Sportsminded model Matteo Guidicelli plays a blind man in Agua Bendita

The karting champion, who studied musical theater in Chicago's Columbia College, is serious about making it in Philippine showbiz. Even while abroad, he watched Tagalog movies and read tabloids. Now that he's gotten the lead part opposite Andi Eigenmann in Agua Bendita, he's fast-tracking his fluency with Tagalog workshops.


Noong Tuesday, February 16, sa 14th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN, iniharap sa piling entertainment press ang bagong Kapamilya star na si Matteo Guidicelli.

Si Matteo ay lumaki sa Cebu at nagsimulang mag-kart racing sa edad na 11 kung saan siya nakatanggap ng maraming awards. Sa katunayan, siya rin ang nakatanggap ng titulong "Karter of the Year" sa apat na taong magkakasunod.

Pero hindi lang kart racing ang kinahiligan ni Matteo. Nahilig din siya sa horseback riding at motocross, kaya naman ganoon na lang kaimportante ang sports sa buhay niya.

Fascinated din siya sa idea na maging commercial model at pangarap niya na makita ang sarili sa billboards, pero hindi niya akalain na magiging celebrity siya balang araw.

BLIND ROLE. Last time siyang lumabas sa TV dito ay sa Kung Fu Kids noong 2008. Nang matapos ang TV show ay umalis siya patungong Amerika para mag-aral ng kursong musical theater sa Columbia College sa Chicago.

Ayon kay Matteo, sobrang na-miss niya daw ang paglabas at pag-arte, kaya naman masuwerteng napili siyang leading man ni Andi Eigenmann sa TV series na Agua Bendita, kung saan gaganapin niya ang papel ng isang bulag.

Napansin naming magaling na siyang magsalita ng Pilipino. Ang sabi ni Matteo, "Madalas po akong manood ng mga Tagalog movies at lagi rin po akong nagbabasa ng mga tabloid, kaya po natuto akong mag-Tagalog nang mabilis."

Sa ngayon ay patuloy pa rin siyang nag-aaral ng Pilipino para mas lalong maging fluent. Sa katunayan ay kumukuha siya ng workshop para ma-master pa lalo ang wika bukod sa mga acting workshops na ginagawa niya para sa Agua Bendita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN