Bayani Agbayani on Diz Iz It imitation issue: "There's no such thing as original in television."

" data-url="https://www.pep.ph/news/24769/bayani-agbayani-on-diz-iz-it-imitation-issue-there39s-no-such-thing-as-original-in-television" data-desc="The comic says if it seems like they're duplicating Showtime, "there's no such thing as original in television. "" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ca95f9491.jpg">

The fledgling morning show has some ways to go before it catches up with rival Showtime, but competition is healthy, says the comedian. "Dapat nga mas mag-angatan tayo, kasi industriya natin 'to. Sa palagay mo ba, kung wala kang kakumpetensiya, e tatagal ang show mo? Hindi!... Mahalin natin ang katapat nating show nang sa gayun, matulungan natin ang industriya."

Simula nang lumipat si Bayani Agbayani sa GMA-7 mula sa ABS-CBN, walang sinuman ang makapagsasabing hindi all-out ang suportang ibinibigay sa kanya ng bago niyang network.

Ilang shows ang ginagawa ng komedyante ngayon. Nasa SRO at First Time siya, na nagtatala ng matataas na rating, at may bago siyang morning program, ang talent show na Diz Iz It.

"Ang sarap po, awa ng Diyos," sabi ng komedyante. "Naniniwala naman po ako na marami pa akong mapapasayang tao. Bata pa naman ako, marami pang ideas na puwede kong itulong sa network."

Sa katunayan, may gagawin silang sitcom ni Michael V, ang Pepito Manaloto.

HIT SERIES. Tuwang-tuwa siya sa malakas na pagtanggap ng viewers sa First Time. "Napanood ko sa GMA News kagabi, grabe ang tilian."

Bilib na bilib siya sa mga batang kasama niya sa teleserye, tulad nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jake Vargas at iba pa.

"Magagaling ang mga bata," sabi niya, at "magagalang, mababait, marunong rumespeto sa mga veterans."

Dugtong pa niya, "Natural silang umarte. Actually, hindi nga umaarte. Bihira akong makakita nang ganung artista na bago sa industriya, pero parang mga datihan na."

FLEDGLING SHOW. Magandarinang rating ng show niya na kasama si Christopher de Leon, ang SRO Cinemaserye Presents Meet the Fathers. "Ang inaalagaan ko na lang yung Diz Iz It, kasi daily," sabi niya. "Pangalawa, dun talaga ako lumaki, sa daily show."

Sa ngayon daw ay hindi pa nakakahabol ang morning show niya sa rating ng katapat na programa, ang Showtime.

Pero, katwiran ni Bayani, "Bago ka bumangga sa isang kalaban, hindi naman kasi agad-agad matatalo mo. And besides, hindi naman kami nagsu-show para sa rating, e. Ang mahalaga, nakakapagpasaya ka ng mga tao. Pinapanood ka ng mga tao para maging masaya sila. Hindi kailangan mag-contest, e."

Sinagot din ni Bayani ang isyung ginagaya raw nila ang format ng katapat na show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una, there's no such thing as original in television. Yung format ng Showtime, galing na sa Talentadong Pinoy 'yan. Ang Talentado naman, galing sa American Idol, Britain's Got Talent.

"Alam niyo naman sa Pilipinas, kapag mabili ang shawarma, lahat nagkaka-shawarma business. Kapag Zagu, Zagu lahat. Ang sa akin, ang opinion ko, walang karapatan ang kahit na sino na sinasabing kinokopya ang show nila."

BUSINESS IS BUSINESS. Anong feeling niyang kinukumpetenisya niya ngayon ang mga dating ka-Kapamilya na stars and shows?

"Wala po... Business, e, ganun talaga ang negosyo."

Kaibigan naman daw niya ang mga hosts ng Showtime, lalo na si Vhong Navarro.

"Minsan nga binibiro ako ni Vhong. Meron daw dun contestant na kamukha ko. Sabi niya, 'O, nandito ka pala. Bumalik ka na pala sa amin. Welcome ka rito.' Tapos tumawag siya sa akin. Nag-uusap kami ni Vhong, e.

"Kasi talaga si Vhong, mahal ko 'yan, sobrang mahal ko 'yan. Yung panganay niya, inaanak ko."

E, si Vice Ganda?

"Mahal ko rin," nakangiti niyang sabi. "Wala naman akong kaano sa showbiz..."

SOMETHING NEW. May mga patutsada raw kasi si Ganda, isa sa mga judges ng Showtime.

"Opinion niya yun, e... ginagalang ko ang opinion niya. Pero siyempre, ang sa akin lang, imbes na magsiraan, magmahalan na lang tayo... Mahalin natin ang katapat nating show nang sa gayun, matulungan natin ang industriya."

Ang sa kanya, "Dapat nga mas mag-angatan tayo, kasi industriya natin 'to. Sa palagay mo ba, kung wala kang kakumpetensiya, e tatagal ang show mo? Hindi! Si Jaworski at saka si Atoy Co, kaya tumagal 'yan kasi magkaaway sila. Sina Vilma Santos at Nora Aunor noon, magkakumpetensiya. Kung wala si Vilma Santos, maaaring walang Nora Aunor."

Naniniwala siya na tataas rin ang rating ng Diz Iz It.

"Unang-una, hindi na rin ako bago sa industriya. Nakita ko yung show na maluwag, marami pa ang mangyayari. Kasi, yung show namin na last two days, smooth na smooth na. Nagtatawanan na. Yun ang nakikita kong mangyayari sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang, ang pinipilit naming gawin, may mapanood sa amin na hindi napapanood sa ibang talent show, yun ang dapat mangyari."

" data-url="https://www.pep.ph/news/24769/bayani-agbayani-on-diz-iz-it-imitation-issue-there39s-no-such-thing-as-original-in-television" data-desc="The comic says if it seems like they're duplicating Showtime, "there's no such thing as original in television. "" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ca95f9491.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/24769/bayani-agbayani-on-diz-iz-it-imitation-issue-there39s-no-such-thing-as-original-in-television" data-desc="The comic says if it seems like they're duplicating Showtime, "there's no such thing as original in television. "" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ca95f9491.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/24769/bayani-agbayani-on-diz-iz-it-imitation-issue-there39s-no-such-thing-as-original-in-television" data-desc="The comic says if it seems like they're duplicating Showtime, "there's no such thing as original in television. "" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ca95f9491.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/24769/bayani-agbayani-on-diz-iz-it-imitation-issue-there39s-no-such-thing-as-original-in-television" data-desc="The comic says if it seems like they're duplicating Showtime, "there's no such thing as original in television. "" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ca95f9491.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/24769/bayani-agbayani-on-diz-iz-it-imitation-issue-there39s-no-such-thing-as-original-in-television" data-desc="The comic says if it seems like they're duplicating Showtime, "there's no such thing as original in television. "" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ca95f9491.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/24769/bayani-agbayani-on-diz-iz-it-imitation-issue-there39s-no-such-thing-as-original-in-television" data-desc="The comic says if it seems like they're duplicating Showtime, "there's no such thing as original in television. "" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ca95f9491.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/24769/bayani-agbayani-on-diz-iz-it-imitation-issue-there39s-no-such-thing-as-original-in-television" data-desc="The comic says if it seems like they're duplicating Showtime, "there's no such thing as original in television. "" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ca95f9491.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN