Sen. Jinggoy Estrada celebrates 47th birthday with friends in showbiz and politics

Sen. Jinggoy Estrada's wife Precy got emotional while singing "Ikaw" to the actor-senator during last night's birthday party.


January 23 talaga ang birthday ni Sen. Jinggoy Estrada, pero nagpa-party ito sa Blue Leaf sa McKinley Hills, Taguig City, kahapon, February 19, para sa kanyang mga kaibigan sa pulitika at showbiz.

Kabilang sa mga nagsidatingang bisita ay sina Tirso Cruz III kasama ang asawang si Lyn Ynchausti-Cruz, at mga anak na sina Bodie at Djanin; Bobby Andrews; Eddie Garcia; veteran showbiz writers and talent managers na sina Manay Ethel Ramos, Tita Chit Guerrero and Tita Angge; directors Joel Lamangan, Soxy Topacio and Gil Portes; Ricky Davao; Lorna Tolentino at anak nitong si Ralph Fernandez; Armida Siguion-Reyna at asawang si Atty. Leonardo Siguion-Reyna; Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr.; Bayani Agbayani at asawang si Lenlen; Amy Austria; director Laurice Guillen at mga anak na sina Ana at Yna Feleo; Ruffa Gutierrez; Carla Humphries; Annabelle Rama; Eddie Gutierrez; former senators Serge OsmeƱa, Ernie Maceda and Francisco "Kit" Tatad; Gina Alajar at anak na si Ryan Eigenmann; Malou Choa-Fagar; Ogie Diaz; at Phillip Salvador.

Naroon din siyempre ang mga kapatid ni Sen. Jinggoy na sina Jude Estrada (kasama ang asawang si Rowena) at Jackie Ejercito-Lopez (kasama ang mister na si Beaver Lopez), ang misis ng senador na si Precy, mga anak na sina Jel, Jolo, Julian at Jill; at ang dating presidente ng Pilipinas na si Joseph "Erap" Estrada.

Ang komedyante't singer na si Marissa Sanchez ang host ng pagdiriwang nang gabing iyon.

Umawit para sa birthday celebrant sina Tirso, Ricky, Carla at Ana Feleo. Na-impress ang mga senior na bisita ni Jinggoy sa huli dahil sa galing nitong umawit ng mga kundiman at Spanish songs.

HEARTFELT. Pero ang highlight ng gabing iyon ay ang madamdaming pag-awit ni Precy ng "Ikaw" para sa asawa, at ang pagkanta din ni dating President Erap ng nilikha nitong awitin na "Kahit Na Magtiis."

Na-touch ang mga bisita't kinilig ang iba sa pag-awit ni Precy dahil naluha pa ito habang kinakantahan ang asawa sa stage. Ang "Ikaw" ay popular na awitin ni Sharon Cuneta na nilikha ni George Canseco para sa pelikulang may parehong titulo na ipinalabas noong 1993.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si presidential candidate Erap naman ay napilit ng host na si Marissa na awitin ang original composition nitong awit-protesta laban sa mga nagpaalis sa kanya bilang mayor ng San Juan noong 1970s. Mula kay Erap ang mga letra ng kanta na nilapatan naman ng himig ng batikang kompositor na si Ernani Cuenco.

Nang makapanayam ang 47-year-old actor-senator na si Jinggoy, isa lang ang birthday wish nito: "Sana magkaroon tayo ng mapayapa at maayos na eleksyon. Yun lang ang hangad ko sa ating bayan."

Tinanong din si Sen. Jinggoy kung ano ang masasabi niya sa pagkakaabsuwelto sa kasong estafa ng kaibigan niyang si Phillip Salvador. (CLICK HERE to read related story.)

"I'm happy for him. If justice has prevailed, then I'm happy for him."

Pabiro rin itong nagbigay ng mensahe sa kaibigan. "Magbago ka na. Huwag ka nang masyadong nambababae't tumulad ka na lang sa amin ni Sen. Bong."

Isang simple't maliit na cake lang na may dedication mula sa kanyang asawa't mga anak at may iisang kandila ang sinindihan at hinipan ni Sen. Jinggoy matapos kantahan siya ng "Happy Birthday" ng mga bisita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN