Michelle Madrigal still mum about mystery boyfriend's identity

Michelle gives the briefest of sound bites when talking about her boyfriend: "Non-showbiz... Last year pa kami exclusively dating... Nagmo-model siya before. Hindi puwedeng sabihin ang pangalan."


Dating magkarelasyon sina Michelle Madrigal at JC de Vera, kaya tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Michelle kung ano ang masasabi niya sa binuong JC-Jackie Rice love team sa Panday Kids.

"Ang masasabi ko sa kanila? Congratulations," umpisang pahayag ni Michelle nang makausap namin sa taping ng First Time ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Jhake Vargas.

Matamis ang labi ni JC, ayon kay Jackie, base sa kissing scene nila sa Panday Kids. Matamis nga ba, Michelle?

"Ha! Ha! Ha! Secret!" napahalakhak na lang ang aktres.

Tulad ni Jackie, gandang-ganda si Michelle sa hunky body ni JC.

"Nagwo-work out talaga si JC, pinaghihirapan talaga niya yung role niya sa Panday Kids. Kasi nung nakita ko siya nung nag-promo kami sa Showbiz Central, sabi ko sa kanya, 'Parang tumaba ka.' Hindi pala tumaba, ano pala, nagbubuhat pala siya."

Hindi maganda ang paghihiwalay nila noon pero friends na sila ngayon.

"Two years na 'ata," sabi ni Jackie. Dala na rin ito na iisa ang manager nila, si Annabelle Rama.

"Siyempre yung mga first few months," kuwento ni Michelle, "first time na nagkikita, medyo ilang pa, pero dahil palagi sa lahat ng events magkakasama kami kapag Royal Era talents. 'Tsaka tapos na yun, ang tatanda na din namin."

MYSTERY MAN.May special someone na rin si Michelle.

"Non-showbiz... Last year pa kami exclusively dating... Kapag ganun naman BF-GF na din kayo, di ba?...

"Nagmo-model siya before. Hindi puwedeng sabihin ang pangalan... Mas matangkad siya kay JC, mas malaki ang katawan nito kaysa kay JC. Pero huwag naman nating i-compare kay JC."

Ayaw i-disclose ni Michelle ang pangalan, "Kasi madaming taong mangengealam sa relationship ninyo. Kung at least ganito, tahimik lang ang buhay."

Ang kapatid niyang si Ehra Madrigal at boyfriend nitong si DJ Myke ay pitong taon na ang relasyon. Gusto rin ni Michelle na magkaroon ng ganitong katibay na relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre naman, sino ba naman ang hindi gusto... Hindi ka naman pumapasok dun na, 'Ay, sandali lang tayo, ha!'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN