Diether Ocampo says he cannot yet give priority to marriage

"Alam niyo, sa totoo lang, bihira ang makakakita ka ng makakapareha mo sa buhay na naiintindihan ang trabaho mo na ganun ka-supportive. Ako, malapit ako sa mga media. Siya, ganun din. Napakadali niyang pakisamahan. Napakadali niyang kausap, magaan kasama. Kaya sabi ko, ito ang kailangan naming katuwang, yung mga ganitong klase ng tao," says Diether Ocampo about girlfriend Rima Ostwani.


Pagkatapos ng Only You, isang mas madramang primetime series ang ginagawa ni Diether Ocampo ngayon sa ABS-CBN, ang Rubi. Isang ordinaryong lalake na napaibig sa dalawang babae—sina Angelica Panganiban at Shaina Magdayao—ang ginagampanan ni Diether dito bilang Hector.

"My character Hector is very challenging for me. Napaka-mature ng character dahil parang ganun din ang mangyayari. Eventually, magiging parang bida-kontrabida rin siya," sabi ni Diether tungkol sa kanyang role.

May pagka-sexy ang tema ng Rubi. Makikita rin ba ng mga manonood na magpapaseksi rito si Diether?

"Sobra siyang sexy, but not to the point na malaswa. It was well done," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Maipagmamalaki natin dahil, siyempre, iba tayong gumawa. Kapag gumawa tayo ng localized version ng mga foreign na teleserye... Nakita niyo naman ang success ng Only You [his soap with Angel Locsin and Sam Milby]. Noong ginawa natin ang remake ng Koreanovela na yun, naging very successful at naging maganda ang Filipino version na ginawa natin. Lalo na ngayon itong Spanish telenovela na Rubi, definitely, with Pinoy flavor, iba naman ang maipapakita namin."

Ayon kay Diether, napanood nila ang ilang mga eksena ng original Mexican series. Pero hindi raw siya masyadong nanood nito since ayaw niyang maimpluwensiyahan ng original na gumanap ng kanyang character at baka magaya lang daw niya.

ABORTED TRANSFER. Itinanggi ni Diet na ang Rubi ang proyektong sinasabi na naging daan kaya hindi siya natuloy sa paglipat sa GMA-7 noon.

"No, I've been with ABS...dito na ako nagsimula. Alam naman ng mga tao na dito na ako natutong umarte. Dito na ako nabigyan ng magandang proyekto. Dito na ako nabigyan ng magandang break.

"Kung anuman ang napabalita before, hindi ko alam kung paano lumabas, kung ano ang kinalabasan. But what's important right now is, you know, hindi ako nawawalan ng proyekto dito sa ABS. Siyempre, maraming puwedeng gawin dito na okay. And Rubi, isa lang ito sa magagandang proyekto na inilatag sa amin," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matalik na kaibigan ni Diether ang aktres na si Claudine Barretto. Ngayong nasa GMA-7 na si Claudine, hindi kaya sundan din ni Diether ang kaibigan in the future?

"Well, mahirap magsalita," sagot ng aktor. "At this point, alam naman nating lahat. But ako, I don't really focus on what's about to happen. Mas naka-focus ako sa kung ano ang nangyayari ngayon. Yun ang mas importante right now. At dapat mas ma-enjoy natin kung ano ang nangyayari ngayon."

VALENTINE'S & RUMORED BREAKUP. Ilang araw na lang at Valentine's Day na. May plano na ba silang gawin ng girlfriend niyang si Rima Ostwani sa araw na yun?

"I'm looking forward to Valentine's Day. But unfortunately, magiging abala kaming lahat, ang buong cast ng Rubi, dahil yun ang pinaka-biggest promo ng Rubi. So, Valentine's Day will be very busy promoting for the show."

Pero dugtong niya, "I'm looking forward if I can spend it with Rima. But definitely, sa status ng ginagawa naming promo ngayon, I don't think it's possible. But one thing I like about her, she understands."

Dito na nga namin tinanong si Diet sa isyung nag-break daw sila ni Rima. Totoo ba ito?

"I don't know!" natatawa niyang sabi. "Hindi ko alam kung saan nanggaling, but we're okay. Normal naman sa ano na may pinagdadaanan, di ba? Pero at this point, she's very supportive and that's one thing that I like about her."

Hindi rin daw sila nagkaroon ng cool-off dahil unang-una, hindi raw siya naniniwala sa bagay na yun. Both of them didn't take the issue seriously since alam naman daw nila ang totoo.

"Wala namang dapat ikabahala, e. Parang for me, 'eto lang yung mga naglalabasang isyu, pero alam naman namin ang totoo kaya we have nothing to worry about," sabi ni Diether.

Noong mapabalita na break na sila, aware ba si Diether na marami ang nanghinayang sa kanilang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo," sagot niya. "Alam niyo, sa totoo lang, bihira ang makakakita ka ng makakapareha mo sa buhay na naiintindihan ang trabaho mo, na ganun ka-supportive. Ako, malapit ako sa mga media. Siya, ganun din. Napakadali niyang pakisamahan. Napakadali niyang kausap, magaan kasama. Kaya sabi ko, ito ang kailangan naming katuwang, yung mga ganitong klase ng tao."

Dagdag niya, "Maliit lang ang industriya natin. So, sinu-sino pa ba ang magsu-support sa atin?"

SETTLING DOWN. May balita naman na gusto na raw ni Rima na mag-settle down sila, pero hindi pa raw ready si Diether dito. Totoo nga ba ito?

"Okay, sa pagkakataong ito, nais kong samantalahin dahil hindi maganda sa isang babae na mapabalita na ganun. Pero since ako naman yung nandito sa industriyang ito, I might as well speak for her, in her behalf, and clarify rin na hindi totoo ang mga naglalabasang isyu.

"In fact, she's very young. She's only 23 at marami pang mga puwedeng gawin na I'm sure sa punto ng career ni Rima ngayon, she has many things to do. Ako, ganun din. I'm quite busy right now—Rubi and finishing an indie film. So, we have a very good tandem," saad ng 33-year-old actor.

Napag-usapan na ba nila ni Rima ang tungkol sa kasal?

"Hindi namin dapat pag-usapan dahil unang-una, alam naman niya... Parang ako, sa nagiging ano ng trabaho ko ngayon, hindi ko pa puwedeng i-prioritize yung mga ganyang bagay. But definitely, darating tayo diyan.

"Ayoko namang pangunahan kung matutuloy na or hindi. Pero ang sa akin, definitely, dapat mapaghandaan dahil everyone will be well-informed. And for me, nagpapasalamat din ako na nabigyang-linaw 'yang ganyang isyu," sabi niya.

RIMA IS NOT ENTERING SHOWBIZ. Rima is now being handled by Boy Abunda. Pero nilinaw ni Diether na hindi papasok sa pag-aartista ang kanyang girlfriend.

"She's not," diin ng aktor. "Let me just clarify that... I think na mas maganda na si Kuya Boy na lang din ang kausapin niyo. But as far as I'm concerned, hindi siya papasok sa larangan ng pag-aartista. Rima is a very good host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Just to give you a brief background, before siya makuha sa trabaho niya ngayon, she actually applied sa ANC [cable news channel ng ABS-CBN]. Nakatanggap siya ng tawag para mag-training na, pero minabuti niyang unahin muna ang ginagawa niyang trabaho ngayon. But given the opportunity to try it again, definitely, sa tingin ko, hindi malayong mangyari yun dahil yun talaga ang gusto niya."

Dagdag ni Diether, "Ang ano kasi kay Rima, planado lahat ng ginagawa niya. It's also related sa kinuha niya noong college which is International Relations. But right now, she's also doing a lot of endorsements."

Rima also seeks Diether's advice about her new career, at supportive naman ang aktor sa kanyang girlfriend.

MOVIE WITH SANTINO. Tinanong din ng PEP si Diether tungkol sa gagawing pelikula nina Piolo Pascual at ng child star na si Zaijian Jaranilla, na gumanap bilang Santino sa May Bukas Pa. Last year, nagpahayag si Diether ng intensiyon na makagawa ng movie with Zaijian, ang remake ng dating pelikula ni Dolphy na Ang Nanay Kong Tatay.

But Star Cinema chose to produce a movie with Piolo and Zaijian first. Ano ang naging reaksiyon ni Diether dito?

"Well, dapat lang nating suportahan 'yan," mabilis niyang sagot.

Hindi ba siya nakaramdam ng sama ng loob?

"No, bakit naman?" sabi niya. "Hindi ko naman kontrolado... At saka ang industriya natin, if we can produce more quality movies, bakit hindi? Yung mga proyektong ganyan, 'yan ang mga dapat na sinusuportahan natin, e. Yung mga plano natin kung mangyayari, mas maganda."

Pero gusto pa rin ba niyang makasama si Santino?

"Of course, of course. In fact, I was talking to Tita Raquel Villavicencio dahil siya ang magsusulat niyan. Tuloy pa rin naman ang plano. Kung kayang mag-produce, bakit hindi? Nandiyan naman kayo," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN