Child stars head the cast of new Kapuso action-fantasy series Panday Kids

Child actor Robert "Buboy" Villar leads the cast of the upcoming GMA-7 primetime series Panday Kids. Buboy just finished taping for Darna, which will end on February 19, while Panday Kids will start airing on Feb. 22.


Ang Panday Kids ang papalit sa timeslot na iiwan ng telefantasya ng GMA-7 na Darna. Magtatapos ang Darna sa February 19 at magpa-pilot naman ang Panday Kids sa February 22, pagkatapos ng 24 Oras. Ginagastusan ng malaki ng GMA-7 at ididirehe ni Mike Tuviera ang Panday Kids, na spin-off sa isa sa pinakamatagumpay na likha ng nobelistang si Carlo J. Caparas.

Ipinakita ng ilang bumubuo ng Panday Kids sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga naunang nakunang eksena nila. Kuha ito sa chopper na nirentahan ng Kapuso network sa malaking halaga, pero ilang minuto lang ito mapapanood.

Napanood din namin ang eksena nina Christopher de Leon at JC de Vera sa hanging bridge. Ang naturang eksena ay part ng training ni JC de Vera bilang Aureus kay Christopher de Leon, na may special participation bilang guru. Maganda ang pagkaka-execute ng fight scene. Nalaman namin na kinuha ng production staff ang Chinese stunt director na si Larry Ang para sa mga fight scene ng Panday Kids.

Ang Panday Kids ay pagbibidahan ng tatlong child stars na gaganap sa papel ng mga batang pinagkalooban ng natatanging kapangyarihan upang labanan ang Hari ng Lagim na si Lizardo, na ginagampanan ni Marvin Agustin.

Ang child stars na gaganap sa mga pangunahing tauhan ay si Robert "Buboy" Villar at ang mga baguhang sina Julian Trono at Sabrina Man, na nakuha sa malawakang audition na isinagawa ng GMA-7.

Gagampanan ni Buboy ang papel ni Oliver, ang simbolo ng Puso ng Panday Kids. Mayabang siya, maloko, agresibo, pero may mabuting kalooban. Lumaki si Oliver na naghahanap ng atensiyon ng malupit na ina. Bunga si Oliver ng isang siga sa kanyang ina.

Si Julian naman ay si Hadji, ang simbolo ng Tapang. Muslim, isang guwapong bata na ulila na sa magulang. Naranasan nito ang magulong buhay sa Mindanao na naging dahilan para magkahiwalay sila ng ate niyang si Fatima (Rich Asuncion).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sabrina ay si Charlie, simbolo ng Talino ng Panday Kids. Rich girl, maganda, pero bratinella. Lumaking marangya ang buhay, pero hindi masaya dahil alam niyang ampon lang siya at hindi niya alam ang tunay na pagkatao.

Tampok din sa Panday Kids ang mga batang sina Nikko Samonte bilang si Wendy, ang Kristiyanong kaibigang matalik ni Hadji; Cruzita Salcedo bilang bad girl na si Marva; Yogo Singh bilang Makoy na idol ang Panday Kids; at si Ella Cruz bilang si Jenny, maldita at tunay na anak ng mga umampon kay Charlie.

Ang iba pang bumubuo ng Panday Kids ay sina Marvin Agustin bilang Lizardo, ang Hari ng Kasamaan; Iza Calzado bilang Maria Makiling, Reyna ng Kagubatan at ng mga Engkanto; Gelli de Belen bilang Rosanna, malupit na ina ni Oliver; Polo Ravales bilang Cicero, apo ni Lizardo, isang eskrimador at traydor na kanang-kamay ni Maria Makiling; Jose Manalo bilang Mambo, kanang-kamay ni Lizardo.

JC de Vera bilang Aureus, engkanto at guardian ng Panday Sword at Panday Kids; Jolina Magdangal bilang Ola, mortal na mula sa lahi ng mga tao at con artist; Ryan Eigenmann bilang Andreas, half-human at half-engkanto na kapatid ni Maria Makiling; Rich Asuncion bilang Fatima, kapatid ni Hadji at magkakagusto kay Aureus; Jackie Rice bilang Sarah, iibigin ni Aureus at kapatid ni Cicero; Akihiro Sato bilang Eugene, mayaman, businessman, playboy, at iibig kay Ola.

Tirso Cruz III bilang Atty. Augusto Luna, ama-amahan ni Charlie; Nanette Inventor bilang Fidela, malupit na tiyahin ni Ola, pero mali-mali; Marissa Delgado bilang Doña Guada Salcedo, tunay na lola ni Charlie at lola ni Eugene; Pen Medina bilang Lolo Tasyo, kaibigang matalik ni Oliver at voice of wisdom ng Panday Kids; at Enrico Mikael "Migui" Jimenez bilang Sintoy, batang unggoy na magiging gabay ni Aureus

All in all, 23 ang cast ng Panday Kids , at 24 kung isasama si Christopher na sa pilot week lang lalabas. Hindi pa kasama rito ang mga magge-guest habang tumatakbo ang series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN