Joross Gamboa gets to romance two ladies in First Time

"Siyempre, sa mga professor naman sa eskuwelahan, meron din na mga kiligan. So, kami naman yung gumagawa ng ibang level ng kiligan. So, kiligan ito sa faculty," says Joross, who provides the grown-up angle with Roxanne Barcelo and Michelle Madrigal, in the teenage drama First Time.


Isang P.E. teacher ang papel ni Joross Gamboa sa First Time. Bilang P.E. teacher, ginagawa niya sa series ang talagang hilig niya sa tunay na buhay, ang maglaro ng basketball. Sa katunayan, ang pagba-basketball ang naging daan kung paano siya nakapasok sa showbiz, dahil sa umpisa, ang interes lang niya ay makasali sa Star Olympics.

Pero prior to that, may iba pala siyang gustong gawin sa buhay, kuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa ilang entertainment press na bumisita sa taping ng First Time sa Palacio de Manila noong Thursday, February 18:

"Ang unang hilig ko talaga, gusto ko na maging pilot. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, bigla na lang na gusto kong maging basketball player. Kaya lang ang height ko, hanggang dito lang talaga."

Noong mag-college siya, nursing ang kinuha niya for two years. Nahinto ito nang mag-artista siya. Pero ngayon, kahit busy siya sa kanyang showbiz commitments, sinisigurado na niyang tuloy-tuloy ang pag-aaral niya ng mass communication sa Southville International School.

"KILIGAN SA FACULTY." Sa First Time, dalawa ang love story niya, with Roxanne Barcelo and with Michelle Madrigal.

"Siyempre, sa mga professor naman sa eskuwelahan, meron din na mga kiligan. So, kami naman yung gumagawa ng ibang level ng kiligan. So, kiligan ito sa faculty," natatawa niyang sabi.

Wala pa halos two months si Joross since he joined the Kapuso network, pero bukod sa First Time, halos semi-regular na rin siya sa SOP, kasama rin siya sa SRO Cinemaserye Presents Meet the Fathers, at nakakapag-guest sa iba't ibang shows ng GMA-7.

"Sobrang happy naman. Sobrang thankful naman ako sa blessing na ibinibigay sa akin ng Diyos at siyempre sa GMA, sa pagtiwala sa akin. Masaya po ako dahil katulad nitong First Time, mataas daw ang rating."

Ang ex-girlfriend niya na si Roxanne Guinoo ay balitang ikakasal na sa non-showbiz boyfriend nito. Any reaction?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Roxanne naman, nasa edad naman siya... So, good luck, good luck sa pagpapakasal niya," nakangiting sabi ni Joross.

Magtu-two years na raw ang relationship nila ng girlfriend niyang model na si Katz Saga, pero wala pa raw sa plano niyang lumagay sa tahimik.

"Wala pa po sa isip ko 'yan sa ngayon. And I'm sure, kahit naman si Katz, wala pa rin. Marami pa kaming puwedeng gawin. Happy naman kami ngayon, so, siguro yung pagpapakasal, baka kapag 30 na 'ko, siguro mga five to six years pa from now."

NEW MANAGER. Si Joross, na mina-manage ngayon ni Noel Ferrer, ay dating talent ni Becky Aguila. Anong reaction niya nang sumunod na umalis sa poder ni Becky si Angel Locsin?

"Hindi ako makapagsalita tungkol dun dahil una, hindi ko naman alam kung ano ang nangyari. Hindi naman ako involved. Nalaman ko lang yun noong presscon lang din.

"Kami naman kasi ni Tita Becky, nag-usap kami, nag-dinner kami. Pinaalam ko sa kanya kung ano yung mga plano ko. At nabanggit ko nga na si Kuya Noel na maging manager. At sabi naman niya, 'Okey 'yang si Kuya Noel, aalagaan ka n'yan.' And before na mag-meet kami ni Kuya Noel, I texted Tita Becky na magmi-meet kami at sabi naman niya, 'Good luck.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN