Ynna Asistio says her mom already has an agreement with Mark Herras

"Simula pa lang po kasi, may pinag-uusapan na si Mommy at saka si Mark. So ako, wala naman po akong alam dun at nirerespeto ko kung anuman ang pinag-uusapan nila. Actually, nagpupunta si Mark sa bahay nang hindi ko alam. Nagsasama sila ni Mommy. At saka hindi lang naman kasi ako ang kabarkada ni Mark, pati mga kapatid ko," says Ynna Asistio.


May bagong segment si John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central. Ito ang "Sweet Talk" kung saan may kasama siyang tatlong "echoserang frogs" kung tawagin. At sa unang salvo ng "Sweet Talk" kahapon, February 14, ang young actress na si Ynna Asistio ang kanilang live guest.

Rumor has it that Yna and Mark Herras are already playing sweet music together. Pagkatapos nga raw ng halos dalawang taong panunuyo ni Mark kay Ynna, may balitang "honey" na ang tawagan nila sa isa't isa. Maging sa Facebook accounts daw nila ay "married" na ang mababasang status nina Mark at Yna.

Nanliligaw na nga ba si Mark kay Ynna?

"Yun nga po, wala naman po kasing formal na sinasabi si Mark. So for me po, yung mga ganyang questions, mas maganda kung kay Mark natin tanungin. Ang pangit naman po na ako ang babae, ako ang sasagot nun," pag-iwas ng dalaga.

Sa prangkahang usapan, "mag-syota" na ba sila?

"Hindi po," nakangiting sagot ni Ynna.

Ayon naman sa mga "echoserang frogs" ni Sweet, echosera raw si Ynna sa sagot nito. Kaya hamon naman ng dalaga, may alam daw ba ang mga ito. Dun nga ibinulong ng echoserang frog na si Fred kay Sweet na nakita raw niya sa Facebook account ni Ynna na "married" ang nakalagay nitong status.

Paliwanag naman ni Ynna, "Yes. Di ba, Tita Sweet, naging teenager din kayo? Siguro for me, sana pagbigyan n'yo ako ng chance na i-enjoy ko ang pagiging teenager ko. Yun naman po ay playtime lang naman po. Wala naman pong nakalagay na "married to Mark" or married sa ganyan."

So, pa-sweet lang yun?

"Opo," sagot ng 18-year-old actress. "Hindi naman po porke't naglagay kami ng ganun, e, talagang kasal na kami. Hindi naman po sa ganun."

Ang nanay ba ni Ynna na si Nadia Montenegro ay boto sa pagiging friends nila ni Mark?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo. Kasi si Mark, three years na kaming magkaibigan at bakit naman po hindi boboto ang nanay at tatay ko na tatlong taon nang nakabakod, nakabantay, inaalalayan ka ng tao? Hindi lang po ang mommy at daddy ko, pati ang family ko. Wala namang masamang intensiyon at wala namang masamang ipinapakita sa akin [si Mark]," sabi niya.

Hirit naman ng echoserang frog na si Facunda, sinasabi raw ni Ynna na boto ang parents niya kay Mark, pero sa nakaraang story conference nila for Diva, ayaw raw ng nanay niya na lumapit siya kay Mark. Is this true?

"Hindi po totoo yun," tanggi ni Ynna. "Sabi nga noong storycon ng Diva, nakabantay sa akin si Mommy. E, magkatabi nga po kami ni Mark. At saka bakit naman po gagawin ni Mommy yun, e, araw-araw nasa bahay ang tao at bakit naman pagdating sa trabaho, hindi puwede?"

Sabi naman ng ikatlong echoserang frog na si Francheska, dati pang sinasabi ni Nadia sa interviews nito na malaki ang chance ni Mark, pero may kundisyon. Ano nga ba ang kundisyon na yun?

"Simula pa lang po kasi, may pinag-uusapan na si Mommy at saka si Mark. So ako, wala naman po akong alam dun at nirerespeto ko kung anuman ang pinag-uusapan nila. Actually, nagpupunta si Mark sa bahay nang hindi ko alam. Nagsasama sila ni Mommy. At saka hindi lang naman kasi ako ang kabarkada ni Mark, pati mga kapatid ko," paliwanag ni Ynna.

MARK ON THE PHONE. Since sinabi ni Ynna na si Mark na lang ang tanungin kung nanliligaw na ito sa kanya, via phone patch ay tinanong nga ni Sweet ang young actor kung ngayong 18 na si Ynna ay formal na niyang nililigawan ang dalaga?

"Siguro yung pagdating sa bagay na 'yan, amin na lang 'yan," sagot ni Mark. "At saka importante naman kasi, yung happy ka sa kung ano ang ginagawa mo, di ba? At yun ang pinakaimportante. Happy ako kasi I'm with Ynna at nandun ang support ng family niya sa kanya. At the same time, happy ako kasi tanggap ako ng family niya kung ano ang meron ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaso, nagseselos ba si Mark dahil may ibang ka-loveteam si Ynna sa SRO Cinemaserye Presents Meet the Fathers na si Joross Gamboa?

"Hindi, kasi sa trabaho namin, mas naiintindihan ko pagdating sa part na 'yan. At saka hindi lang din naman si Joross ang naging first loveteam ni Ynna sa GMA. Nasa showbiz tayo. Nasa mundo tayo ng showbiz," sabi ng young actor.

Tanong naman ni Sweet kay Ynna, ano ang reaksiyon niya na hindi rin siya gusto ng fans ng loveteam nina Mark at Jennylyn Mercado?

"Yun nga po, naiintindihan ko po sila dahil, siyempre, sina Mark at saka si Jen, sila ang original. Ano po, ang gusto ko lang sabihin, ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko. Kung ano yung nakikita nila, sana hindi nila seryosohin dahil trabaho lang ito," sagot ni Ynna.

Ano naman ang regalo ni Mark sa kanya ng Valentine's day?

"Binigyan niya ako ng doggie... Maliit lang, yung chihuahua."

Ano naman ang gift niya kay Mark?

"Ginawan ko siya ng cake na Happy Valentine's."

Ano naman ang message niya for Mark?

"Well, yun, Mark, thank you kasi palagi kang nandiyan para sa akin and for being there for my family. And thank you for understanding me, my family and yung situation natin ngayon. Thank you for always being there for me. And I want you to know that the whole family loves you. And we're here for you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN