Jackie Rice on leading man JC de Vera: "Gusto ko siya...gusto ko siyang maging partner."

"Nakikita naman po siguro nila na lahat ng malalaki or maliliit na role na ibigay nila sa akin, this time, ginagawa ko na ng tama, hindi na ako late. So, nakita po siguro nila yun, ng mga katrabaho ko. Umakyat yun sa taas. Dati po, marami pong pagkukulang talaga," says Jackie Rice about her working attitude now.


Kapansin-pansin ang bagong aura ng young actress na si Jackie Rice nang humarap siya entertainment press para sa grand launch ng kinabibilangan niyang telefantasya, Panday Kids, na ginanap last February 16 sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Mas relaxed, mas masaya, at mas positibo ang outlook ngayon sa buhay at career ng StarStruck alumna.

Napangiti si Jackie nang banggitin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya na siya ang sinasabing strongest contender at this year's FHM Sexiest Women list.

"Sana! Sana, sana...lahat kami 'yan talaga ang dini-dream," sambit niya. "At saka sa FHM, ipinakita ko sa kanila na kaya kong gawin lahat, na willing ako. Kasi, gusto ko. Kasi gusto ko itong ginagawa ko. Kahit anong trabaho ang ginagawa ko, ipinapakita ko na ito ang gusto ko."

Nag-isip din naman daw siya noong unang in-offer sa kanya na mag-pose para sa FHM.

"Matagal na po nilang sinasabi sa akin yun, which is pagkapanalo ko pa lang [sa StarStruck]. Bata pa lang ako, 16 pa lang ako nun. At least ngayon, 19 na ako. Pinag-isipan ko talaga at tinanong ko ang mga magulang ko kung okey ba sa kanila. Kasi, baka ako lang naman [ang may gusto] tapos mali na naman ang gawin ko, di ba? Kapag ako lang, mali palagi, e. Hindi ko kaya."

Naging proud at masaya naman daw ang parents niya sa nakitang outcome ng pictorial niya sa January 2010 issue ng FHM.

"Happy sila...proud sila. 'Anak ko ba 'to? Sino ang kamukha? Parang ako ang kamukha.' Ganun sila."

Willing na rin daw si Jackie to be more daring.

"As long as matutunan ko naman ang ginagawa ko," sabi niya. "Gusto ko na makikita ko muna ang script at pag-aaralan ko. Ayoko ng wala namang kuwenta ang story, tapos tatanggapin ko. Pero kung maganda naman ang story ay matututo naman ako. Kung hindi naman X-rated ang movie, okey lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Feeling blessed nga si Jackie dahil ngayon daw, tuloy-tuloy na ang mga projects niya. Hanggang 2012 pa raw ang kontrata niya sa GMA-7 at feeling niya, even after that ay magsa-sign up siyang muli sa Kapuso network.

"Nakikita naman po siguro nila na lahat ng malalaki or maliliit na role na ibigay nila sa akin, this time, ginagawa ko na ng tama, hindi na ako late. So, nakita po siguro nila yun, ng mga katrabaho ko. Umakyat yun sa taas. Dati po, marami pong pagkukulang talaga," pag-amin ng StarStruck 3 Ultimate Female Survivor.

JACKIE'S NEW INSPIRATION. Kung ang dati niyang boyfriend na si Biboy Ramirez ay nakahanap na ng bagong girlfriend sa katauhan ng StarStruck Avenger na si Vaness del Moral, inamin ni Jackie na meron na rin siyang baging inspirasyon, a non-showbiz guy, pero hindi pa raw niya ito boyfriend.

"Hindi ko po siya dyowa. Inspiration lang. I'm still single. Ayoko pa pong maging committed. Like now, may partner ako [sa Panday Kids], si JC de Vera, baka naman maging hadlang sa amin. E, gusto ko si JC...gusto ko siyang maging partner," may pagkapilya niyang sabi.

Sa salita niya, tila hindi lang as partner onscreen ang gusto niya kay JC?

"Ang masasabi ko lang, ang ganda ng mukha ni JC, ang liit," sabi ni Jackie.

Kinikilig ba siya kay JC?

"Kinikilig ba ako? Hindi ko alam ang kilig, e, ang tagal ko nang hindi kinikilig," sagot ng dalaga.

Baka naman pumuporma na sa kanya si JC?

"Hindi. Ano, friends lang talaga kami ni JC. Baka naman kasi may magalit at biglang sumugod sa akin, di ba? Ayoko naman ng ganun."

So, puwede siyang ma-develop kay JC?

"Hindi po... Camera po ang nade-develop, hindi kami!" natawa siya sa sarili niyang biro.

Kailan nag-start yung parang may kilig o napapansin niya si JC?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong first day pa lang," sagot ni Jackie. "Kasi, first time ko lang din siyang makatrabaho ever since. Hindi ko naman siya nakakatrabaho before. E, mabait pala siya, guwapo... Alam naman siguro ng lahat yun... Macho. Maganda ang lips. Maganda ang katawan. Maganda ang mata. Maganda ang ilong. Maganda ang mukha."

Kung liligawan siya ni JC, may pag-asa ba ito sa kanya?

"Hindi ko alam!" hagikhik niya. "Ayokong magsalita. Mas gusto ko siyempre na friends lang kami para walang ilangan sa work."

Bakit parang ang saya-saya niya na si JC ang ka-partner niya?

"Masaya po ako na may trabaho ako!" natatawa pa rin niyang sabi.

Pero kasunod nito ay bigla siyang naging seryoso. Aniya, "Okey, kasi ganito po 'yan, after po ni Marky Cielo, si Mark Herras, ngayon lang po ulit ako nagka-loveteam. So, para po akong bata na, 'Uy, may loveteam ako.' Masaya po. Tapos, ang guwapo pa ng ka-loveteam ko."

STARSTRUCK. Bilang isa sa mga naging Ultimate Survivor ng StarStruck, sino ang bet niyang manalo ngayon sa StarStruck V?

Playing safe ang mga sagot ni Jackie, lalo na sa babae dahil aniya, mahigpit daw ang labanan nina Sarah Lahbati at Diva Montelaba.

"Winners naman na silang lahat. Sa girls kasi, pareho ko silang gusto. Mahirap talaga sa girls kasi pareho silang magaling. Maputi si Sarah, morena si Diva. So, kung ako, dalawa sila. Hindi puwedeng isa lang.

"Sa boys, si Rocco Nacino," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN