Melissa Ricks admits going out with Jake Cuenca

"Si Jake, ang masasabi ko sa kanya, iba ang pagtingin sa kanya ng tao kesa sa totoong ugali niya. Kasi dyina-judge agad siya. Pero actually pag nakilala mo siya, mabuti siyang tao. So yun nga, sana huwag siyang husgahan," says Melissa Ricks about Jake Cuenca (inset).


Sabi ng young actress na si Melissa Ricks ay nanliligaw pa lang sa kanya si Jake Cuenca. Pero mukhang tapos na ang dalawa sa ligawan stage. May nakakita kasi kina Melissa at Jake na nagsimba kamakailan sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills at naka-angkla pa raw si Melissa kay Jake. Pagpapatunay lang daw ito na may namumuo nang relasyon sa kanila.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Melissa kahapon, February 7, pagkatapos ng ASAP XV. Inamin naman ng dalaga na totoong nagsimba sila ni Jake, pero hindi naman daw sila sweet at hindi siya naka-angkla sa aktor.

"Parehas kami ng simbahan. Dun siya nagsisimba ever since nung bata pa siya. Nung niyaya niya akong magsimba and since malapit lang din naman yung simbahan sa amin, sumama ako sa kanya," paliwanag ni Melissa.

Kung dati ay grupo kung lumabas sina Melissa at Jake, ngayon ay lumalabas sila na silang dalawa lang. Hindi ba natatakot o nababahala si Melissa na baka makasira o makaapekto sa loveteam nila ni Matt Evans ang pagsama-sama niya kay Jake?

"Hindi naman bawal makipagkaibigan. Hindi naman bawal na iba ang kasama mo. Hindi naman puwedeng lahat ng kaibigan mo ay babae. Si Matt naman may mga iba ring kaibigan na mga babae, showbiz, non-showbiz, ganyan. Kaya huwag namang bigyan ng kahulugan kung nakikipagkaibigan din ako sa ibang lalake, hindi lang kay Matt. At hindi naman sa lahat ng times dapat si Matt ang kailangan kong kasama," saad ni Melissa.

Gaano na ba kalalim ang pagkakaibigan nila ni Jake?

"Okey naman. Actually, parang kilalang-kilala ko na siya, ayun. Pero aside from that, wala namang masama dun."

Naging girlfriend ni Jake si Roxanne Guinoo. Naghiwalay ang dalawa dahil may balitang sinasaktan daw ni Jake si Roxanne noon. Hindi ba natatakot si Melissa na baka pag naging boyfriend niya si Jake ay "sasaktan" din siya nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, hindi naman totoo yun. Siyempe yung mga lumalabas sa diyaryo, hindi naman lahat totoo. Si Jake, ang masasabi ko sa kanya, iba ang pagtingin sa kanya ng tao kesa sa totoong ugali niya. Kasi dyina-judge agad siya. Pero actually pag nakilala mo siya, mabuti siyang tao. So yun nga, sana huwag siyang husgahan," pagtatanggol ni Melissa kay Jake.

Kung sinasabi ni Melissa na nanliligaw pa nga lang sa kanya si Jake, may mapupuntahan ba ang panliligaw nito sa kanya?

"Hindi ko rin masasabi," sagot niya. "Kasi siya, sobrang busy siya sa trabaho. Every day siyang nagte-taping. Ako, ganun din. So ayaw naman naming mag-commit or anything. Basta okey na yung nag-e-enjoy kami ngayon sa company ng isa't isa. Pag hindi busy, nagti-text."

Nahuhulog na ba ang loob ni Melissa kay Jake?

"Isa siya sa mga malapit kong kaibigan ngayon," tanging nasabi ni Melissa.

Pero posible bang ma-in love si Melissa kay Jake?

"Wala namang imposible," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN