Paolo Paraiso wishes ex-girlfriend Mylene Dizon well on rumored new relationship

Mylene said Paolo's reaction to news that she might be going back to an old boyfriend was "not violent but also not very good." Paolo explained that his reaction was "not as Paolo na ex-boyfriend ni Mylene but as Paolo na tatay nina Tomas at Lucas."


Dalawa ang anak nina Mylene Dizon at Paolo Paraiso. Bagamat wala nang relasyon ang dalawa, sinusubukan pa rin nilang silang dalawa ang nagpapalaki kina Tomas, na maglilimang taon old na, at Lucas, na isinilang ni Mylene last year lang.

Pero inamin ni Mylene sa Startalk kahapon, February 13, na hindi na sila masyadong nagkikita ni Paolo.

"I don't see Paolo anymore as much as I used to," sabi niya. "And kung noong dati, every weekend nakakapunta yung mga bata run, ngayon, dahil busy si Pao, hindi na niya nasusundo yung mga bata...

"Yung mga ways ng pagdidisiplina, pagpapalaki, kailangang dini-discuss 'yan maya't maya. So, nakikipag-meeting pa 'ko ngayon kay Pao, e, so far, hindi ko pa siya nakikita."

"EVERYTHING FOR THE KIDS." Ayon naman kay Paolo, "Lately nga, medyo naging busy kasi kakatapos lang ng soap. Tapos, medyo maraming pini-prepare. May negosyong inaasikaso. I'm doing everything for the kids...

"Siyempre, hindi mawawala sa amin yung mag-usap dahil normal sa amin yun lalo na't kailangan naming pag-usapan ang mga anak namin. Ako naman, hindi naman ako tumatalikod sa responsibilidad.

"Nagkataon kasi na may ginagawa siyang show at saka pelikula. Tapos ako nga, katatapos ko lang ng isang soap at sinisimulan naman itong Panday Kids."

Balik-trabaho ngayon si Mylene via Viva Films' remake of Working Girls. At kung totoo ang mga bali-balita, mukhang pabalik din si Mylene sa dating boyfriend na si Ira Cruz, na miyembro ng bandang Bamboo.

Dahil daw dito, tila halatang blooming daw ngayon ang aktres. Pero ayaw paamin.

"Next topic please," ang nakangiting sagot agad niya.

Is love lovelier the second time around? paghihirit pa rin ng Startalk.

"I hope so. But right now, I'm just good. I'm happy. Things are doing great especially with work. E, kung meron man akong pinaniniwalaang pamahiin, e, ayoko nung feeling ko, madadaot yung magagandang bagay kung masyadong pinag-uusapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAOLO'S REACTION. Ano naman ang masasabi ni Paolo sa bagay na ito?

"Not violent but also not very good. Even if sometimes difficult. May mga bagay na kailangan intindihin kasi. Iba-iba naman ang pinanggagalingan nating lahat."

Ang pahayag naman ni Paolo tungkol dito ay, "Wala naman siyang sinabi na nagkabalikan sila. Ang sinabi lang niya sa akin is, okey sila ngayon. Hindi na ako nagtanong pa. Kasi, ang concern ko lang naman ay yung mga anak ko.

"Siguro, yung sinasabi niyang hindi magandang reaction, well, siguro yung reaction ko na yun, not as Paolo na ex-boyfriend ni Mylene but as Paolo na tatay nina Tomas at Lucas. Nagulat lang ako na ex-boyfriend, mismong si Ira ulit, parang hindi ko ine-expect. Kasi, marami rin naman ang nanliligaw kay Mylene.

"Hindi rin naman stranger si Ira sa akin. Kahit papaano, nakasama ko rin siya. So, sa akin walang negative feelings. No bad vibes involved. Yun lang, congrats. I'm happy that you're happy. Sana tuloy-tuloy na 'yang happiness na 'yan.

"Congratulation at sana, ipagdasal mo rin ang happiness ko na may mahanap din ako para maging happy ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN