Dion Ignacio talks about his non-showbiz girlfriend

"Okay ang future ko, ang ganda ng mga plano niya sa akin. Yung mga weak [points] ko, pinalalakas niya," says Dion Ignacio about his girlfriend.


Sa kakapilit namin ay nagkuwento ang young actor na si Dion Ignacio tungkol sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Kristine Bunda.

"Isang taon na kami," banggit ni Dion. "Yung doktora, sa La Salle Dasma yun nag-aaral. Graduate na siya, pero may residency pa siya. Five years yun, e. In five years, doktora na siya. Ngayong taon pa lang siya nag-i-intern.

"Twenty-one years old siya, twenty-three ako. Taga-Cavite siya. Nakilala ko siya sa common friend namin. Tapos unang meet namin, kinausap niya ako tungkol sa family, tungkol sa buhay."

Hindi itinanggi ni Dion na sa ngayon, ang non-showbiz girlfriend niya ang mas nagdadala ng kanilang relasyon.

"Okay ang future ko, ang ganda ng mga plano niya sa akin. Yung mga weak [points] ko, pinalalakas niya. Kumbaga, hindi naman ako ganun kayaman... Siya kasi, ang tatay niya, engineer," aniya.

Pero hindi naman daw ibig sabihin noon ay ang girlfriend niya ang bubuhay sa kanya if ever maging mag-asawa na sila.

"Hindi naman siya ang susuporta sa akin. Gusto lang niya ako tulungan, kung paano ko paaasensuhin ang trabaho ko. Tinutulungan niya ako kasi, di ba, galing akong probinsiya? Minsan nag-aaral kami... Sa totoo lang, hindi talaga ako ma-English na tao, tinuturuan niya ako. Kunwari kumakain kami, inaayos din niya ako, dine-develop pa niya ako."

Hindi naman itinago ni Dion sa lahat na bago siya pumasok sa StarStruck Season 1 ay mahirap lamang ang kanyang pamilya sa Laguna.

"Tapos kahit mababa ako... alam niya ang background ko... pero hindi niya ako minamaliit," nakangiting sabi ng binata.

Kahit daw ang mga magulang ni Kristine at dalawang kapatid nito ay mabait kay Dion. Tanggap daw siya ng parents ni Kristine.

"Oo!" bulalas niya. "Mahal din siya ng parents ko kasi mabait siya. Nakakapunta ako sa kanila, nakakapunta din siya sa amin."

Hindi ba sila nahihirapan sa kanilang relasyon, lalo na't parehong hectic ang schedule nila? Si Dion ay kasama sa cast ng afternoon soap na Ina, Kasusuklaman Ba Kita? samantalang si Kristine ay abala naman sa kanyang residency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo, pero kapag may pagkakataon naman, simple lang yun, makadalaw lang ako sa kanya, masaya na. Makapag-mall lang kami, makakain sa labas, masaya na kami. Minsan pumupunta ako sa Cavite, pumupunta ako sa bahay nila...taga-Molino siya."

Si Kristine na ba ang gusto niyang mapangasawa?

"Oo naman!" mabilis na sagot ni Dion. "Pero sa ngayon, habang hindi pa kami mag-asawa, ako bilang boyfriend, hindi ko siya bibiguin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN