StarStruck V finalist Rocco Nacino stays positive despite having the lowest text votes among male contenders

"I'm still thinking of a way na magustuhan ako ng mga tao. Gusto ko po magkaroon ng parang not just the artista quality, but the star quality talaga. Yung tipong hahangaan po ako ng mga tao, na magiging role model po ako sa kanila," says StarStruck V finalist Rocco Nacino.


During the press conference for the Final 5 of StarStruck V last night, February 15, tinanong sila kung sino sa tingin nila ang deserving manalo sa Final Judgment na gaganapin sa Sunday, Feb. 21, sa Araneta Coliseum. Except for Rocco Nacino, all of them answered na sila ang deserving manalo bilang Ultimate Male Survivor o Ultimate Female Survivor.

Si Steven Silva ang isinagot ni Rocco na sa tingin niya ay tatanghaling Ultimate Male Survivor. Last Sunday (Feb. 14) kasi sa last elimination ng StarStruck V ay ni-reveal ang accumulated votes na nakuha ng anim na natitirang survivors mula sa viewers at lumabas na napakalaki ng lamang ni Steven sa kanyang mga kasamahan; including Rocco, Enzo Pineda, Sarah Lahbati, Diva Montelaba, at ang na-eliminate na si Nina Kodaka.

Sa tatlong lalakeng natitira sa competition, si Rocco ang may pinakamababang text votes. Ito ang naging basehan ni Rocco para sabihin na si Steven ang sa palagay niya'y tatanghaling Ultimate Male Survivor sa Final Judgment.

After the presscon proper na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center ay tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rocco kung bakit tila bumaba na ang confidence niya at tanggap na niyang hindi siya ang mananalo.

"Una po, ang goal ko po nung nag-start ako ng competition na ito, makarating po sa Final 4...actually Final 5 na. To win the title would be a bonus for me. Para po sa akin, ang laking tulong po sa akin kung makilala po ako na nakasama sa Final Five. Mas malaking bonus po kung makikilala po ako na 'siya yung Ultimate Male Survivor.'

"Hindi po sa bumaba yung confidence," patuloy ni Rocco. "I believe in myself, pero tingin ko po, ang laki ng chance ng dalawa kong kasama—Steven and Enzo—manalo ng title based on text votes and talents na rin."

THE POWER OF TEXT VOTES. All the while, akala ng marami na si Enzo ang may pinakamaraming text votes because of his family's wealth. But it turned out na si Steven pala ang pinakamalakas ang fan base. Nagulat ba si Rocco nang malaman niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo, nagulat po ako na na-surpass niya po ako...hindi lang po ako at saka si Enzo, lahat pala. Hindi lang po yung nalagpasan niya, parang one mile yung ano... Kumbaga sa marathon run, he's almost at the finish line, kami po kalahati pa lang. Napabilib po ako sa kanya. Wow, ang lakas po ng dating niya sa mga tao! Very proud din po ako sa kanya."

Dagdag niya, "Siyempre, medyo bumaba rin po yung hopes ko. Pero sabi ko, come to think of it, back to zero po kami ngayon and we have one week to campaign to other people to vote for us. Naisip ko, kung si Steven in nine weeks kaya niya yung ganung kalaking [votes], in one week, tingin ko malaki magagawa ng fans niya. So, para po sa akin, medyo bumaba rin yung chances ko. Pero, I'm just staying positive. It's up to the people na."

Ano ang naramdaman ni Rocco nang nalaman niya na siya pala yung may pinakamababang text votes sa kanilang tatlo nina Steven at Enzo?

"Sabi ko, it is what it is na yun po ang nangyari," sagot ng 22-year-old registered nurse. "Siguro kailangan ko pa pong mag-reach out sa mga tao. Hindi ko rin po puwedeng i-please lahat ng tao, e. Hindi ko pa rin po alam, I'm still thinking of a way na magustuhan ako ng mga tao. Gusto ko po magkaroon ng parang not just the artista quality, but the star quality talaga. Yung tipong hahangaan po ako ng mga tao, na magiging role model po ako sa kanila."

Aminado rin si Rocco na medyo pinanghinaan siya ng loob dahil dito.

"For a while, pero I think about it and I say na binibigay ko naman ang lahat ko," sabi niya. "The real test is after StarStruck. Kung paano ka magiging confident, kasama hindi lang yung Top 14, pero yung hundreds of other artistas, paano ka magiging confident, paano ka mag-i-standout. So, yun ang iniisip ko ngayon. Kaya po confident po ako kahit hindi ako manalo ng title, I can still go places po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rocco is giving himself 60-percent chance of winning the Ultimate Male Survivor title.

DOES HEIGHT MATTER? Ano sa tingin ni Rocco ang kulang sa kanya kumpara kina Enzo and Steven?

"Para po sa akin, wala. I've been giving everything I have. Sa tingin ko po nakikita ng mga mentors and judges yung effort ko at saka yung determination ko para gawin 'to, e."

Pero aniya, "To be honest, kung may kulang po ako, yung height ko po, 5'7" or 5'8". Ang laking disadvantage po 'yon. Ang daming nagsasabi na, 'Kung na-bless ka lang ng height, sure win ka na or ang layo na ng mararating mo.' Pero ako, I just laugh it off and I'd say, 'Nobody's perfect po. Daanin ko na lang po sa talent.' Ganun na lang po.

"Ako naman po, hindi ako galit. I'm happy with what God gave me. Sabi ko, 'Okay, hindi po ako ganun katangkad...' That can be a basis for pagpababa po ng ranking ko with other artistas kasi most of them are tall."

Sa Philippine showbiz, isang malaking factor din para sa fans ang height ng isang artista, lalo na sa mga male stars. Pero hindi naman ito nangangahulugan na hindi na sisikat ang isang artista na kulang sa height. Yun nga lang, mahirap silang ihanap ng kapareha. Sa kaso ni Rocco, parehong mas matangkad sa kanya ang mga babaeng nakapasok sa Final 5 na sina Sarah at Diva.

"I'm trying not to think about it. Kung ano po ang naibigay sa akin ni God, I'm happy with it," pagkikibit-balikat na lang ni Rocco.

EARLY LEAD. Sa simula ng competition ay nag-standout agad si Rocco dahil sunud-sunod na awards ang nakuha niya para sa pagsayaw, pag-arte, at maging sa pagkanta. Pero dumating ang point na tila naabutan, kundi man nalagpasan, na siya ng kanyang mga kalaban. Kumbaga ay maaga siyang nag-peak kumpara sa kanyang mga kalaban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naramdaman ba niya hindi tama yung pacing niya sa competition at maaga siyang nag-peak?

"I wouldn't say na ginusto ko, na plinano ko po yung pag-peak ko po at the start of the competition," sabi ni Rocco. "I would say sa auditions pa lang, ibinigay ko na po lahat ko. I never stopped doing that throughout the whole competition. I'm proud to say na it has got me this far. Napunta po ako dito sa Final Five.

"It's both an advantage and a disadvantage to be doing your best and to be appreciated for it. But it's hard to maintain yung momentum po. It's hard to come up with something new to please everybody. Like one mentor said before na 'na-Rocco fatigue' po siya, I had to think of something new. Na-challenge po talaga ako nun. Pero very thankful po ako sa kanya nung sinabi niya 'yon dahil nailabas ko po yung another version of Rocco. What they saw was a bad boy na ala-Robin Padilla. I did Muay Thai and Jujitsu at ang dami pong nagustuhan yun.

"From there po, masasabi ko na kahit negative po ang comments, kahit sinasabi nila bumaba yung momentum ko, it pushes me more to explore what I have, na ano pa ang capabilities ko. So, ang laki ng naitulong ng pagbigay ko ng best ko po nung umpisa pa lang dahil nailabas ko pa po yung hindi ko pa nailalabas. It helped na rin, more of an advantage than a disadvantage."

FINAL JUDGMENT. Did he expect na makasama sa Final 5?

"Yung two weeks po na binitin po kami for the [final] elimination, since nakatira po kami do'n sa condo, every day po umuupo ako sa sofa at tumitingin ako sa pictures [on the wall]. I was making my own My5 [list], hirap na hirap po ako, sobra! Di po talaga ako makagawa ng Final 5 ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ito yung pinakamahirap na part ng competition na makita mo lahat lumabas na sa shell nila, lahat deserving na. So kung ako po judge, sabi ko, 'Final 6 na lang para wala nang problema.' Kasi, okay po lahat, e. Kaya come last night [Feb. 14], I wasn't able to expect anything po, e. Parang, I wasn't confident, I wasn't scared na matatanggal ako, I wasn't confident na sure pasok ako. I was praying na, 'Lord, kung plano N'yo po 'to sa akin, ibigay N'yo po sa akin kung nasa plano N'yo po talaga.' So, I was just praying the whole time na nag-e-air yung show," lahad ni Rocco.

Handa na ba siya sa Final Judgment on Feb. 21?

"Kinu-compose ko na po yung sarili ko, and nalulungkot din po ako kasi one week na lang... Nag-enjoy po ako kasi ang dami kong natututunan dito. I want to improve pa... Mami-miss ko lahat ng tao dito sa staff, siyempre. Sisiguraduhin ko hindi ko sila makakalimutan."

Looking back, from the time na nag-audition siya hanggang sa makarating siya sa Final 5, how would he describe his journey?

"Life-changing...grabe!" bulalas niya. "Life-changing experience, I believe. Unang-una po, nagkaroon ako ng supporters. Before, normal person lang po ako, tapos ngayon po may sumisigaw na ng pangalan ko. Fans give me letters and pictures nila tapos sinasabi, 'Idol kita.' Nakakatuwa po, nakakataba ng puso na nakaka-inspire po ako ng tao. Nagiging role model din ako to the youth. Dahil po sa kanila, parang napu-push ko yung sarili ko."

Sa huli ay nagpasalamat si Rocco sa supporters niya na patuloy na naniniwala sa kanya.

"After StarStruck, sisiguruhin ko na mas mamahalin ko kayo. And sana yun din ang gawin nila para sa akin. Hopefully, makapag-arrange din ako ng thanksgiving party para rin sa mga supporters. That's one thing na pina-plan ko po after StarStruck, makapag-give back naman po ako sa supporters ko," pagtatapos niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN