Joshua Dionisio says he's too young to know if tandem with Barbie Forteza will turn from reel to real

First Time actor says all his earnings go to the bank. "Wala pa po akong binibili, nasa bangko lang po lahat. Lahat po ng kailangan ko, parents ko ang bumibili," he adds.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang fast-rising teen actor na si Joshua Dionisio, at ang bungad na tanong namin sa kanya ay kung may pagkakataon ba na nag-away na sila ng kapareha niya sa First Time, isang teen show sa primetime block ng GMA-7, na si Barbie Forteza?

"Wala po, hindi po," mabilis ngunit matipid na sagot ni Joshua.

Ano naman ang regalo ng 15-year-old na binatilyo sa 12-year-old na si Barbie noong Valentine's Day?

"Relo. Nalimutan ko na kung ano..." ang simula nito, bago idugtong ang, "Ah, Tomato po yung brand."

Nang usisain namin ang gift sa kanya ng kapareha, aniya, "Comforter po yung bigay niya sa akin, nakalimutan ko po yung tatak."

At very useful nga raw ang comforter para kay Joshua. In fact, dala niya raw parati ito sa taping.

Noong February 14 ay magkasama sila, pero hindi masasabing parang date-date iyon dahil nasa trabaho sila.

"Nasa Bacolod po kami noon, show po," dagdag ni Joshua.

Since madalas sila magkasama ni Barbie, ano ang masasabi niya sa pag-uugali nito?

Sagot ni Joshua: "Mabait, marunong makisama...Hindi siya katulad ng ibang babae na maarte."

At nang tanungin siya tungkol sa pinakagusto niyang physical attribute ni Barbie, "mata," ang sabi ni Joshua.

Pero mga bata pa raw sila para isipin ang ligaw-ligaw, kaya hindi pa siya nakakasiguro sa ngayon kung magiging real ang kanilang reel tandem.

Sa ngayon, puro crushes lang si Joshua, at napansin naming mas matanda sa age niya ang natitiphuan niya: sina Carla Abellana at Heart Evangelista.

Pero paglilinaw ni Joshua, yung dati niyang naging girlfriend, "13 ako, 13 din yung girl. Artista po siya, si Eliza Pineda."

Ilang years tumagal ang relasyon nila?

"Wala pong taon, months lang."

Bakit sila nag-break?

"Hindi na po kasi kami nagkikita, e. Taga-Laguna po kasi siya."

Si Barbie ay taga-BiƱan, Laguna!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko nga din po alam kung mahilig ako sa taga-Laguna," nangingiting sinabi ni Joshua.

Ka-love triangle nila ni Barbie sa First Time ang baguhang young star na nakasama rin nila sa local adaptation ng Stairway To Heaven, si Jhake Vargas.

Sa kuwento ng nasabing serye, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, laging nagbabanggaan at nag-aaway sina Joshua, bilang Lucas, at Jhake, na gumaganap naman sa role na Baste.

Pero taliwas daw ang nangyayari sa tunay na buhay dahil magkaibigan sila ni Jhake.

"Wala pong inggitan, wala pong angasan sa amin, sa eksena lang po yun," ang natatawang sabi ni Joshua.

E, sino mas guwapo sa kanila ni Jhake?

"Hala! Bakit po ako ang tinatanong ninyo? Yung mga taong nakakakita na lang po sa amin ang tanungin ninyo," sambit ng teen actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN