Jackie Rice gushes about new "inspiration" but says she's not in love: "Ayokong mabaliw!"

The 19-year-old star of Panday Kids is trying to regain lost ground after not taking her career seriously in the past. She vows not to let a new guy in her life become a distraction.


Nitong nakaraang Valentine's Day, kasama ni Jackie Rice ang bago niyang inspirasyon o ka-MU (mutual understanding), isang guy na di taga-showbiz.

"Magkasama kami, sa Antipolo, nag-swimming kami. February 13 yun, salubong, tapos February 14 nagsimba kami sa Greenhills," kuwento ni Jackie sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bago may mag-isip ng kung ano, hindi lang silang dalawa ang magkasama noong mga araw na iyon.

"Marami kami," mabilis na dagdag ni Jackie.

"Nag-aaral pa siya, 24 siya, 19 ako," patuloy sa pagkuwento si Jackie tungkol sa espesyal na lalaki sa buhay niya ngayon. May tinatapos daw itong masters degree sa Asian Institute of Management sa Makati.

BY LOVE POSSESSED. Baliw daw si Jackie kapag nai-in love. Baka mabaliw na naman siya dito?

"Hindi pa ako in love, ayokong maging baliw," sabi ni Jackie. "Tingnan mo ngayon, tuluy-tuloy ang career ko, kaya ayoko muna ma-in love."

Ayon sa dalaga, matagal na silang magkakila, "Pero dati hindi ko siya napapansin. Tapos dati lumalabas ako, nandiyan pala siya, kaibigan ko pala siya, hanggang sa 'Wow, amazing pala itong tao na ito!'

Dahil estudyante ang lalaki, natanong kung sinong gumagastos pag lumalabas sila.

"Siya! Alangan namang ako, ang bata ko pa para maging sugar mommy," natatawang sagot ni Jackie.

Ayaw sabihin ni Jackie ang pangalan ng lalaki, "kasi hindi naman siya showbiz.

"Kasi hindi ko alam kung gusto niyang mabanggit sa ganito, baka naman mag-away lang kami. Di ba, e inspirasyon ko lang naman siya."

Kung magiging seryoso daw ang ligawan nila, "paghihintayin ko siya, hanggang ready na ako, na alam ko na kung paano pagsabayin ang lovelife sa career," ang sabi ng dalaga.

"Inspiration pa lang naman, hindi ko masasabing in love kasi kahit wala naman siya, buhay naman ako, hindi naman ako nababaliw, yung ganun," paliwanag ni Jackie, na ang dating boyfriend ay si Biboy Ramirez.

Sinabi raw ni Biboy na si Vaness del Moral, ang current girlfriend niya, ang talagang minahal niya sa lahat ng naging girlfriends niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, kung sino yung present mo yun ang dapat mong mahalin nang todo-todo," sagot ni Jackie. "Alangan namang si Vaness ang GF niya tapos ako pa din yung pinakaminahal niya, masasaktan naman yung girl."

PUTTING CAREER FIRST. Si Jackie ang Ultimate Female Survivor ng Batch 3 ng StarStruck, pero pagdating sa career, aminado siyang naungusan na siya ng runner-up niyang si Iwa Moto.

Ngayong binigyan siya ulit ng pagkakataon ng GMA-7 at sunud-sunod na ang mga proyekto niya, the latest itong Panday Kids, handa na raw siyang tapatan si Iwa.

"Kaibigan ko si Iwa, pero siyempre, gusto kong maabot ang mga narating niya... Kailangan kong makabangon, e nandito naman talaga ako para sa trabaho."

Matatandaang sinuspinde siya ng home network ng anim na buwan dahil "pasaway" daw ito at inuuna pa ang gimik kaysa sa trabaho.

"Sorry kung naging pasaway ako dati," sabi ni Jackie. "Siguro kabataan days yun."

Gumigimik pa rin siya, pero bihira na lang at "hindi na ako nag-e-enjoy... Ayoko na. Ngayon mas masaya ako kapag nagtatrabaho, hindi ko na namamalayan yung oras kasi masaya ako sa ginagawa ko."

Kung noon ay demonyita siya (tulad ng karakter niya sa Darna), ano na ngayon si Jackie Rice?

"Tao na! Hahaha! Nasasaktan pa din, may natutunan. Ayoko namang sabihing anghel kasi baka kunin na ako ni Lord, di ba, e mahal ko pa buhay ko...

"Mabait naman talaga ako, nagkataon lang na minalas dati, sinapian," tawa nang tawang pagtatapos ni Jackie sa aming pag-uusap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN