Shaina Magdayao speaks up about her split with John Prats

"It is not something na puwede kong ipangalandakan or puwede kong sabihin na I'm very proud of. So, parang huwag na lang po sanang pag-usapan. Pero kung anuman po yun, more than yung atraso namin sa isa't isa, siguro nagkulang kami sa isa't isa," says Shaina Magdayao when asked about the reason for her breakup with John Prats.


Laman ng balita ngayon ang young actress na si Shaina Magdayao dahil sa breakup nila ng boyfriend niyang si John Prats. Kung pagbabasehan ang mga lumalabas na reports, tila hindi naging smooth ang paghihiwalay nila. Idagdag pa nga rito na nadadawit ang pangalan ni John Lloyd Cruz sa naturang breakup.

Sa The Buzz kahapon, February 7, ay live na nag-guest si Shaina at sa unang pagkakataon ay nagsalita tungkol sa breakup nila ni John. Sina Kris Aquino at Boy Abunda ang nag-interview kay Shaina.

BLESSED. Pero bago pag-usapan ang tungkol sa breakup nina Shaina at John, pinaalala ni Kris sa young actress na napaka-blessed niya dahil sa malalaking projects na nagagawa niya sa ABS-CBN.

Nauna na rito ang Lobo, followed by Kambal sa Uma na na-extend nang na-extend. Now, Shaina is one of the lead stars of the new primetime series Rubi, na magsisimula sa February 15.

Ipinaliwanag muna ni Shaina kung ano ang kanyang character sa Rubi.

"Gaya nga ng sabi ni Rubi [Angelica Panganiban], isa lang akong pilantod..."

"Bakit, pinilay ba siya ni Rubi?" tanong ni Kris.

"Hindi...naaksidente kasi ako. Pero yun ang dapat nilang abangan. Maganda rito, makikita nila kung maggo-grow ba si Maribel. Kung makikipagsabayan ba siya kay Rubi. Kung lalaban ba siya," saad ni Shaina tungkol sa kanyang character.

Tinanong naman siya ni Boy, makikipagsabayan ba siya sa co-star niyang si Angelica Panganiban? Hirit naman ni Kris, "As in, boobs kung boobs!"

"Si Shaina siguro, e, makikipagsabayan. Pero kung si Maribel [Shaina's character], siguro sa first part, e, medyo hindi po. Pero tingnan natin. 'Yan po ang dapat nating malaman kung makikipagsabayan," saad ni Shaina.

Natawa at napapalakpak naman si Kris sa sagot ni Shaina na "Si Shaina makikipagsabayan!"

"You know, dati kasi takot ako na mag-experiment," pag-amin ni Shaina.

Bakit siya takot?

"Siguro dahil hindi ko pa kasi kilala ang sarili ko. Hindi ko pa alam kung saan ba ang dapat kong puntahan. But now na alam ko na, gusto ko nang maging isang actress and not just a celebrity. So, gusto ko ngayon to start it slowly," sagot ng nakababatang kapatid ni Vina Morales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE BREAKUP. Pagkatapos nito ay tungkol sa breakup nila ni John ang itinanong ni Boy kay Shaina. Pero bago maituloy ni Boy ang tanong niya, Kris told a story about her meeting with Shaina at the airport last December 26.

Nasa counter daw sila noon sa airport. Kris was on her way to Bangkok while Shaina was going to Hong Kong. Lumapit daw si Shaina kay Kris. Sinabi raw ni Shaina na matagal na niyang gustong kausapin si Kris dahil yung interview na umeere sa SNN ay two weeks ago pa raw at nagkakalabuan na sila ni John that time. Sinabihan daw ni Kris si Shaina na palitan na niyang ang contact profile picture niya.

Si Kris na rin ang nagtanong kay Shaina kung kailan ba sila "nagkalabuan" at "nag-goodbye" ni John?

"Yung nagkalabuan, it's been months. Hindi naman yung basta-basta nag-break kami kinabukasan, di ba?" sabi ng 20-year-old actress.

Gaano katagal ang relasyon nila ni John?

"Two years."

When did it start going downhill?

"Mga ilang months na rin...mga more than three months. August-September, mga ganun."

Ayon kay Boy, sigurado raw mahirap i-memorize ang dates at this point. Pero ano nga ba ang dahilan ng pagkakalabuan nila?

"Tito, sana respetuhin na lang... It is not something na puwede kong ipangalandakan or puwede kong sabihin na I'm very proud of. So, parang huwag na lang po sanang pag-usapan. Pero kung anuman po yun, more than yung atraso namin sa isa't isa, siguro nagkulang kami sa isa't isa. Kung anuman ho yun..." pag-iwas ni Shaina.

Pero pinutol ni Kris ang sinasabi ni Shaina sa pagpapaalala rito na sa Skype daw niya, Shaina was very vocal sa kanyang love and devotion to John. So, saan siya nagkulang gaya ng sinasabi niya? At bilang girlfriend, ano yung isang bagay na she could have given or could have worked on pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro po yung commitment," sagot niya. "Kasi nga po, siyempre maraming tao ang nagmamahal sa akin and sinasabi nila na ngayon pa lang nagsisimula ang buhay ko. So, I have to also love myself. And yun nga po, kagaya ng ginagawa ko ngayon, trabaho na nga lang po muna."

Natuto ba si Shaina from her sisters' experiences na medyo maagang nagsipag-asawa?

"Oo naman... I don't want to have any regrets. At malaking factor yun na maraming opportunities na dumarating sa akin ngayon. At yun nga, gaya ng sinasabi ko, sana I'm starting my 2010 right," sabi niya

Bakit siya nanahimik for the longest time samantalang usually ay ang mga babae ang unang nagsasalita sa mga ganitong isyu?

"Well, siguro hindi lang ako yung ganung klaseng babae," sagot ni Shaina. "And malaking-malaki yung respeto ko sa kanya [John]. Hindi lang sa kanya kung hindi sa pamilya niya. So, kung gaano ako ka-private na tao... Sabi ko po sa kanya, kila Tita [John's mother], 'Wala po kayong... Definitely, may pagkukulang kami sa isa't isa, pero trust me, hindi po ako magsasalita ng kahit na ano against your son. Kasi may pinagsamahan naman kami at minahal ko rin naman po ang anak ninyo.'"

"Does he respect you as much?" tanong ni Boy?

"Well, sana hindi mawala. I'm actually very thankful na sobrang I'm very surrounded with good people. And sana, yung mga taong nakapaligid sa kanya, hindi yun tatanggalin sa kanya, yung respeto," sabi ni Shaina.

Can she really say that the love has died?

"Nagsimula kami sa pagiging magkaibigan. So, hindi ko ho ikakaila na mahal ko pa rin siya bilang tao at bilang kaibigan," sagot ni Shaina.

Sino ba ang may malaking kasalanan sa kanila ni John kaya sila naghiwalay?

"Yun nga po, di ba? So, kung may pagkukulang ho ako, may pagkukulang din siya. Pero hindi ko puwedeng isisi sa kanya ang lahat ng pagkukulang na yun. Hindi rin nila puwedeng isisi sa akin ang lahat ng pagkukulang na yun. So I guess, pareho lang ho kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Was there a third party?

"Yun, definitely, wala ho," mariing sabi ni Shaina.

But now that is over, is she ready to date again? Marami na ba ang nagyayaya sa kanyang lumabas?

"Well, it's normal siguro kapag natapos ang isang relationship, di ba, merong mga nagkakalakas ng loob. Wala naman po sigurong masama dun. Pero yun nga po, at the stage ng buhay ko, gusto ko muna pong hanapin ang sarili ko ulit. Gusto ko ho munang maging kumpleto ulit para sa susunod na relationship na papasukin ko, " sabi niya.

LESSONS LEARNED. Sa nangyari sa kanya, what lessons did she learn? And at the age of 20, masasabi ba niyang si John Prats na ang pinaka-nagmarka sa puso niya sa lahat ng lalaking nakahalubilo niya?

"Oo naman," sagot niya. "I think siya ang may pinakamalaking impact. And iniisip ko na lang na siguro kaya nagwakas yun dahil meron akong maraming natutunan sa naging relationship namin."

Ano ang mga natutunan niya?

"Marami... Dyusko, unang-una, siguro kailangan ko munang irespeto ang sarili ko para respetuhin din ako ng ibang tao. You know, I owe this to the public. I owe them the truth. Alam ko naman ho yun from the very beginning dahil ito po yung pinasok kong trabaho.

"So, more than anything, gusto ko munang magpasalamat sa mga taong hindi ako iniwan. Talagang dito niyo pala makikita kung sino ang mga taong totoo sa 'yo. Kung sino yung mga totoo mong kaibigan. At napakalaking factor dun yung pamilya mo. Hindi ka iiwan. So, gusto ko hong magpasalamat dun sa mga taong hindi ko akalain na mahal ka pala.

"So, yun ho, sa mga patuloy pa rin na hindi ho makukuntento, maraming salamat na rin ho because you're making me stronger. You're making me more loved. Making me even feel that I am well-loved."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY WISH FOR JOHN. Sa mismong Valentine's Day, Feb. 14, ay 26th birthday na ni John. Ano ang birthday wish ni Shaina sa kanyang ex-boyfriend?

"Well, happiness, di ba? Alam mo, you have everything na. So, siguro ang mawi-wish ko lang is good health for you and your family."

What about her wish for John?

Matagal bago nakasagot si Shaina pero aniya, "Marami, e. Honestly, hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin sa kanya. Maraming salamat sa lahat ng naituro mo sa akin. Sa lahat ng napa-realize mo sa akin, sana maging masaya ka sa birthday mo, sa lahat ng desisyon mo.

"At huwag mong kakalimutan din siguro na maraming tao rin ang nagmamahal sa 'yo. Siguro hindi natin maayos ito sa ngayon. But you know, definitely, at the end, maayos 'to. Peace of mind and happiness for you."

Pambubuking naman ni Kris na natatawa kay Shaina: "Nag-hello at nag-goodbye na nga sa 'yo kanina, di ba?"

Isang matamis na ngiti lang ang naging tugon ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN