Jinkee Pacquiao asks for evidence on rumored Manny-Krista sightings in U.S.

"Kapag may proof ako, siyempre magsasalita ako. Pero kapag wala, wala. At saka sa akin, hindi totoo. At kung kailangan nila na may mai-present na ebidensiya, yun, magsasalita ako. Kapag wala, bakit naman ako magsasalita?" says Jinkee Pacquiao about recent rumors that her husband and starlet Krista Ranillo were seen together in the U.S.


Tapos na ang construction ng bonggang bahay ni Mommy Dionisia sa General Santos City. Nakatakda raw ang house blessing ng bagong bahay ng ina ni Manny Pacquiao sa February 18. May sukat ito na 800 sq.m.

Sa panayam ng Showbiz Central sa manugang ni Mommy Dionisia na si Jinkee Pacquiao ay inamin nitong siya ang bumili at gumastos sa mga mamahaling furniture na naka-display na ngayon sa bagong bahay ng kanyang mother-in-law.

"Mga apat na kuwarto yata. May music room siya. May para kay lola, yung nanay niya. May maid's room. Yung pag-arrange lang at saka furnitures niya, siyempre ako ang nagbayad!" natatawang kuwento ni Jinkee bago siya umalis patungong Los Angeles para manood ng laban ni Manny kontra kay Joshua Clottey sa March 13 (U.S. time).

Dagdag niya, "Ako ang nag-shopping para sa kanya ng mga furniture sa bahay. Sabi ko, 'Kapag inilagay mo na 'yan at natapos na, tutulungan na lang kitang mag-arrange.' Ang gusto niya, nandun ako ngayong 18. Pero sabi ko, sisikapin ko na makapunta. Makabalik ako ng 16 dun [L.A.] at makabalik ako ng 18 dito."

Ang naturang furniture ang regalo ni Jinkee sa kanyang mother-in-law, na maiiwan sa Pilipinas at dito na lang manonood ng laban ng anak dahil marami raw itong inaasikaso.

VALENTINE'S DAY. Ano ba ang plano nila ni Manny sa Araw ng mga Puso?

"Pinag-usapan na namin bago siya umalis na dun kami mag-i-spend ng Valentine's. May Valentine's fans day yata siya sa L.A. Siguro pagkatapos ng event na yun, kakain kami sa labas. Ang importante, yung magkasama kaming dalawa."

To make the day extra special, may nakahanda na raw siyang Valentine's gift para sa asawa.

"Kuwintas na may letter M, diamond yun. Two weeks ago yun nung binili ko," banggit ni Jinkee.

KRISTA RANILLO. Bago tuluyang pumasok sa airport, tinanong si Jinkee kung naniniwala ba siya sa mga balitang palihim daw na nagkikita sina Manny at Krista Ranillo sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako magko-comment diyan. Kasi, sabi ko, kapag may proof ako, siyempre magsasalita ako. Pero kapag wala, wala. At saka sa akin, hindi totoo. At kung kailangan nila na may mai-present na ebidensiya, yun, magsasalita ako. Kapag wala, bakit naman ako magsasalita?" saad niya.

Ano naman ang reaction ni Manny sa bagong intriga na ito sa kanila ni Krista?

"Kapag tinatawagan ko nga na ganito yung balita, ganyan-ganyan, tumatawa na lang siya. Minsan sinasabi na lang niya na yung mga tao talaga, walang magawa sa buhay. E, sabi ko, 'Ganun talaga, e. Sikat ka, e,'" sabi ni Jinkee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN