Carmina Villaroel signs exclusive contract with GMA-7

After seven years of working for the network on an informal basis, Carmina is now a certified Kapuso contract artist. Will 2010 be the year that she and Zoren Legaspi make their relationship formal as well?


Last Tuesday, February 9, ay pormal nang pumirma ng exclusive contract si Carmina Villarroel sa GMA-7. Present sa naturang contract signing ang tatlong executives ng Kapuso network na sina Ms. Wilma Galvante, Mr. Jimmy Duavit at Atty. Felipe L. Gozon.

Kasama naman ni Carmina ang kanyang talent manager na si Dolor Guevarra. Bago nagkapirmahan, naging laman ng balita na posible raw na lumipat si Carmina sa kabilang network.

Pero tahasan nang ipinahayag ni Carmina sa Startalk na certified Kapuso contract artist na nga siya at mismo ang tatlong executives ng GMA-7 ang nagbalita na may gagawin itong soap, comedy at magazine shows pagkatapos ng The Last Prince.

"I think, it's my seventh year," pahayag ni Carmina nang makausap ng Startalk. "Hindi naman sa hindi ko na-feel na hindi ako Kapuso, but you know, with all this contract, parang siguro, it's more on pino-formalize lang ang pagiging Kapuso star ko.

"I'm just very happy, happy lang... super! Parang start of the year is really so amazing...

"Aside from The Last Prince, I also have a show in QTV-11, yung Day-Off. I'm gonna do another show with Bitoy. Yung isang gagawin kong show, yun talaga ang alam ko na something different.

"Alam kong gasgas na yung word na something new, something different, but this time, basta, abangan niyo po. Abangan niyo, sobra siyang exciting."

THE LAST PRINCE. Sa ngayon, masaya siya dahil mataas ang rating ng primetime series na The Last Prince.

"Maraming-maraming salamat talaga sa lahat ng tumatangkilik ng The Last Prince. Hindi ho talaga biro yung pinagdadaanan namin sa taping. Hindi lang sa aming mga artista, pati sa director namin na si Direk Mac Alejandre, the writers, sila Kris [Bernal], si Aljur [Abrenica], especially si Aljur na naka-prosthetic.

"It's really parang natutuwa talaga ang mga bata. At alam niyo naman kapag GMA, kilala talaga sila sa paggawa ng mga bonggang fantaserye. Sila naman ang nag-start from Mulawin, Captain Barbell, Encantadia, lahat, di ba? So, hanggang ngayon, nandun pa rin ang magic ng GMA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "At saka, sobrang proud ako kila Aljur at Kris dahil napakababait na bata, napakagaling at napaka-professional. At saka, nae-enjoy ko ang role ko, ha. Pati mga kids ko, natutuwa sila kahit magbato pa 'ko," natatawa pa niyang kuwento.

WILL THEY TIE THE KNOT? Needless to say, her husband Zoren Legaspi is also happy for her.

"Kanina nga, before akong magpunta rito, sabi niya sa akin, 'Honey, good luck.' Tapos sabi niya, 'Smile ka lang kahit hindi mo kailangan.' Kasi, alam daw niyang overflowing yung emotion ko.

"So, just smile and congratulation at saka sabi niya, balatuhan ko raw siya," natatawa pa niyang sabi.

"Sabi ko nga sa kanya, 'Honey, may iba pa bang words aside from saying thank you or mas malalim pa na word sa thank you?'"

Sa ganda ng pasok ng 2010 kay Carmina, ito na rin daw kaya ang taon para sa pagpapakasal nila ni Zoren?

"Yun ang kailangan kong tanungin kay Zoren. Ako, I'm just waiting. Alam niyo actually, hindi naman talaga namin napag-uusapan because we feel na parang we're already complete na. Parang wala namang kulang.

"So siguro, the people are just excited for us. Parang everybody is getting married. Parang ganun... which is, parang pino-formalize niyo na lang din ang union ninyo. But we'll get there, in time, everything naman will fall into its place.

"Ito, we didn't plan this, pero nangyari. So, maybe, malay mo...," nakangiti at tila hopeful niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN