Angel Locsin gets a new manager: Ethel Ramos in, Becky Aguila out

"Ang totoo po, matagal na rin po namin itong inaayos. Baka kasi isipin biglaan lang. Matagal na po naming inaayos ito kaya lang naghahanap lang po kami ng proper timing. Kaya lang siguro, wala pang lumalabas kasi parang ayaw naman naming parang magmukhang nag-aaway kami ni Tita Becky," says Angel Locsin about her decision to get a new manager.


Sa wakas ay nagsalita na rin si Angel Locsin tungkol sa pinag-uusapang pag-alis niya sa poder ng dating manager na si Becky Aguila at pagkakaroon ng bagong manager na tutulong sa kanyang career.

Nauna nang napabalita na ang bago raw manager ni Angel ay si Boy Abunda. Pero kapwa nila itinanggi ang balitang ito. At muli nga itong nilinaw ni Angel nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press pagkatapos ng presscon na ibinigay ng Mosbeau sa kanya bilang first celebrity endorser ng naturang whitening product. Ginanap ang presscon kahapon ng tanghali, February 10, sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan.

"Hindi po kami nag-usap ni Tito Boy," paglilinaw ni Angel. "Ang tagal ko rin naman pong hindi nagpunta ng ABS, di ba? Nakapunta lang ako noong nag-Wowowee ako, nung birthday ni Kuya Willie."

ANGEL'S NEW MANAGER. Hindi pala si Boy kundi ang veteran columnist at talent manager na si Ethel Ramos ang bagong manager ni Angel. Magkasama na sila ngayon ni Aga Muhlach sa poder ni Manay Ethel. Nakiusap naman si Angel na hindi na muna idetalye ang tungkol sa kanilang naging pag-uusap ni Manay Ethel. Basta masaya raw siya sa bago niyang manager.

Maayos ba ang naging paghihiwalay nila ni Becky, na naging manager niya sa mahabang panahon?

"Nagkausap kami, pero siyempre ayaw muna sana niyang lumabas," sagot ni Angel. "Pero walang isyu sa amin. Sana hindi rin maging isyu sa ibang tao yun. Okay din naman po sa kanya na kay Manay Ethel na ako ngayon."

Wala ba siyang kontrata kay Becky?

"Actually, may mga kontrata po kami na magkasama kami, yung sa mga endorsements. Kasi wala naman po kaming kontrata [managerial] talaga. Matagal na po kaming walang kontrata. So right now, yung mga old contracts ko po sa endorsements sa kanya pa po hanggang sa matapos ko po yung kontrata. Pero may mga bago naman na kay Manay Ethel na. Pero hindi ko pa po puwedeng sabihin," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit siya kumuha ng bagong manager?

"Sa akin kasi, ayokong ano, e...kasi may pinagsamahan kami ni Tita Becky. Siyempre si Manay din naman inirerespeto niya rin naman si Tita Becky. Ayaw naming pag-usapan kung why, why. Basta siyempre lahat naman parang moving on lang naman lahat. Pero walang isyu sa amin."

May kinalaman ba ang Star Cinema executive na si Malou Santos sa pagpili niya kay Manay Ethel bilang bagong manager?

"Lahat naman ng ginagawa ko ipinapaalam ko kay Tita Malou bilang respeto dahil sila po yung boss ko, di ba?" sabi ni Angel. "Kung anuman po yung ginagawa kong desisyon sa buhay ko ngayon sa career ko, may basbas naman po ang ABS-CBN.

"Ang totoo po, matagal na rin po namin itong inaayos. Baka kasi isipin biglaan lang. Matagal na po naming inaayos ito kaya lang naghahanap lang po kami ng proper timing. Kaya lang siguro, wala pang lumalabas kasi parang ayaw naman naming parang magmukhang nag-aaway kami ni Tita Becky."

Wala bang sama ng loob si Becky sa kanyang naging desisyon?

"Nagtatampo si Tita Becky," pag-amin niya. "Siyempre, di ba, tao lang? Pero hindi naman kami magkaaway."

AGA MUHLACH. Timing naman na sa paglipat ni Angel sa poder ni Manay Ethel ay may gagawin siyang pelikula sa Star Cinema, kasama si Aga Muhlach, na matagal nang alaga ng bago niyang manager. Dream project ba niya ang gagawin nilang movie ni Aga?

"Actually, yung kay Kuya Aga, hindi ko masasabing noon, ha, na ito ang dream project ko. Kasi lahat ng ayokong gawin, nandito sa pelikulang ito. As in siya yung kailangan kong gawin. Tapos na-realize ko na dahil dream kong makatrabaho si Kuya Aga, si Inang Olive Lamasan dream ko talagang makatrabaho, naisip ko na bakit hindi ko i-challenge yung sarili ko? Tutal, pelikula lang naman ito. Hindi naman ako as Angel dito. So, bakit hindi ako gumawa ng mahirap talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Excited ako na yun nga kung papaano ko magagawa ito. Tingnan nga natin. Pero bago yun, nagsabi na ako kay Inang. Sabi ko, 'Inang, ngayon pa lang magso-sorry na ako sa iyo kasi alam kong sisigawan mo ako.' Sabi niya, 'Huwag kang mag-alala, sisigawan talaga kita!'" natatawa niyang kuwento.

Nag-start na ba sila ng shooting?

"Hindi pa. Pero nai-present na sa akin yung story. Inaayos pa namin ni Manay yung schedule ko kung papaano."

Sa ngayon daw ay wala pang title ang movie nila ni Aga. By March 15 pa raw ang simula ng shooting nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN