan, ginagaya ko si Chynna [Ortaleza]... Once na magkakasama kami, ginagaya ko ang lines niya, tinatawanan nila 'ko ni LJ [Reyes]. Sinasabi nila, 'Hindi bagay sa 'yo ang kontrabida, nakakatawa ka lang.' Parang kapag sila raw ang inaway ko, tatawa lang sila," natatawang kuwento ni Ryza.

CHANGE OF IMAGE. Pero lalo lang daw siyang na-challenge dahil bilang artista, kailangan niyang ipakita ang versatility niya.

"Siyempre po, trabaho rin po. At saka, ang hirap naman pong tumanggi baka magtampo ang work sa akin."

Simula na ba ito ng change of image niya?

"Puwede rin... kung kakagatin ng tao ang pagiging kontrabida ko. Pero kung hindi, I think, balik ako sa dati. Ako naman po, okey lang. At least, bagong makikita nila sa akin. At saka ang role ko naman rito, hindi ganun kasobrang kontrabida. Parang mean girl lang, brat, ganun lang siya. Hindi naman yung tipong kakasuklaman na."

Pero may mga dream roles siya talaga.

"Gusto ko nga pong gawin yung may mga sakit, baliw, mas gusto ko pa yung ganun. Mas ready ako sa ganun. Mas natsa-challenge ako."

LOVE TRIANGLE. Nagkaroon ng panahon na naintriga sila nang husto ni Jennylyn over Mark Herras. Ngayong pinagsama sila sa isang serye, kumusta na sila?

"Okey naman kami, e. Civil lang. Kumbaga, work-work lang... okey naman kami," sagot niya.

Simula nang intrigang iyon, hindi na sila naging close.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na," nakangiti namang pag-amin ni Ryza. "Pero actually, halos noong storycon ko na lang din siya nakita."

Noong malaman niyang si Jennylyn ang bida sa Gumapang, ano ang naging reaction niya?

"Okey lang, trabaho naman kasi. Napaka-unprofessional ko naman kung tatanggihan ko dahil lang sa ganun, di ba? Pangit naman yun."

At puwede rin namang maging daan ang serye para maging close sila uli.

"Hopefully, sana ... di ba? Siyempre, maliit lang ang mundo ng showbiz... Pero ang tagal na naman nun, at saka okey naman kaming dalawa. Nagbabatian naman kami."

SINGING AND DANCING. Aside from acting, part din si Ryza ng SH3, ang singing and dancing trio nila ni LJ Reyes at Chynna Ortaleza na napapanood sa SOP.

"Medyo inaabangan na rin ng mga tao. Medyo hindi nga kami sanay. Dati kasi, hindi naman ganun kahigpit sa amin yung pananamit namin, yung paggawa sa buhok namin. Ngayon talagang kailangan... tinitingnan nila kami. 'Pangit yung buhok ko,' ganito-ganyan... hindi kami sanay," natatawang kuwento ni Ryza.

"Pero siyempre happy, kasi napapansin na kami. And hayun, sana magtuloy-tuloy siya at tumatak sa tao. At saka sana, makakuha na rin kami ng isang recording company na magkaroon kami ng album."

Sa mga StarStruck alumnae, nauna nang mag-cover girl sa isang men's magazine sina Jackie Rice at LJ.

Wala pa namang pressure kay Ryza na sundan sila, at "hindi pa naman po ako ready," sabi nya. "Ayoko namang mag-pose ng labag sa kalooban ko."

Pero dugtong niya, "Who knows, di ba?"

"I think, darating at darating. Kahit sila Ms. Jean [Garcia], di ba, sila Ms. Eula Valdez, dumaan din dun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN