Newly-acquitted Phillip Salvador still mulling decision to counter-sue ex-girlfriend Cristina Decena

Phillip strongly denies that friends in high places—namely, Senators Bong Revilla and Jinggoy Estrada—influenced the Court of Appeals' decision to reverse his conviction of estafa that would have seen the actor imprisoned for 20 years.


Nakausap kagabi ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Phillip Salvador sa birthday party ni Sen. Jinggoy Estrada sa Blue Leaf, McKinley Hills tungkol sa acquittal niya sa kasong estafa na isinampa sa kanya noon ni Cristina Decena.

Nitong February 11 ay ni-reverse ng Court of Appeals ang desisyon ng Las PiƱas City Regional Trial Court na ikulong si Phillip ng dalawampung taon. (CLICK HERE to read related story.)

Matagal nang pinaninindigan ng aktor na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya ni Decena.

UNDER ADVISEMENT. Ayon kay Phillip, pinatawad na raw niya ang dating girlfriend, pero pinayuhan din siya ng kanyang mga kaibigan na magkontra-demanda laban kay Cristina dahil sinira nito ang buhay niya. Ipinagdarasal ng aktor sa Diyos na i-guide siya sa paggawa ng desisyon.

Mariin namang sinabi ni Phillip na walang kinalaman ang kanyang mga kaibigang senador (Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada ) sa pagkaka-dismiss ng kaso niya.

Hindi raw nakialam sa kaso sina Bong at Jinggoy pero inamin ni Phillip na malaki ang naging financial help sa kanya ng mga kaibigan.

"Hello," ang balak daw sabihin ni Phillip nang tanungin ng PEP kung ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling magkaroon sila ng chance encounter ni Cristina.

Maraming beses na raw silang nagkita sa korte at nagsasabi ng "hello" siya kay Cristina tuwing nagsasalubong ang kanilang mga landas.

CRISTINA'S OFFICIAL STATEMENT. Sinubukan ng PEP na makausap si Cristina tungkol sa reaksyon niya sa desisyon ng korte na ipawalang-sala ang kanyang ex-boyfriend. Tumanggi si Cristina na magsalita pero ipinadala niya sa PEP ang kanyang official statement sa pamamagitan ng text message. Narito ang kabuuan ng kanyang mensahe:

"Regarding this matter, I would like to leave it to my lawyer as to whatever legal or necessary action should be. Six years have passed and I've already moved on.

"Right now I feel so blessed and couldn't ask for more. I just want to focus with my family and businesses especially my newly-acquired Cristina Decena Realty and Development Corporation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm fine and happy with my life. I've had so much learnings with what happened before that have made me a stronger and better person. I also have realized that one of the secrets of genuine happiness is forgiveness. I wish everyone the best. Thank you very much!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN