StarStruck V finalist Sarah Lahbati now feels the pressure as Final Judgment nears

"Sa akin po, win or lose, okey lang po. Pero siyempre po, win po sana! Pero siyempre po, kung hindi talaga at bibigyan po ako ng project, siyempre po tatanggapin ko po yun. At kung wala man po, continue studying and I'll take Tourism po," says Sarah Lahbati when asked about her plans if she does not win the Ultimate Female Survivor title.


From the beginning, si Sarah Lahbati na ang sinasabing pinakamalakas among the female contenders of StarStruck V, hindi lamang ng mga kapwa niya survivors kundi maging ng mga manonood. Kaya hindi na nga nakapagtataka na napasama si Sarah sa Final 5.

Pero ayon kay Sarah, hindi siya puwedeng maging kampante. In fact, since five days na lang at malalaman na kung sino sa kanilang lima ang tatanghaling Ultimate Male and Female Survivor, mas lalo raw siyang kinakabahan. Sa February 21 na gaganapin ang Final Judgment sa Araneta Coliseum.

"Pressured po kasi one week na lang po. Pero I keep in mind na kailangang maging positive. Basta I'll do my best po para makuha sana ang votes," sabi ng 16-year-old aspring actress-singer nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa Final 5 kagabi, Feb. 15, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

SARAH VS. DIVA. Aware din daw si Sarah na in terms of text votes ay mas lamang sa kanya si Diva Montelaba. Sina Sarah at Diva ang dalawang babae na nakapasok sa Final 5, samantalang tatlong lalake naman ang nakalusot—sina Rocco Nacino, Enzo Pineda, at Steven Silva.

Ni-reveal kasi last Sunday, Feb. 14, ang accumulated text votes na nakuha ng Final 6 sa loob ng nine weeks. Lumabas nga na si Diva ang may pinakamalaking viewers' votes sa mga babae at pangalawa naman overall.

Ano ang reaksiyon ni Sarah dito?

"Opo nga, e. Medyo nalulungkot nga po ako kasi ang tataas po ng text votes nila. Pero yun din po ang nagsilbing ano sa akin para mas galingan ko pa po at tutukan ko ang text vote. Tomorrow [Feb. 16], may homecoming po. Sa Cavite po ako magkakampanya na sana po iboto po nila ako," banggit niya.

Kinabahan din ba siya nang makita niyang mas mababa ang nakuha niyang text votes kumpara kay Diva?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre naman po, kasi importante po yun dito sa StarStruck. Kailangan mataas ang votes. But I'll do my best para tumaas po talaga, like mag-campaign, mag-Facebook."

Fifty percent ng total votes ay mula sa viewers' votes samantalang ang natitirang 50 percent ay nanggagaling mula sa StarStruck Council na binubuo nina Lolit Solis, Iza Calzado, at Floy Quintos.

Pero marami ang nagsasabi na si Sarah ang dapat maging Ultimate Survivor. Ano ang raksiyon niya pag naririnig niya ito?

"Nangingilabot po ako kasi nakakakilabot po talaga!" sagot ni Sarah. "Kasi si Diva, ang galing po. Magaling po siyang sumayaw, kumanta at umakting. Talagang top competitor ko siya, si Diva."

Ayaw ring i-claim ni Sarah na pagdating sa looks, mas lamang siya sa nag-iisang karibal niya sa titulong Ultimate Female Survivor.

"Ang masasabi ko lang po, magkaiba ang beauty namin. Ako po, masasabi ko po na ako ang mestiza at siya naman po ang morena na hinahanap-hanap din po. Kasi sa industriya po, marami ang mga tisay, mestiza, pero kokonti po ang morena. So, yun po...hinahanap din po siya."

Close naman daw sila ni Diva, pero aminado si Sarah na nararamdaman na niya ang kumpetisyon sa kanilang dalawa.

"Of course, kumpetisyon kung kumpetisyon. Nag-usap nga po kami na basta after StarStruck, free na kami sa friendship po. Basta sa ngayon, ang isipin lang po namin, yung kumpetisyon dahil yun ang importante sa ngayon."

Sa palagay ba niya ay patas ang labanan nila ni Diva?

"Sa StarStruck po, every second, nagbabago. Si Enzo nga po, marami ang nagsasabi na mayaman, siya ang ganito-ganyan. Pero si Steven po ang mataas sa votes," sabi ni Sarah.

ENZO PINEDA. Speaking of Enzo, ikinuwento ni Sarah na lahat ng boys sa StarStruck ay nagbigay ng flowers sa kanila nung Valentine's Day. Pero very vocal si Enzo sa kanyang paghanga sa kanya. Ano ang reaksiyon dito ni Sarah?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano po, kapag naririnig ko po yun, natutuwa lang po ako. Pero actually, ano po...medyo boyish po ako. Hindi po ako tomboy ha, mas close lang po ako sa mga guys. Itinuturing ko po siya na parang kapatid. Parang nangingilabot po ako pagdating sa mga ganyan," sabi niya.

Sixteen years old pa lang si Sarah at pinakabata among the StarStruck female contenders kaya hindi pa raw siya nagkakaroon ng boyfriend. Pero pagkatapos kaya ng StarStruck ay papayag siyang maligawan ni Enzo?

"After ng StarStruck po, ang plan ko po, huwag munang magka-boyfriend kasi 16 pa nga lang po ako. At saka gusto ko munang magka-career. So, kapag may gusto po ako, yun at yun muna," sagot niya.

Sa tatlong lalaking natitira sa StarStruck V, sino ang bet niyang manalo bilang Ultimate Male Survivor?

"Si Enzo po!" natatawang sabi ni Sarah. "Kasi nasa sa kanya po ang height. Unang-una, sa mga artista ngayon, ang hinahanap po height, lalo na po sa mga Filipino artists. At saka nakikita ko na sobrang nag-improve po siya. Hindi man nakikita ng mga tao, pero sobrang nag-improve po si Enzo, lalo na po sa dancing, compared sa audition niya."

AFTER STARSTRUCK. Ipinanganak at lumaki si Sarah sa Switzerland. In fact, umuwi siya ng Pilipinas para mag-audition sa StarStruck. Pero nakahanda na raw siya na pagkatapos ng Final Judgment, totoong buhay artista na ang dapat niyang harapin. Kung sakali at hindi siya ang palaring manalo, ano ang mararamdaman niya?

"Sa akin po, win or lose, okey lang po. Pero siyempre po, win po sana!" natatawa niyang sabi. "Pero siyempre po, kung hindi talaga at bibigyan po ako ng project, siyempre po tatanggapin ko po yun. At kung wala man po, continue studying and I'll take Tourism po."

Sa huli, hinayaan namin siyang mag-invite para siya ang iboto sa Final Judgment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre po, salamat po sa lahat ng sumuporta at tuluyang naniwala po. Sana po ay magkita-kita po tayo sa Araneta sa February 21 nang naka-yellow po. Sana po ay tuluyan n'yo akong suportahan. God Bless po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN