PBB Double Up runner-up Paul Jake Castillo expected all along that Melai would be the Big Winner

Paul Jake Castillo, tagged as the Negosyante Prince ng Cebu inside the Pinoy Big Brother Double Up house, answers intrigue that the only reason he came very close to winner Melai Cantiveros in terms of text votes was because of his family's wealth.


Si Paul Jake Castillo ang naging 2nd Big Winner sa Big Night ng Pinoy Big Brother Double Up na ginanap noong Sabado, February 13, sa Ninoy Aquino Stadium.

May mga nagsasabi na nakaimpluwensiya raw ng malaki ang pagiging mayaman ni Paul Jake para umabante ito nang husto at halos dumikit ang dami ng text votes niya sa Big Winner na si Melisa "Melai" Cantiveros. Tiyak na gumana raw ang pera, hindi lang ng pamilya kundi ng mga kaibigan at mga taong malapit kay Paul Jake na tiyak na nabibilang din sa mga maykaya sa Cebu.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Paul Jake nang mag-guest sila ng iba pang Big Five ng PBB Double Up sa The Buzz last Sunday, Feb. 14, tinanong namin siya kung sa palagay ba niya ay malaking pera nga ang inilabas ng mga mahal niya sa buhay kaya siya naging 2nd Big Winner.

"Well, I don't know anything because I haven't talked to my family, pero sana hindi nila ginamit ang pera nila. I hope na yung votation came from the taong-bayan talaga. Before, yun din ang sinasabi ng mga friends and mga kilala ko dun sa Cebu. They said na hindi talaga ako mananalo sa PBB kasi I came from a well-off family. They didn't think I deserve it. That's why I'm not really expecting it," sabi niya.

Kahit si Paul Jake ay hindi inasahan na papasok siya sa Big 5 at magiging mahigpit pang kalaban ni Melai.

Aniya, "I never thought na malakas o mahina ako sa tao. Sabi ko nga before, two months ako [sa Bahay Ni Kuya], okey na yun. Tapos biglang nag-Christmas, nag-New Year. We got to the point na sana Big 4, then naging Big 5 pala. I'm very happy and surprised ako sa mga nangyari."

Kung may mga nagsasabi na dahil sa pagiging mayaman ni Paul Jake kaya siya naging 2nd Big Placer sa PBB Double Up, marami rin naman ang naniniwala na siya dapat ang nanalo dahil sa ipinakita niyang mga katangian sa loob ng Bahay Ni Kuya. Pero para kay Paul Jake, tanggap at inaasahan na niya na si Melai talaga ang magiging Big Winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For me, si Melai ang star and everything. We, the housemates, know naman that she made the Big Brother's house happy and entertaining for us and she deserves it."

Sa loob ng Bahay ni Kuya, ang pagiging prangka at diretsong tao ang ilan sa mga ugaling inireklamo sa kanya ng mga kapwa housemates. Naging open nga ang dating housemate niya na si Cathy Remperas na nasaktan siya ng husto nang sabihan daw siya ni Paul Jake na "gold digger." Ano ang masasabi ni Paul Jake dito?

"That's what I keep saying inside the house, and now I'm gonna say it again na I can't please everone. Kung may na-offend man ako, sorry na lang. I didn't mean it. I just had to say what I wanted to say.

"Regarding Cathy, if ever I got a chance to talk to her, I'll talk to her. Honestly, I don't remember saying the 'gold digger' part. If ever I did say that, I'm very sorry though wala talaga akong matandaan na nasabi ko yun. If ever I get the chance, I will clarify and clear things up."

Isa sa hinangaan naman kay Paul Jake ay ang pagiging loyal nito sa kanyang girlfriend. Nang tanungin namin ang PBB housemate kung sino ang gusto niyang maka-partner kung saka-sakaling pumasok siya sa showbiz ay wala siyang maisip na isagot.

"The first time na nakita ko ang girlfriend ko [sa Bahay Ni Kuya] was my birthday and I was really happy. That's also the first time na umiyak ako nang umiyak. Ako, I value our relationship so much talaga until now and forever.

"I don't know lot of artistas, I know lang sila Kim Chiu, Toni [Gonzaga]...kaunti lang, very small lang. And I really don't know a lot of them to say na sana sila ang makapareha ko," saad ni Paul Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN