Kris Aquino confined for concussion after slipping in shower

"My gosh! Super exhaustion and my lack of balance while scrubbing my legs, I slipped in the shower. Super banged my head around 1:30 AM...," wrote Kris Aquino in her Twitter account last Friday, Feb. 19.


Naka-admit ngayon sa Makati Medical Center ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino. Nagkaroon siya ng "cerebral and labyrinthine concussion secondary to fall" matapos madulas sa banyo last Friday ng madaling-araw, Feb. 19. Mataas din ang blood pressure niya kaya naka-confine siya ngayon sa ospital.

Ayon sa duktor ni Kris, kailangang magpahinga ang TV host-actress ng minimum of three days, kaya sa Miyerkules, February 24, na raw ang balik niya sa taping ng Kung Tayo'y Magkakalayo at hosting job for Showbiz News Ngayon. Sa next Sunday na rin siya mapapanood sa show nila ni Boy Abunda at Ruffa Gutierrez na The Buzz.

Ayon sa kuwento ni Kris sa kanyang Twitter account, nadulas siya dahil sa sobrang kapaguran.

"My gosh! Super exhaustion and my lack of balance while scrubbing my legs, I slipped in the shower. Super banged my head around 1:30 AM..." sabi sa post ni Kris.

Sinundan pa niya ito ng message na: "...So stayed up till 3 a.m. because not supposed to sleep after a bad untog! I'm still dizzy today."

Third tweet: "Our family doc, Dr Aye Nuguid, will check on me tonight. Still feeling dizzy. He wants to be sure I don't have a concussion."

Pagkatapos ng isang oras ay nag-post ulit siya. Aniya, "Last tweet till I'm better. Forcing myself to update you all. I suffered a concussion. Cerebral and inner ear. Must've fallen that hard..."

Kinagabihan pa rin ay nag-post ulit si Kris, her last post that day: "Had CT scan. My BP shot up to 180/100. Confined next 3 nights. Good night. Will rest, promise."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN