StarStruck V finalist Rocco Nacino defends himself against "mayabang" accusation

"Nakakalungkot lang po yung iba, sinasabi na plastik po ako, pero I'm just not minding them. Naging totoo lang po ako and I don't have to be someone else kasi just being myself, I'm already saying unique na po ako, e," says Rocco Nacino.


May mga nasusulat na "yumabang" na raw ang StarStruck V finalist na si Rocco Nacino. Ito raw ang magiging dahilan ng kanyang pagkatalo kung saka-sakali sa Final Judgment. Kaya sa presscon na ipinatawag ng GMA-7 para sa Final 5 ng nasabing reality-based artista search last Monday, February 15, ay diretsahang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rocco kung yumabang na nga ba siyang talaga?

"Marami po ang nagsasabi nun, pero malayo po ang mayabang sa confident," sagot niya. "Confident po ako sa skills and talents ko po. I wouldn't say na lumalaki na ang ulo ko kasi kung ano po ako nung nag-start yung competition, yun pa rin po ako. You can ask the other survivors.

"Nakakalungkot lang po yung iba, sinasabi na plastik po ako, pero I'm just not minding them. Naging totoo lang po ako and I don't have to be someone else kasi, [I'm] just being myself. I'm already saying unique na po ako, e," pagtatanggol ni Rocco sa sarili.

Sa pagiging prangka o totoo niya sa sarili, posibleng ma-misinterpret siya ng iba, lalo na sa showbiz na bawat kilos at galaw ng isang artista ay pinupuna. Hindi ba siya nag-aalala sa magiging dating niya sa ibang tao?

"Siguro po, kailangan medyo maingat din po," pagsang-ayon niya. "Well, baguhan din po ako sa showbiz, I'm still learning po. Tingin ko po, sa mga actions ko po, like pag nagsalita po ako minsan, yung kilay ko [tumataas], ang dating ko daw po maangas. So, natuto po akong mas maging sensitive ngayon sa mga sinasabi ko, 'saka actions ko. So, I'm learning po, I'm learning.

"Kung naging mayabang po ako no'n, siguro lumaki yung ulo, at least now I know po. Kung totoo man po 'yon, at least now I know po. I'm learning something, I'm doing something about it. I can say na nag-i-improve na po yung attitude ko ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado rin si Rocco na siya ang pinatatamaan sa isang episode ng StarStruck V ng Council member Lolit Solis na "nagiging mayabang" na raw siya.

Aniya, "Before that po, ang dami rin pong nagsasabi na gano'n. Malamang po, ako yung pinatatamaan."

ISSUE WITH ROX. Kaugnay pa rin ng isyung pagiging mayabang ni Rocco, sa episode ng StarStruck V last Saturday, February 13, ay diniretsa ng binata ang Avenger na si Rox Montealagre sa pagsasabing "sobrang ayaw" niya ito. Bakit niya napagsalitaan ng ganun si Rox?

"Well, unang-una po, naisip ko, kaya po kami nandun that night for that activity, para po makilala kami lalo ng mga Avenger. They wanted to ask questions, yung mas deep, and they wanted to know more. Kaya gusto nila maging totoo. So that's what I gave them. Naging totoo lang naman po ako sa pagsagot ko po kay Rox dun po sa tanong niya.

"Kung sasagot po ako nang maayos, parang naging safe ako, parang naging plastic lang po ako. That would haunt me po, e. Di po ako sanay maging plastic. So, in order to answer that question, I have to let it out. Nag-sorry naman po ako kay Rox. 'I'm sorry Rox, pero that's how I feel about you.'"

Hindi ba siya nag-worry na marami ang na-turn off sa kanya?

"Nag-worry rin po," sagot niya. "Sinabihan din po ako ng parents ko, 'Ba't mo ginawa 'yon?' Sabi ko, 'Mom, naging honest lang po ako. Kaya nga po kami pinag-ano... they wanted straightforward answers to their questions and I gave them straightforward answers.' I was just honest to them, lalo na po kay Rox.

"Alam ko po nasaktan ko si Rox, siguro po we got off on the wrong foot. 'Tapos after that, ang dami ko pong naririnig na sinasabi ni Rox about me. Nakakasakit yung mga ibang sinasabi rin niya kaya mas pumangit din yung impression ko sa kanya. Kung ano po yung sinabi ko, totoo po 'yon... Ayoko na pong magsalita!" pagpipigil ni Rocco sa sarili sabay tawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FINAL FIVE. Inamin naman ni Rocco na nabawasan na ang kaba sa dibdib niya nang mapasama siya sa limang finalists para sa magaganap na Final Judgment on February 21 sa Araneta Coliseum. Ilang gabi na raw na hindi makatulog nang maayos dahil dito.

Pero last Sunday, February 14, ay siya ang pangalawang tinawag among the Final 5, along with Sarah Lahbati, Enzo Pineda, Steven Silva, and Diva Montelaba.

"When my name was called second, talagang napadasal ako bigla. I thanked the Lord for what has happened to me during the competition. I've come this far and I don't want to fail the people who are supporting me, lalo na ang family ko na one hundred percent ang suporta nila.

"Each and every time I survive a challenge dito sa StarStruck, hindi ko nakakalimutan na magdasal kaagad. I know that I am nothing without His blessings. And alam ko na no matter what happens on the Final Judgment, it's His will. Manalo o matalo man ako, I will always be thankful sa Kanya," ngiti ni Rocco.

Ayaw sabihin ni Rocco kung sino kina Enzo at Steven ang masasabi niyang matinding kalaban niya sa title na Ultimate Male Survivor. May kanya-kanya raw kasi silang mga fans at magkakaiba rin ang talents na ipapakita nila sa Final Judgment.

"Like what I said, anything can happen at baka may mali pa akong maisagot," sabi niya. "So I will let the public decide kung sino, di ba? Si Steven kasi, nagulat kaming lahat sa turnout ng mga text votes at online votes sa kanya. Over half a million votes ang nakuha niya. Malaki ang fan base niya and that for me is quite scary na. 'Tapos napapansin ko rin that Steven is somehow improving on many things na kulang sa kanya before. So, hindi ko puwedeng sabihin that Steven is not a competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"With Enzo naman, from day one, he has always shown his different talents and he's very good in singing, dancing, and acting. Marami pang gustong gawin si Enzo and he's very vocal in saying na ito ang gusto niyang gawin. He really goes for anything kaya matindi rin siyang kalaban."

Kaya ang panlaban na lang ni Rocco daw ay mas huhusayan pa niya ang gagawin niyang performance sa Final Judgment. He will make sure na hindi mabibitin ang mga manonood sa kanyang ipapakitang palabas. Binanggit ni Rocco sa PEP na ang isa sa production number niya ay medley ng mga kantang pinasikat nina Kris Allen at Adam Lambert sa American Idol last year.

Kung hindi raw palarin si Rocco na makuha ang titulo ay may back-up plan naman daw siya. Hindi raw matatapos ang buhay niya sa StarStruck.

"There's always Plan B and Plan C. If ever I don't win, there's always my Nursing course na puwede kong gamitin na. I'm prepared for whatever will happen to me sa Final Judgment. If GMA-7 has other plans for me and the rest, then it's okay. Tingnan natin ang mga option. Kung maganda, then gawin natin. Walang masama kung susubukan natin, di ba?"

Pero siyempre, dasal pa rin ni Rocco na manalo siya.

"In any contest or competition, ang goal ng mga sumasali ay manalo. Wala naman sigurong sumasali para lang maging runner-up, di ba? Yun nga lang, kailangan nating maging handa sa resulta. Maging favorable man o hindi sa marami, I will accept and respect whatever the result is," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN