Gary Valenciano wants to write an inspirational series for TV

"I hope I can finish writing stories and... produce some stories for both ABS-CBN and other organizations," discloses Gary Valenciano.


Kaiba sa mga nakaraang taon, walang concert si Gary Valenciano ngayong Pebrero upang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso.

"Not this year. This time, I will be entertained, instead of entertain," nakangiting banggit ni Gary V sa PEP (Philippine Entertainment Portal) in a recent interview.

"I will go out with my wife [Angeli Pangilinan-Valenciano], maybe... It will be a very simple celebration," pahabol pa ng tinaguriang Mr. Pure Energy.

GARY V AS STORY WRITER. Nasabi rin ni Gary na mayroon siyang iba pang mga plano hinggil sa kanyang career. Curiously, ibang aspeto ito ng pagiging creative bukod sa pag-awit at pagpe-perform.

"There's a lot of things coming up this year," sabi niya. "But I'm not going to disclose it first; [na] I will tell people, 'Okay, this is what's gonna happen at this time; this is what I'm gonna work on, who I'm going to be working with...'"

Nagbigay ng konting hint si Gary V sa PEP tungkol sa maganda niyang prospects sa taong ito.

"I hope I can finish writing stories and... produce some stories for both ABS-CBN and other organizations," saad niya.

Isang inspirational series ang gustong gawin ni Gary na siya mismo ang nag-iisip ng konsepto at nagsusulat ng kuwento. Heto pa ang ilang munting detalye, ayon din kay Gary: "To help encourage the young people. Ibang klaseng drama. Nag-uusap nga kami ni Piolo [Pascual]... So far, the people I've read the stories to are like, 'Wow!'"

Hindi man niya lubusang tukuyin, maiisip na kakaiba ang planong gawing drama series ni Gary para sa ABS-CBN.

"Well, ABS-CBN is kinda leaning now towards... You know, after May Bukas Pa, we've got to be [producing] a show na may laman, na iba naman," sabi niya.

Na-inspire si Gary sa naging resulta ng nagtapos nang serye na pinagbidahan ng child discovery na si Zaijian Jaranilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, di ba? The impact of May Bukas Pa was something. I'm glad ABS-CBN took interest on that."

Yung tipong values-oriented show na kapupulutan ng aral ang gustong pagtuunan ngayon ng pansin ng kilalang musical artist.

"And I think there are a lot of artists na gustong gumawa ng gano'n. A little good can go a long way. Maybe I can do that, in the year or years to come."

FRIENDSHIP WITH MARTIN AND ZSA ZSA. Last year ay nag-celebrate ng kanyang silver anniversary (25th year) sa show business si Gary sa pamamagitan ng isang concert—Gary V: 25th Anniversary Concert, sa Eastwood Central Plaza, Libis, QC.Halos kapanabayan niya sa industriya ang mga kasamang hosts sa ASAP XV na sina Martin Nievera (on his 26th year) at Zsa Zsa Padilla, (on her 27th) this 2010.

Nakilala sina Gary at Martin bilang rivals. Last year din, in September 2009, wari'y "nagtapos" ang rivalry o ang competition nila sa pamamagitan ng isang malaking one-night concert, ang Martin-Gary As One, sa SM Mall of Asia na magkakaroon ng US Tour at posibleng repeat sa bansa.

As for him and Zsa Zsa, in retrospect, sabi ni Gary, "We both grew up in the industry together. We were both managed by Sandra Chavez, performed in Tavern On The Square [in Makati City, in the early '80s]. She became my partner, and Pops [Fernandez] was with Martin. With Zsa Zsa, it's been a wonderful friendship to have with her. To see how far she's gone, especially as an actress, parang, 'wow!'"

Hindi lang bilang Divine Diva ang pag-consider ni Gary V kay Zsa Zsa, ayon pa sa mga nabanggit niya sa interview ng PEP.

"Minsan, pag nakikita ko na kumakanta siya dito [sa ASAP XV], tapos, umiiyak siya... it's soulful! That's it! I could call her that—the Soulful Diva, the Heartfelt Diva, Soulfelt Diva, or the Soul in a Diva. Yung parang gano'n. It's very true! The soulfulness of Zsa Zsa Padilla! And you know, I wish I would see her do concerts again because she has a way, na siya lang ang makakagawa no'n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fairness, hindi naman sinabi ni Gary V na si Zsa Zsa ang Soul Diva—title ni Jaya—kaya masasabing seryoso naman siya sa pagbibigay-complement sa Divine Diva at hindi magiging dahilan para kantahan siya nito ng "Mambobola."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN