Pauleen Luna plays a student activist in indie film Sigwa

"When I was reading the script, ito yung aktibistang tipong may hawak na megaphone na sumisigaw. And that's my role. Yun si Sita. Siya yung leader. Isa siya sa mga leaders ng grupo. It's something different. It's very different," says Pauleen Luna about her role in Sigwa.


Aware daw si Pauleen Luna sa physical demands ng kanyang character na isang hardcore student activist sa Cinemalaya entry na Sigwa sa direksiyon ni Direk Joel Lamangan.

"I'm always hurt, physically, sa mga eksena. Nasasampal, everything. Well, it's part of the job," sabi ng young actress sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, "Nakakatuwa nga, e. Kasi when I was reading the script, ito yung aktibistang tipong may hawak na megaphone na sumisigaw. And that's my role. Yun si Sita. Siya yung leader. Isa siya sa mga leaders ng grupo. It's something different. It's very different."

Sinimulan na rin ni Pauleen ang preparasyon para sa kanyang karakter upang mas ma-interpret niya ito nang maayos.

"Ngayon nga, naghahanap ako ng mga movies like Sister Stella L [1984]. Kasi ako, I do not jump into something na wala akong background. Gusto ko at least may idea man lang ako kung pano ko iaatake. Hindi pa nga ako nakakahanap, but maghahanap pa ako," sabi niya.

REASONS FOR ACCEPTING THE ROLE. Sa story conference ng Sigwa na ginanap kamakailan ay ikinuwento ni Pauleen sa PEP kung paano napunta sa kanya ang role ni Sita sa Sigwa.

"One day, si Direk Joel while we were taping Ikaw Sana, he pulled me aside and then told me, 'Oh, you're gonna be a part of my indie.' I'm like, 'Sure Direk!' Sabi niya, 'Oh, we won't pay high ha.' Sabi ko, it doesn't matter.

"I've done movies with him. I did Blue Moon with him and it's a really good movie. And I've done Adik Sa 'Yo and Ikaw Sana with him. And it's always a pleasure working with him. Kasi maganda yung kinakalabasan nung projects. So ako, kahit anong role ibigay niya, tatanggapin ko talaga," saad niya.

Bukod doon ay aminado si Pauleen na gusto niyang talagang gumawa ng movies pagpasok ng 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Last year [2009], nung pa-end na yung year, I was telling myself na I wanna do movies this year kasi last year, I didn't do anything. Nag-concentrate ako sa soap, sa mga hosting and Eat Bulaga!. But this year, I really wanna do movies, like this one [Sigwa]," sabi ni Pauleen.

Ngunit ipinaliwanag ng aktres na hindi naman basta na lamang siya tatanggap ng role sa isang pelikula.

"Gusto kong makagawa na maganda talaga, not because I just wanna do a movie, or not just because it's in front of my face and it's given to me. I really wanna do something na masasabi ko by the end of the movie, maganda 'tong proyekto namin. That's also one of the reasons I accepted this," paliwanag ni Pauleen.

WORKING WITH DIREK JOEL. 'Ika nga, isang urban legend na ang mood at temperament ng batikang direktor na si Joel Lamangan pagdating sa set. Hiningan ng PEP si Pauleen ng reaksiyon tungkol dito.

"Ay, sanay na sanay na ako kay Direk!" bulalas niya. "Tingin niya pa lang, alam ko na pag bad mood siya. Hindi na ako manggugulo. Pero pag good mood naman si Direk, ang sarap kakuwentuhan. Ang sarap kakulitan. Direk Joel is really the best. Sa kanya lang kasi, pag trabaho, trabaho. Pag break time, break time talaga. So, masaya ako."

Isa rin sa mga ikinatutuwa ni Pauleen ay ang kunsiderasyong ibinibigay ng direktor sa schedule ng taping.

"I love his working schedule. Until twelve [midnight] lang kami. May cut-off siya. He doesn't wanna go beyond that. Kasi for him, parang pagod na lahat after twelve, the actors, the directors. You don't get to think properly anymore kasi you're tired. So, nirerespeto niya yung oras at effort ng lahat ng tao. Saludo ako dun. Pinaka-late na namin, one a.m. Yun na yun," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit nilinaw ni Pauleen na hindi lenient si Direk Joel, bagkus ay talagang istrikto ito sa set.

"Sa taping, ratsada talaga, dire-diretso. Bawal babandying-bandying. Bawal babagal-bagal. And you know, we respect that because that's how he works."

Sadyang malaki ang paghanga at respeto ng dalaga sa direktor kaya naman hindi nito naiwasang mag-suggest sa staff ng StarStruck V kung saan naging guest actress siya sa isa sa mga challenges dito.

"Ako, honestly, I was talking to the StarStruck staff the other day. Sabi ko, dapat ang unang salang nun kay Direk Joel. Para malaman nila yung disiplina talaga.

"Kasi there are directors... I don't have anything against them, na relaxed. May good side din yun kasi you get to bond with the artists and all, and with the director and the staff. Pero kay Direk Joel, may disiplina kaagad. And ako, naniniwala ako maganda yun na ilagay yun sa mga baguhan. Para madali na yung mga susunod nila," pahayag niya..

Inamin din ni Pauleen na kahit siya ay naranasan na rin ang "pagdidisiplina" ni Direk Joel.

"There was this time na na-late ako. Napaiyak niya ako. Sobrang galit. Bawal late pala sa kanya," banggit niya.

MORE KONTRABIDA ROLES? Katatapos lang ng teleseryeng Ikaw Sana, kung saan si Pauleen ay gumanap bilang Sophia Montemayor. Ito ang kauna-unahang pagganap ni Pauleen bilang isang all-out kontrabida. Ano naman ang masasabi niya sa kanyang first kontrabida experience?

"It's been a fun ride," sambit ni Pauleen. "Ako, I enjoyed it. At first, nahirapan ako kasi it's my first time na full kontrabida. And nung una, nahirapan din ako sa pag-accept ng tao. Kasi siyempre, maraming nagagalit.

"But then, after a while, once you get the hang of it, dun sa side ng acting... Nung medyo nasanay na ako, okay na, dire-diretso na. Kasi nung una, nag-hyperventilate ako kasi masyadong mabigat, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And with acceptance naman of people, I accept it na lang as a compliment kasi siguro it just means na naaapektuhan sila, na effective. Yun na lang. Ewan ko, bini-brainwash ko na lang yung utak ko!" natatawang sabi niya.

Ibig bang sabihin nito ay okay lang ulit sa kanyang gumanap bilang kontrabida sa mga susunod na projects?

"I've never been picky," sagot ni Pauleen. "I guess since I'm on that track right now and natanggap naman ng tao na okay, I guess dun muna ako. Kung merong offer offer na hindi kontrabida, then why not?"

Sino ba ang naging peg niya sa pag-i-interpret ng kontrabida role?

"My peg, marami. I've watched a lot of movies. But believe it or not, si Ate Maricel [Soriano] is my peg. She may not be a straight kontrabida, but yung pag gumagawa siya ng mga offbeat roles na medyo masama yung ugali... Sa lahat, idol ko siya, e. Sa comedy, sa drama, sa pagiging gray character. Nakukuha ko talaga sa kanya. Kasi her acting comes from within. It's just not facial expressions. So I really look up to her," papuri ni Pauleen sa award-winning veteran actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN