Polo Ravales: "Nane-nega ako pag may lovelife ako. Ako yung nasisira!"

Polo Ravales plays Cicero in the upcoming GMA-7 telefantasya Panday Kids. "Ako yung bubuhay kay Lizardo sa show. Ako yung pinaka-kalaban ni JC [de Vera, bilang Aureus]," says Polo about his role.


Kasama sa cast ng Panday Kids si Polo Ravales, na gumaganap bilang Cicero, ang apo ni Lizardo na ginagampanan naman ni Marvin Agustin.

"Ako yung bubuhay kay Lizardo sa show. Ako yung pinaka-kalaban ni JC [de Vera, bilang Aureus]," paglalarawan ni Polo tungkol sa kanyang role nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, February 16, sa presscon ng Panday Kids sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Mahilig sa bata si Polo kaya naman natutuwa siya na marami siyang nakakatrabaho na mga bata sa Panday Kids, gaya ng tatlong pangunahing bida na sina Buboy Villar, Julian Trono, at Sabrina Man. Hindi ba naiisip ni Polo na magkaroon ng sariling anak since mahilig naman siya sa bata?

"Parang siguro sa ngayon, mas gusto ko munang pagbutihin yung career ko. Career muna bago yung baby!" tawa ni Polo.

Dagdag niya, "Wala nga akong lovelife e, zero. For one year, wala akong lovelife."

NEGATIVE EFFECT OF LOVELIFE. Bakit ang tagal niya nang walang lovelife?

"Kasi nane-nega ako pag may lovelife ako, e. Ako yung nasisira!" tawa ulit niya.

Bakit nga ba laging siya ang nasisisi kapag nakikipaghiwalay na siya sa mga nagiging girlfriend niya?

"Ewan ko nga, e. Kaya mas pipiliin ko munang maging single at mag-concentrate sa trabaho."

Sa pagkakaalam namin ay si Jean Garcia ang huling naging girlfriend ni Polo, bagamat na-link din siya sa Bb. Pilipinas candidate this year na si Krissa Mae Arietta.

Isa rin sa mga naging girlfriend ni Polo na taga-showbiz ay si Ara Mina, na tumatakbo ngayon bilang konsehal ng 2nd District ng Quezon City. Kung lalapitan daw siya ni Ara para hingin ang tulong niya na ikampanya siya, papayag naman daw si Polo.

"Magkaibigan na naman kami ni Ara. Wala nang problema sa amin. So kung halimbawang sasabihin niya sa akin na tulungan ko siya sa kampanya niya, willing naman akong tulungan siya. Pero sana huwag na lang natin siyang pag-usapan. Kasi may boyfriend na yung tao. Baka magselos pa yun sa akin," sabi ni Polo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO MORE GAY FILMS. Ang huling indie film na ginawa ni Polo ay ang Walang Kawala na idinirek ni Joel Lamangan. Lovers sila rito ni Joseph Bitangcol at may kissing scenes pa sila.

Sa hiwalay na panayam ay sinabi ni Joseph na pinagsisihan daw niya ang ginawa niyang kissing scene with Polo. Hindi na rin daw siya gagawa ng gay film.

Si Polo ba ay pinagsisihan din ang kissing scene nila ni Joseph?

"Hindi naman," sagot niya. "Pero hindi na rin siguro ako gagawa ng gay film. Una't huling gay film ko na yung Walang Kawala. Nagawa ko na namang gumawa ng role na bakla at nakipag-kissing scene na sa kapwa ko lalake, so gusto ko naman ibang klase ng role. Ayoko na rin ng mga ganung klase ng role o pelikula."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN