Heart Evangelista reveals that her family loves rumored boyfriend Ian Dy "so much"

"Siyempre, hindi pa namin napag-uusapan kung ano talaga ang status namin. Masaya naman ako sa mga nangyayari. Kung anuman yun, okey na ako, ayoko nang mag-date ng iba. Kung anuman ang tawag dun, parang ano, masaya na ako. Masayang-masaya na ako," says Heart Evangelista about the status of her relationship with young politician Ian Dy.


May bagong look ang "Intriga Crossfire" segment ng Showbiz Central na nagsimula kahapon, February 14. From the clues na ibibigay ng mga hosts, may option ang celebrity guest na mamili ng mga sasagutin niya at may isang tanong na puwede niyang i-pass o hindi sagutin.

Ang unang sumalang sa bagong look ng "Intriga Crossfire" ay ang birthday girl na si Heart Evangelista. Kahapon, Valentine's day, ang actual birthday ni Heart who turned 25 years old.

Wala that day si Mo Twister kung kaya't sina Pia Guanio, John "Sweet"Lapus, Raymond Gutierrez, at Rufa Mae Quinto ang nagtanong sa young actress. Game naman si Heart na sagutin ang lahat ng tanong.

HOUSE IN U.S. Ang unang tanong ay mula kay Pia Guanio. May balita na may plano siyang bumili ng bahay sa U.S. Ano ang totoo at ano ang dahilan ng plano niyang ito?

"Yes, that's true," pag-amin ni Heart. "Pero maraming mga nagbago recently, so maybe I might not anymore. I'll buy something else. So, that's gonna wait, hindi na matutuloy yun. For investment siguro. But that can wait. I still have other things that I need to do.

"Probably, I will help my family with our business, Barrio Fiesta, and maybe change the look and I wanna be involved. Matagal pa naman yun, so humanda kayo lahat!" natatawa niyang sabi.

RICHARD GUTIERREZ. Tanong naman ni Rufa Mae, since aminado sila ng kanyang Full House co-star na si Richard Gutierrez na mas naging malapit sa isa't isa habang ginagawa nila ang naturang primetime series, how does she feel about her leading man?

"Mahal ko si Richard as a friend. Kasi...no, really, siyempre noon sa Asero, bago pa, pa-cute-pa-cute lang kayo sa isa't isa. But eventually, marami na akong pinagdaanan sa buhay, nakatambal ko siya ulit. So, naging close talaga kami at naging friends kami. Hindi lang yung dating friends," paliwanag ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hanggang friends lang?

"Mas maganda yun," sagot niya. "Hindi yung kung sino ang nakatambal mo, mai-in love ka. Parang nalu-lose n'yo yung friendship n'yo, so hindi siya lasting. Mas maganda na yung friends kayo at yun ang lasting. Yun ang kay Richard."

Gaano ba kaimportante si Richard sa puso niya?

"Importante rin naman siya. Kanina nga nasa SOP siya, sobrang saya ko. Sabi nga niya, pupunta siya ng Baguio at nandun siya, na-touch naman ako."

May kuwento si Pia na nang kausap daw niya ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez at pamangkin ni Richard na sina Lorin at Venice, tinanong daw niya ang mga ito kung sino ang gusto nilang makatuluyan ng Tito Richard nila, and in unison ay sinabi nilang si "Tita Heart." Ano ang reaksiyon dito ni Heart?

"Ang cute," nakangiting sabi ng young actress. "Nanonood kasi sila ng Full House. E, nagugustuhan nila si Jesse [Heart] at saka si Justin [Richard] kaya... E, ang cute kasi ng away-bati nila at saka yung rapport nila, so naiintindihan ko naman. Ako rin, kapag nanonood ako, parang ang cute, kinikilig ako."

DENNIS TRILLO. Pagkatapos nito ay pinamili naman si Heart ng tanong mula kay Dennis Trillo o sa ex-boyfriend niya. Ang pinili niya ay yung tanong ni Dennis.

Pero ayon kay Sweet, supposedly ay si Dennis daw talaga ang magbabato ng tanong kay Heart since wala si Mo, pero nag-back out daw si Dennis at the last minute. Kaya ang tanong ni Sweet ay kung may problema ba sila ni Dennis?

"Wala, wala naman!" natatawang sabi ni Heart. "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit siya nag-back out. Ayaw ko na! Baka mamaya mag-away-away na naman. Mabuti na yung safe, di ba? Hindi ko alam."

Si Raymond ang nag-follow-up ng tanong about Dennis. Nasa dressing room na raw kasi si Dennis pero biglaan itong umalis. Sa palagay kaya ni Heart ay may kinalaman ang pag-alis ni Dennis kay Cristine Reyes, na sinasabing nakabalikan ng aktor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ha? Nandito ba siya?" gulat naman na tanong ni Heart. "Naku, hindi ko na alam. Natatakot na 'ko...tama na yun...ayoko nang ma-involve. Nag-e-air tayo rito, nag-e-air tayo dun. Tama na yung ganun, nakaka-stress!"

IAN DY. Hindi na pinilit pa ng mga host ng Showbiz Central ang tungkol kay Dennis kaya tinanong na lang ni Raymond si Heart tungkol sa kanyang first boyfriend na si Ian Dy, a young politician from Isabela.

Si Ian daw ang Valentine's date ni Heart. Pero nagkabalikan na ba sila talaga o steady date lang muna sila ngayon?

"Siyempre, hindi pa namin napag-uusapan kung ano talaga ang status namin," sabi ni Heart. "Masaya naman ako sa mga nangyayari. Kung anuman yun, okey na ako, ayoko nang mag-date ng iba. Kung anuman ang tawag dun, parang ano, masaya na ako. Masayang-masaya na ako.

"And you know, like tonight, may dinner ako. Kasama ko ang daddy ko, kasama ko siya [Ian]. Kasama ko ang buong family ko and that doesn't happen sa akin, palagi na lang hindi puwede. Pero sila [her parents], they love him so much and it's nice. So, masayang-masaya ako sa birthday ko and Valentine's Day."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN