Kaye Abad on her relationship with Chito Miranda: "Happy naman kami na ganito...na pagiging dalaga at binata."

"Kumbaga, hindi kami yung bitter sa isa't isa. Hindi kami yung dedmahan. As in, we're really, really good friends na pumupunta pa rin ako sa bahay nila. Kasi, dinadalaw ko pa rin ang family niya basta walang trabaho," says Kaye Abad about Chito Miranda. So, are they still together or not?


Malaki ang pasasalamat ni Kaye Abad sa Precious Hearts Romances series dahil nabigyan ng second wind ang kanyang showbiz career. May ilang taon din siyang namahinga, pero ngayon ay sunud-sunod na ulit ang projects na ginagawa niya sa ABS-CBN.

Kaye is now part of the new primetime series Rubi. Bagamat halos hindi nagkakalayo ang age nila ni Angelica Panganiban, who plays the title character, gaganap siya bilang tita ni Angel sa teleseryeng ito. Wala naman daw problema kay Kaye ito.

"Kapatid ko kasi si Ms. Cherry Pie Picache dito at si Ms. Pie, anak niya si Angel kaya tita-titahan ako ni Angel. Pero Ate lang naman ang tawag niya sa akin at hindi Tita!" natatawang kuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dugtong pa ni Kaye, "At bilang maliit ako kay Angel, effort talaga na dapat mas mukhang mas matanda ako kay Angel. Magmumukha talaga akong tita ni Angel at challenge [ito] dahil si Ms. Pie, kasama mo, and si Angel, magaling din na artista."

Mabait daw ang character niya sa serye kaya sabi namin sa kanya, parang walang pinagkaiba sa mga roles niya during Tabing Ilog days.

"Hindi naman!" natatawa sagot ni Kaye. "Challenge pa rin siya bilang si Angel nga ay bida-kontrabida rito. So, ako yung parang konsiyensiya niya. At saka natutuwa ako na nabigyan ako ng ganitong klase ng series. Na-practice akong muli sa mga Precious Hearts na pinagdaanan ko.

"And this time, kumbaga, na-prepare ako ulit for this. Primetime ulit, so yun. At saka dalawa ang partner ko rito—sina Wowie de Guzman at James Blanco. Naman, hindi ako papatalo kay Rubi!" biro pa niya.

GUJI LORENZANA. Bumalik din si Kaye sa loveteam genre dahil nagkaroon ng following ang tandem nila ni Guji Lorenzana na nabuo sa Precious Hearts Romances. So far, wala pa raw siyang alam about their follow-up project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Sana meron, para matuwa rin naman ang mga fans. Meron naman kami yung mga out-of-town shows. So, sa ngayon, yun muna."

Diretsahan naming tinanong si Kaye kung ano na ba talaga ang status ng relationship nila ni Guji? May ilang blind item kasi na tila sila ang tinutukoy at sinasabing sobra raw kung mag-PDA (public display of affection).

"Ganun? Hindi... kasi, sobrang close lang. Naging close nga kami rito sa Somewhere in My Heart at yun lang. Si Guji rin kasi, mabilis ma-misinterpret ng mga tao dahil malambing talaga siya sa lahat. Kahit sa mga fans, very touchy, yakap. So, what more siyempre sa mga katrabaho niya? So, siguro nami-misinterpret lang talaga," paliwanag ng aktres.

Is she falling for Guji?

"Bilis! Ganun kabilis?" bulalas niya. "Magkaibigan lang kami ngayon. Kumbaga, huwag muna."

Pero nanliligaw ba sa kanya si Guji?

"Ewan ko sa kanya... Bakit ako tinatanong mo, di ba?" tawa niya.

CHITO MIRANDA. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ang relationship niya with Chito Miranda, na lead vocalist ng Parokya ni Edgar, for several years. Pero until now, wala pa rin direktang statement sa kanila kung sila pa nga ba o tinapos na nila ang kanilang relasyon

So, ano na nga ba ang status ng relasyon nila ni Chito?

"We're still okay...okay naman kami. Happy naman kami na ganito. Nag-e-enjoy lang kami," sagot ni Kaye.

Happy na together or not together?

"Na ganito...na pagiging dalaga at binata. So, yun!" natatawa niyang sabi.

Napansin namin na noong si Chito ang naging topic, parang hirap na hirap siyang i-express kung ano nga ba ang real score. Bakit nga kaya?

"Ayoko lang kasi na... Si Chito kasi, hindi naman siya yung showbiz. Well, celebrity siya, pero hindi siya yung showbiz na pa-interview. Hindi siya yung showbiz na...iba yung mundo niya. So, ayoko na lang na madamay siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, alam naman niya lahat ng nangyayari sa akin. Sobrang okay kami. As in, sobrang okay kami ngayon," paniniguro niya.

Masasabi ba niyang mas okay sila ngayon kumpara noon?

"Ay, hindi. Kumbaga, hindi kami yung bitter sa isa't isa. Hindi kami yung dedmahan. As in, we're really, really good friends na pumupunta pa rin ako sa bahay nila. Kasi, dinadalaw ko pa rin ang family niya basta walang trabaho," saad ni Kaye.

Hindi kaya sila pa rin pala ni Chito sa huli?

"Ayokong magsalita ng tapos, di ba? Pero malay mo... Ayoko na lang magsalita ng tapos na hindi na or oo, puwede pa. Bahala na kung ano ang mangyari. Basta sa ngayon, okey talaga kami ng sobra," giit ni Kaye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN