JC de Vera goes from drama to action-adventure in Panday Kids

JC de Vera is excited about a scene he shot with Christopher de Leon on a rickety bridge: "Nakakatakot kasi yung bridge, luma na at sira-sira na. Any time puwede na siyang masira at mahulog. Naka-harness naman kami kaya medyo kampante kami. Kinunan siya ni Direk Mike [Tuviera] sa tuktok namin. Helicopter shot 'yon, para siyang pelikula. Mapapanood nila 'yan sa pilot episode on February 22."


Next month ay mag-e-expire na ang kontrata ni JC de Vera sa GMA-7. Pero ayaw muna niyang isipin kung ano ang magiging next step niya dahil nabigyan naman daw siya ng bagong TV show ng Kapuso network, ang Panday Kids.

Natutuwa siya dahil importante ang papel niya dito bilang si Aureus na siyang pinagkatiwalaan ni Maria Makiling (played by Iza Calzado) na hanapin ang Panday Kids na sila Oliver (Buboy Villar), Charlie (Sabrina Man), at Hadji (Julian Trono).

Dumaan pa sa wushu at sword fighting training si JC para paghandaan ang mabibigat na eksena sa telefantasya ng GMA-7. At bago nagsimula ang taping, nag-workout din siya nang husto para pagandahin pa lalo ang kanyang katawan.

"Noong sabihin sa akin na kasama ako sa Panday Kids, inalam ko ang character ko. Nalaman ko nga na isa siyang expert swordfighter na maraming makakalaban para maprotektahan ang Panday Kids. Kaya nag-workout ako para lumaki ang mga muscles ko.

"Physically draining ang taping namin. Kasi every taping day, may big scene kami. Talagang nakakapagod pero nakakatuwa naman kasi iba ang adrenaline namin sa set. Lahat kasi excited for the taping kaya kahit nakakapagod, sulit naman kasi alam naming maganda ang mga eksenang kinunan sa amin ni Direk Mike [Tuviera]," kuwento ni JC sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

SOMETHING NEW FOR 2010. Ito raw ang gustong kakaibang gawin ni JC para sa kanyang career ngayong 2010. Last year kasi ay puro drama ang ginawa tulad ng LaLola, Ngayon at Kailanman, Dear Friend, at Sana Ngayong Pasko. Mabuti naman daw at isang action-adventure ang ginagawa niya ngayon.

"I guess the last time na nagganito ako was noong Captain Barbell pa [2006]. Ngayon lang ako nag-training at nag-workout nang husto. Talagang nag-focus lang ako sa mga drama shows. Ngayon, iba naman kaya na-excite talaga ako," sabi ng young actor.

Isa sa pinakagustong ginawa ni JC sa Panday Kids ay ang eksena niya with Christopher de Leon na gumaganap bilang guro at guardian ng Panday Kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa Bataan kinunan 'yon at sa isang bridge na sira-sira na. Naka-blindfold ako sa eksena habang tinuturuan ako ni Tito Boyet. Nakakatakot lang kasi yung bridge, luma na at sira-sira na. Any time puwede na siyang masira at mahulog. Naka-harness naman kami kaya medyo kampante kami.

"Kinunan siya ni Direk Mike [Tuviera] sa tuktok namin. Helicopter shot 'yon kaya ang ganda noong mapanood namin. Para siyang pelikula. Mapapanood nila 'yan sa pilot episode on February 22," banggit niya.

Si Jackie Rice ang katambal ni JC at gandang-ganda siya rito.

"Maganda naman talaga si Jackie, di ba?" ngiti ni JC. "Noon ko pa naman siya nakikita sa GMA-7. Nagkakasabay nga kami minsan sa mga guestings at promo sa mga shows. Wala akong masabing iba pa kundi maganda talaga siya."

UP CLOSE AND PERSONAL WITH JACKIE. Single si Jackie ngayon at wala ring karelasyon si JC. Ma-develop kaya silang dalawa?

"Hindi ko alam, e. Nakakailang eksena pa lang naman kami. Pero yung friendship, hindi malayong mangyari kasi okey naman si Jackie. Mabait siya at madaling katrabaho. Tulad nga ng sabi ko, ang ganda niya. Nakakawala ng pagod kapag nakita mo ang mukha niya.

"I am looking forward na maging close kami talaga. Wala namang masama sa maging friends muna kami. Ayoko munang isipin ang manligaw kasi nga mas focused ako sa trabaho ngayon. Dito muna lahat ng energy ko sa Panday Kids."

May kumalat na balitang may offer ang TV5 kay JC, pero ang sabi ng binata, "Hindi ko alam ang balitang 'yan. Nagulat din ako nang tanungin ako about that. I think last month pa sa akin tinatanong 'yan at wala akong alam talaga. Obviously, hindi ako lilipat kasi nasa Panday Kids ako tapos may isa pa akong gagawin after this. Kaya hindi totoo na lilipat ako.

"Kung meron mang ganyang balita, siguro ang tanungin na lang nila ay si Tita Annabelle [Rama, his manager]. Si Tita Annabelle ang nakakaalam ng lahat regarding sa kontrata at mga offers. Kung may offer ang TV5, sana sinabi na sa akin ni Tita. Pero wala naman, e, kaya tuluy-tuloy ang trabaho ko sa GMA-7."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN