Kristel Moreno is inspired by aunt Alma Moreno as she tackles sexy role in Pitas

"Bata pa lang ako, pinapayuhan na ako ni Tita Ness [Alma Moreno]. Sabi nga niya, mahalin ko lang daw ang trabaho ko. Sabi ko naman, yun naman talaga ang ginagawa ko," says 19-year-old Kristel Moreno.


Handa na si Kristel Moreno na makipagseksihan. Kung ang ibang young stars ngayon ay nagpapakita ng alindog sa mga men's magazines, nais naman ng Star Magic artist na si Kristel na ipamalas ito sa kanyang launching movie na Pitas.

Launching movie ni Kristel ito at kapareha niya si Sid Lucero, isa sa mga artistang noon pa niya hinahangaan.

Aminado ang 19-year-old na sobra-sobra raw ang kabang nararamdaman niya.

"Nandiyan yung kapag sinasabi ng mga tao na expectation nila sa akin dahil nga tita ko si Alma Moreno," nakangiti niyang sabi. "Kung ano raw ang kaya kong gawin at kung kaya ko raw ba ang na-achieve niya."

AUNT ALMA AS INSPIRATION. Bata pa lang si Kristel, pero makikitang buong-buo na ang loob niyang sumabak sa pagpapaseksi. Saan nanggaling ang lakas ng loob niyang magpa-sexy na?

"Noong pinasok ko ang showbiz, sobrang bata pa po ako, like five years old. Tapos, nag-stop po ako noong high school. Tapos, noong bumalik ako, kumbaga, nai-set ko na sa utak ko kung ano ang gusto kong gawin, kung ano ang goal ko.

"So, kaya siguro ganun na rin kabuo ang loob ko na gawin kung ano ang kaya kong gawin."

Which is pagpapaseksi?

"Hindi naman, sa akin kahit na anong role na maibigay. Nagkataon lang na ang script na naibigay sa akin for my launching movie is sexy talaga."

Si Alma Moreno ang peg niya sa pagpapaka-daring?

"Oo naman. Kasi, bata pa lang ako noong nakita nila 'ko sa TV, pinapayuhan na ako ni Tita Ness. So, naging inspiration ko rin siya sa acting, sa dancing. At saka, alam din niya ang launching movie ko at sabi nga niya, mahalin ko lang daw ang trabaho ko. Sabi ko naman, yun naman talaga ang ginagawa ko. I think sa premiere night, pupunta ang buong family niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang premiere ng movie ay sa February 26 sa SM North Edsa at ang regular showing ay sa March 3.

GREAT SCREEN PARTNER IN SID. Anuman ang ginagawa ni Kristel, stepping stone na rin daw ito para sa mga iba pa niyang gustong ma-achieve sa kanyang showbiz career.

"Siyempre po, kasi iba talaga kapag nabibigyan ng good projects ang artista. So, iba rin po talaga kapag may nag-produce sa 'yo. Kasi, kahit gaano ka kagaling kung hindi ka naman napapansin...."

Kumusta si Sid bilang kapareha sa movie?

"Super fun!" natatawa niyang sabi. "Super nag-enjoy ako. Noong una, akala ko mahirap. Kasi, 'eto ang first ever kissing scene at bed scene ko sa movie. Noong una, kinabahan ako kasi first shooting day, yun agad ang eksena.

"Pero sa sobrang professional at sobrang bait niya, naging comfortable ako. Kaya nagpapasalamat talaga ako na siya ang napiling maging ka-partner ko. Sabi ko nga, kung may makaka-loveteam ka, isa si Sid sa puwede mong piliin."

UNDERSTANDING BOYFRIEND. Ang producer ng movie ay si Don Lerit na boyfriend ni Kristel. Ayon sa kanya, six months na ang relationship nila.

Hindi ba nakakailang na isang sexy film pa ang ginagawa nila at may mga kissing scenes at bed scenes siya with Sid?

"Siguro may ilang... Kasi kahit naman ako, sa part ko, kung makikita ko ang boyfriend ko, kunwari artista at may kahalikan, maiilang ako. Pero kanina, katulad nga ng sinabi ko, kaya nagustuhan ko siya kasi napaka-professional niya pagdating sa work. Naiintindihan niya ang klase ng trabaho ko. Yun naman ang kailangan ng artista, yung partner mo, naiintindihan ka."

Nanonood pa raw ito sa shooting nila.

"Nandun siya every shooting naman. Siyempre, second movie niya ito, so, inaalagaan niya as a producer. So, nakatutok siya sa lahat naman ng projects, hindi lang dito."

LOVE ME, LOVE MY FAMILY. Ayon kay Kristel, nauna raw na nakuha siya to play the lead sa movie bago siya niligawan ni Don.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naging kami lang naman during ng mga meeting ng movie. Noon lang kami naging close."

Hindi rin daw naging hindrance sa kanila ni Don na may kalayuan ang mga edad nila. Kristel is 19, Don is 32.

"Mas naiintindihan niya 'ko, yung mga tantrums ko. Tingin ko, yun nga ang advantage ko, kasi naiintindihan niya na siya yung magpapasensiya sa mga away namin," nakangiti niyang sabi.

Anong pinakagusto niya sa boyfriend?

"Yung minahal niya ang buong family ko. Importante sa akin yun, e. Importante sa akin ang family ko. Ano 'ko, e, buy one-take four. Three girls kami plus my mom," natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN