Kim Chiu defends Kung Tayo'y Magkakalayo co-star Kris Aquino against critics

"Sobrang talented niya. Hindi lang siya marunong mag-host, magaling din siyang umarte saka ang bilis niyang umiyak. Sasabihan lang siya ng direktor, 'O, iiyak ka dito.' Ang sasabihin naman ni Ate Kris, 'Opo, Direk, kaya ko na 'yan.' Iiyak na yun. Hahanga ka kasi hindi lang hosting ang kaya niyang gawin," says Kim Chiu (in photo) about Kris Aquino.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Kim Chiu tungkol sa lumabas na report na nakiusap daw ang co-star niya sa Kung Tayo'y Magkakalayo na si Coco Martin na patayin na lang ang character niya dahil hindi na raw nito matagalan ang pagtatawa at panlalait sa pananamit niya ng mga kasamahan niya sa soap na sina Kim at Kris Aquino.

Mariin naman itong itinanggi ni Kim nang makapanayam namin siya sa ASAP XV kahapon, February 14.

"Wala 'yan, hindi totoo 'yan," diin niya. "Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nanggaling 'yan! Kaibigan ko kaya si Coco? Kung lalaitin ko siya, sana nung Tayong Dalawa ko pa siya nilait, hindi dito sa show na ito."

Pinabulaan na rin ng kampo ni Coco ang isyung ito. (CLICK HERE to read related story.)

According to Kim, parang pamilya na ang turingan nila sa set ng Kung Tayo'y Magkakalayo kung kaya't malabo na may lumabas na ganitong mga balita.

"Para na kaming pamilya sa Kung Tayo'y Magkakalayo. Ang tawag ko kay Kuya Albert [Martinez] is Daddy, kay Ms. Jaclyn [Jose] naman is Nanay. Kami naman ni Ate Kris, lagi kaming nagkukuwentuhan pag wala kaming takes. Masaya sa taping namin, magaan yung mga ginagawa namin, magkakasundo ang lahat," kuwento ni Kim.

DEFENDING KRIS. Speaking of Kris, ipinagtanggol naman ni Kim ang gumaganap na ina niya sa Kung Tayo'y Magkakalayo laban sa batikos na wala raw improvement ang acting nito at mas maganda raw kung mag-host na lang ito kesa umarte dahil halos pare-pareho lang daw ang facial expressions na nakikita dito.

"OA naman!" sambit ni Kim. "Definitely hindi totoo 'yan. Siya kaya ang maraming eksena dun? Sobrang talented niya. Hindi lang siya marunong mag-host, magaling din siyang umarte saka ang bilis niyang umiyak. Sasabihan lang siya ng direktor, 'O, iiyak ka dito.' Ang sasabihin naman ni Ate Kris, 'Opo, Direk, kaya ko na 'yan.' Iiyak na yun. Hahanga ka kasi hindi lang hosting ang kaya niyang gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Powerhouse cast na maituturing ang Kung Tayo'y Magkakalayo. Para kay Kim, isang challenge ito sa kanya para huwag mapag-iwanan o masapawan ng mga kasama.

"Wala naman akong fear na baka masapawan ako kasi ginagawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko naman mapi-please lahat ng tao. Alam naman ng tao na magagaling sila [her co-stars], so hahabulin ko na lang yun," sabi niya.

GERALD ANDERSON. Samantala, showing pa rin ngayon sa ilang sinehan ang pelikula nina Kim at Gerald Anderson na Paano na Kaya?. Nagpapasalamat naman si Kim na tinangkilik ng mga manonood ang kanilang tambalan ni Gerald sa pelikula.

"Nakakaiyak na nakakatawa and sana ma-sustain pa rin siya. Alam ko naman na marami pang nanonood. May mga Kimeralds sa sinehan at tinitingnan nila kung kumusta yung showing. Nakakawala ng pagod. Nakaka-inspire na nagbunga lahat ng pinagpaguran at pinagpuyatan mo. Ipinagdasal naming lahat na sana maging big hit siya at ayun naman, maraming nanood at sumuporta."

Kumusta naman ang sinasabing special relationship nila ni Gerald na hanggang ngayon ay ayaw pa rin daw nilang aminin?

"Okey naman kami ni Gerald," sagot ni Kim. "Hindi naman mawawala yung pagiging special namin sa isa't isa, lalo't araw-araw kaming magkasama. Lagi kaming magkatrabaho, siyempre lagi kaming nagkukuwentuhan."

Chanel earrings daw ang regalo ni Gerald kay Kim noong Valentine's day at binigyan naman ni Kim si Gerald ng i-Pod.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN